Kathryn
" What are you doing to my son!!!" Agad kong nilapitan si Seth na hawak hawak ang humahagikgik na si Patrick.
"Akin na anak ko" Agad kong kinuha si Patrick sa mga bisig ni Seth at pasigaw na tinawag si Ate Vicky. Mas nilakasan ko pa ang pagtawag kay Ate Vicky ng hindi pa rin siya dumarating embes si Daniel ang nagmamadaling pumasok sa naturang kwarto.
" May sunog ba?" DJ
Isang irap lang ang isinagot ko sa kanya.
"Ewan ko dito kay Kath tol. Buntis na naman ba to tol at palaging may sumpong o may dalaw" sagot ni Seth sa bestfriend niya.
Nagtawanan pa ang mga loko habang lumapit naman sa akin si DJ.
" Sana nga buntis ulit at triplets naman" pagsakay pa ni Dj sa kagagohan ng mga kaibigan niya. Pinalis ko ang kamay niyang humawak sa balikat ko.
" Ba, okay ka lang?"
" Pagsabihan mo yang mga kaibigan mo. Hindi bola ang anak ko para pagpasa-pasahan. Pano kung di nila masalo at mabalian ang anak ko?" buong galit kong sabi sa kanya at agad kong tinungo ang pinto upang umalis sa kwartong iyon. Pero bago pa ako makaalis ei narinig kong nagsalita si Lester.
" Kath, chill lang. Ano kaba naman, parang hindi tayo tropa."
Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at tuluyan ng umalis upang e akyat si Patrick na tumigil na sa pagtawa buti na lang at hindi natakot ang bata sa pabulyaw kong pagsasalita kanina. Bago pa ako makaakyat nakita kong papalapit si Ate Vicky.
" Kath, sorry hindi ko kasi pwedeng iwan yung niluluto kong pulutan ng mga kaibigan ni DJ. Ano ba iuutos mo"
Huminga ako ng malalim dahil ayaw kong si Ate Vicky na naman mapagbuntunan ko ng galit.
"Ate paki kuha na lang yung gatas ni Patrick sa kwartong yun paki sunod na lang sa nursery. Ako na magpapatulog kay Pat" Tinuloy ko ng ang pag-akyat at hindi rin nagtagal ay nadala na rin ni ate Vicky ang inutos ko sa kwarto ng mga bata. Payapa ng natutulog si Ella sa mga oras na yun. Kinuha ko ang panglinis at damit ni Patrick para ihanda na ito sa pagtulog.
"Kath wala ka na bang kailangan. Baba na ako kasi baka kailangan ako dun nina DJ"
" Ate Vicky, diba sabi ko sayo kanina bago ako pumunta kina Mommy na bantayan mo ang mga bata"
" Kath, inutusan kasi nila akong gumawa ng pulutan habang inaalagaan ko Si Patrick kaya sila na muna nagbantay sa bata. Sorry hindi na mauulit"
"SIge Ate bumaba kana" umalis na si Ate Vicky ngunit hindi ko narinig ang pagsara ng pinto at ng ako ay lumingo nakita kong si DJ ang akmang sasara non. Agad ko siyang tinalikuran at sinimulan ipaghili si Patrick. Nakuha naman niya ata ang gusto kong ipahiwatig na ayaw ko siyang kausapin.
Naging masaya naman ang pag-uwi namin dito sa Pilipinas. Naging mag-asawa talaga kami sa totoong saysay ng salita.