Kathryn
" Virgin teh"
Nabaling ang atensyon ko kay Miles na nakaupo sa tabi ko nang marinig ko ang kanyang sinabi.
"kasi naman teh mahihiya ang kamatis sa pamumula mo habang tinitingnan ang magjowa jan sa tapat natin. Para kang walang asawa at mga anak sa pagbablush mo ei" pang-aasar ni Miles
"Teh, baka may naalaala lang kaya namumula ng ganyan ang Lola mo. ayee" Dagdag pa ni Julia Montes na nakaupo naman sa tapat namin ni Miles kaya kinailangan pa niyang lumingon para makita rin ang magkasintahan ata na wagas kong maka PDA.
Iling na lang ang sinagot ko sa dalawa kong kaibigan.
Kahit naman talaga may pamilya na ako ay hindi pa rin ako komportable pag may nakikita akong magkasintahan o mag-asawa na very intimate kahit sa public place.
Pinagpatuloy ko ang pagkain habang nagkkwentuhan pa rin sina Miles at Julia. Hindi rin naman ako makarelate sa pinag-uusapan nila dahil tungkol ito sa trabaho nila. Ito ang isa sa dahilan kaya malimit lang akong sumama sa kanila. Parang naaout of place kasi ako pag ang dating mundo ko ang topic nila.
Pinilit na nga nila ako na kumain ngayon sa labas dahil talagang iniiwasan ko na makita ng publiko. Kahit pala gaanong paghahanda ang gawin ko para sa paglitaw sa madla e hindi ko pa rin kaya. Lumaki ako sa pamilyang sobrang iniingatan ako, bilang ako ang bunso at kahit ng pumasok ako sa showbiz at may mangilanngilan na ring issue na hinarap ko pero nanjan naman si DJ para ipagtanggol ako at ang mga fans ko at namin ni DJ. Alam ko naman na kahit ngayon ay ipagtatanggol pa rin nila ako pero naiisip ko rin na sa pagkakataong ito may bala laban sa akin ang mga chismosang walang magawa sa buhay kundi ang pakialaman ang buhay ng iba. Oo kasal kami ni DJ, pero hindi sapat iyon sa kanila. Alam ko na gagawa at gagawa sila ng issue para sirain kami kaya imbes na lumantad at buong pagmamalaki kong sabihin na Mrs Padilla na ako mas makakabuti na lang na manahimik at sa ganoong paraan ay mas mapapanatili kong safe ang pamilya namin.
"Kath wala kana ba talagang balak bumalik sa trabaho, sa pag-arte?" Miles
"Alam namin pag-acting talaga ang passion mo" Julia
natigil naman ako sa pagmumuni-muni pagkarinig ko sa tanong nila.
" Wala na, gagamitin ko na lang siguro ang pinag-aralan ko at magtatayo na lang ng negosyo. Sa ngayon iniisip ko pa kung ano magandang negosyo na pagkakaabalahan ko. Gusto ko talaga matutukan ang mga anak ko, busy na nga Daddy nila pati ba naman ako ay mawawala sa kanila. Lumipas na ang panahon ko sa showbiz" nakangiti kong sabi.
"Kung maka lumipas ka naman Teh. Magdadalawang taon ka pa lang na nawawala kaya pwede pa at may marka kana sa industriya" Julia
"Pero Julia tama nga naman si Kath, may pamilya na siya at kaya naman ni DJ na itaguyod ang family nila kaya pwede ng mag ala Reyna itong kaibigan natin"
"At itaguyod talaga ang word mo Teh"
Sabay sabay kaming natawa
" Wag mo sana mamasamain ang sinabi ko Kath. Masaya ako na masaya ka sa buhay pamilya mo pero kasi hindi ko maiwasan na masayangan ei. Kakulangan ka sa industriya. Alam mo ba yun?" Julia