TODAY 5

26.9K 232 9
                                    

DJ's POV

Pagkatapos ng usapan namin  ni Jul hindi ko na tinuloy ang balak kong kausapin sina Kuya Jerry about kay Kath instead I call my bandmates/brothers.

Kaya ito kami ngayon having a reunion with my favorite buddy Jack Daniels.

Alam kong hectic ang schedule ko bukas pero sa kondisyon ng puso at isip ko ngayon tanging pag-inom lang ang alam kong tutulong sa akin para kahit paano ay malimutan ko ang pinagdadaanan ko sa ngayon.

Yes, I want her back pero hindi ko alam kung pano ko sisimulan. Tuluyan ng nawala ang tiwala niya sa akin. How can I gain her trust again?

"Tol, sorry pero sip  na lang kami ngayon di ka namin mapagbibigyan sa beerpong na trip mo ngayon. Alam mo naman may gig kami mamaya" Lester

"At tol pinagbabawalan na rin ako ni Daezen na uminom" Nahihiyang dagdag ni Kats

Binato ni Sed ang dalawa ng throw pillows

"Ei mga bakla pala kayo ei. Mamaya pa namang gabi yung Gig natin ah at masyado ka naman atang under Kats. tsk ang Lame lang. Nandito tayo para damayan tong si DJ kaya dapat all the way tayo. INOM" sabay taas ng basong may laman ng alak

"Itong unanong to, para sa kaalaman mo 3am na at ang gig natin magsisimula 6pm mamaya tapos bibiyahe pa tayo. Nag-iingat lang pare. At ang sama ng tugtog natin pag may hangover tayo." Lester

"Tama si Les, at sabihin mo ng under ako ano magagawa ko ei mahal ko talaga yun." Kats

Inulan ng panunukso namin si Kats at sabay sabay kaming bumato sa kanya ng pillow. Hindi naman umiilag ang gago at ngngiiti ngiti pang tinatanggap ang pambabato namin sa kanya.

Pagkaraan ng ilang sandali tumigil na rin ang pagkukulitan namin. Lumapit ako kay Kats at inakbayan ko ito.

"Pero pare masayang masaya ako para sayo kasi hanggang ngayon masaya ka pa rin kasama ang taong mahal mo"

"Ito na nga ba at magdadrama na ang artista sa atin. Paki video nga para maipalabas sa MMK" pang-aasar ni Lester

Inabot ko ang unan na nasa paanan ko at binato kay Lester

"Gago!"

Natatawa naman umilag si Lester.

Namayani ulit ang katahimikan. 

Ugh. Hindi ko na kaya!

Inabot ko ang wireless phone, nagmamadali kong pinidot ang mga numero ng telepono sa kwarto ni Kath. Kailangan kong malaman kong nakauwi na siya. Kanina pa ako kating kating tawagan siya sa CP nya pero alam ko na di niya ako sasagutin. Wala namang caller ID sa telephone sa masters bedroom ng bahay namin kaya di niya malalaman na ako tumatawag, pero nagriring lang ang telepono pero walang sumasagot. 

Hindi kaya siya umuwi? O baka tulog na tulog na. Sa bagay 3am na kaya malamang sa malamang e tulog na yun. Pero kilala ko si Kath, konting tunog lang ei nagigising na.

I Love You More Today Than YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon