Naisip Ko Lang

139 1 0
                                    

Naisip ko lang..



Babaan ang suweldo ng mga politiko


para sa eleksiyon 'di dumami ang tatakbo.


Ipantay sa kakarampot na sahod ng mga guro


upang malaman nila na mahirap magturo.


Kung tutuusin, walang bigat ang kanilang trabaho



Naisip ko lang..


Putulan ng daliri ang mga kurakot


nang 'di na pamarisan at sila'y matakot.


Kailangang walang anesthesia o gamot


para maramdaman nila ang hapdi at kirot.


Unahin na ang mga buraot at salot


dahil sahod ng mga guro ay kinukuripot.



Naisip ko lang..


Ang Licensure Examination for Politician


ay ipauso sa mga kakandidato sa halalan


upang ang mahusay na pinuno ay malaman.


At dapat may Lie Detector test na pagdaaanan


para masigurong sila ay mapagkakatiwalaan.



Naisip ko lang..


Gawing 20:1 ang ratio ng estudyante at guro


upang matiyak ang de-kalidad na pagtuturo.


Kapulpulan ng mga bata, magiging limitado.


Pagpapasaway nila, mababawasan, sigurado.


Mga guro, hindi na magpapasan ng Kalbaryo.



Naisip ko lang..


Ibalik ang corporal punishment sa sistema


upang magkaroon ang mga bata ng disiplina.


Kung bullying ito para sa kanila..


nagkakamali sila.


Nararapat lang ito sa mga pasaway na bata.



Naisip ko lang..


Dapat ay may teacher abuse ding tatawagin.


Unfair naman na lagi lang child ang uunawain,


samantalang, ang hirap-hirap na nilang unatin.


Kung managot sa guro, parang mangangain.


Bihira na lang ang may ugaling masunurin.


Estudyanteng inabuso, guro ay kakawawain.


Pag guro ang naabuso, sorry ang kakamtin.



Naisip ko lang..


Pero, sana mangyari na rin.


Mga Tula ni Makata O.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon