Today 23

24.4K 309 58
                                    

Kathryn

Kanina ko pa pinagmamasdan mula sa malayo si DJ na kasalukuyang kasama ng kanyang mga kapatid at pinsang lalaki. Hindi ko mawari kung bakit iba ang kinikilos niya simula ng dumating ang mga magulang namin. 

Tila hindi ito mapakali at ang mas nakakapagtaka ay lagi itong nakadistansya sa akin. Simula ng magkabalikan kami hindi na ito nahihiwalay sa akin at kahit noong maglunch kami kasama ng pamilya niya noong nagdaang linggo, gumagawa talaga ito ng paraan para makalapit sa akin kahit palagi itong tinataboy ni Tita BB. Pasimple yang lalapit sa amin noong araw na iyon para yakapin o halikan ako ng biglaan. Kahit noong hindi pa naman kami okay aware ako na pag nasa iisang lugar kami, lagi itong nakamasid sa akin kaya hindi talaga ako mapalagay sa mga kinikilos niya ngayong araw na ito. 

May problema ba ito? Nakita ko lang siyang nagkaganyan noong panahon na may tinatago siya sa akin. Bigla akong kinabahan sa tinatakbo ng iniisip ko.

Nawala lang ang atensyon ko sa kanya ng makita ko ang mga anak ko na papalapit sa akin. Hawak hawak ni Patrick ang kamay ni Ella na umiiyak. Agad akong nabahala kaya nilapitan ko sila. Hinila ko ang upuan na malapit sa amin at umupo doon habang kandung kandong si Ella, nakatayo naman sa tabi namin si Patrick.

"What's wrong baby? why are crying?" tanong ko kay Ella habang pinupunasan ang mga luha niya.

"Mommy I don't want to have my own room,I want to share a room with Kuya. You know I can't sleep without you, Daddy and Kuya by my side." Paputol putol na sabi nito dahil umiiyak pa rin ito. Natuwa ako sa sinabi ng anak ko. Akala ko ang dahilan ng pag-ayaw niya sa kwarto niya ay dahil may hindi siyang gustong parte o dekorasyon doon pero sadyang sweet ang mga anak ko at talaga namang close ang mga ito sa isa't isa. Niyakap at hinalikan ko silang pareho sa pisngi

"I'll tell Daddy to move your bed in Kuya's room. But Baby when you grow up you have to learn to sleep by yourself. Hindi magkakagirlfriend si Kuya if you have the same room by that time" pabiro kong sabi sa kanila

"Mommy is right bunsoy, we will share a room till i find my first gf. pagnagka girlfriend na ako kailangan mo ng matulog mag-isa" Patrick

"Hmmp. ganyan ka pala Kuya ipagpapalit mo kami ni Mommy sa ibang girls. Bad ka kuya" nakalabing sabi naman ni Ella

"You know thats not true,you and Mommy are the most important girls in my life"

"Aww sweet naman ng Kuya ko. pakiss nga" nilambing ko muna ang mga anak ko bago ko ulit sila pinakawalan para makapaglaro kasama ang mga pinsan nila.

Hindi mawala ang ngiti ko sa labi ko dahil sa mga anak ko ng biglang may naramdaman akong yumakap sa akin mula sa akin likuran at hinalikan rin ako sa pisngi.

"Bakit nakangiti ng mag-isa ang misis ko?" si DJ

"Hmmm, so ngayon papansinin mo ako pagkatapos mo akong deadmahin buong araw" naka irap ko namang sabi

"Uyy nagtatapo ang asawa ko. Miss mo na ako noh?"

"Missin mo mukha mo"

Hinarap niya ako sa kanya at bigla niya akong hinalikan sa labi

"Ang ganda talaga ng asawa ko, parang Dyosa. Kaya nga ikaw lang nakikita ko ei."

I Love You More Today Than YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon