TODAY 1

35.8K 365 15
                                    

Kath's POV

"Your late" Pambungad ko sa kanya

" I'm sorry Kath, hinatid ko muna kasi si Julia sa set bago ako pumunta dito" sabi nya habang tila nahihiyang kinakamot ang batok nya.

Tinalikuran ko siya at sinimulang ligpitin ang mga nagkalat na laruan at feeding bottle ng mga bata at  isa-isa nilagay sa kanya kanyang nilang bags. Umiwas na ako bago pa man niya makita ang reaksyon ko pagkatapos niyang sabihin ang dahilan ng kanyang pagka late.. So inuuna niya talaga ang babaeng yun

"Look Kath I'm really sorry. Nasiraan kasi siya at malalate na siya sa taping niya at nandon lang ako sa studio kaya nagmagandang loob na ako. Tumanggi pa nga siya ng sabihin ko na susunduin ko sina Ella at Patrick sayo" Pagpapaliwanag niya

"Kath.. oyy Kath" Naramdaman ko ang paglapit niya kaya dali dali akong naglakad papunta sa folding bed kung saan natutulog ang kambal.

Yes we have a twin. Si Ella at Patrick. We named them after our well loved character sa first show namin together. Umupo ako sa gilid ng folding bed at dahang dahang hinaplos ang buhok ni Ella na natutulog malapit sa inupuan ko. They are turning 5 this September 25. Yeah 25 again. How significant that number is.

" No need to explain Daniel" Di ko pa rin siya tinitingnan

"Alam ko galit ka"

Matagal akong sumagot at pilit na nagtitimpi ngunit di ko pa rin mapigilan ang galit ko kaya't

"Oo!Naiinis ako sayo. O ayan masaya kana?" Hindi ko na napigilan ang nararamdaman kong inis after hearing him say that. Tumayo ako at bahagyang lumayo sa kambal para di sila magising.

" Ano ba gusto mong gawin ko? nagsosorry na nga diba"

" Jan ka magaling sa pagsosorry" Taas kilay at pabulong kong sabi ngunit nandoon ang diin para mmalaman niyang labis akong naiinis

" Bakit ba napaka big deal sayo ang pagkalate ko. Girlfriend ko hinatid ko. At tama ka bakit ba ako nag-eexplain sayo" inis rin niyang sagot.

"Tsk, Oo nga naman GIRLFRIEND MO! LANG naman ang dahilan kaya halos limang oras na naghintay sayo ang mga ANAK mo. Nakatulugan na lang ang paghihintay nila sa AMA nila na di man lang naisip na magtext o tumawag na malalate siya kasi  mas inuna nga niya ang GIRLFRIEND niya na araw- araw naman niyang nakikita kaysa sa kanila na weekend lang niya nakakasama." 

Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako ng mas malayo sa mga bata " Stop it Kath, baka marinig ka ng mga bata"

" Bakit totoo naman ha" 



Tinitigan niya ako at di rin ako nagpatalo. Tiningnan ko siya sa mata habang hawak hawak niya pa rin ang balikat ko. Nakakabinging katahimikan ang sumunod.

I Love You More Today Than YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon