Kathryn
Tunog ng aking cellphone ang nagpagising sa akin. Tiningnan ko muna kung anong oras na bago sagutin ang video call ni DJ, 3 am pa pala at 3 pm naman ngayon sa Pilipinas.
"Ba" masiglang bati ni DJ sa akin " Sorry, nagising ba kita?"
" Hindi. I mean hindi pa naman masyadong lumalalim ang tulog ko. Kakaidlip ko lang din, si Ella kasi hindi makatulog"
" Bakit? May sakit ba si Ella?" may pag-aalalang tanong ni DJ
"Pottie, calm down wala siyang sakit pero this week medyo pinapahirapan ako ng mga anak mo. Si Patrick gising hanggang 11pm tapos tulog si Ella pero pag madaling araw nagigising naman si Ella."
Napansin kong lumungkot ang mukha ni DJ
"Dapat nanjan ako para dalawa tayong nag-aalaga sa kanila" malungkot pa ring saad ni DJ
"hey, wag ka ngang magdrama jan. Nandito naman si Mama para tulungan ako"
" Pero iba pa rin Ba kung nanjan ako, malapit na silang mag one at karamihan sa mga first nila hindi ko nasaksihan, oo vinivideo mo pero iba pa rin kong personal kong nakikita. Hindi ko kayo mayakap at mahalikan araw-araw. Ba nahihirapan na ako sa sitwasyon natin"
Nahihirapan na rin naman ako sa sitwasyon namin pero kailangan namin magtiis para rin naman to sa mga bata.
" uyyy miss lang kami ni Daddy Pottie" I tried to make the conversation light " Pottie kayanin na lang natin. Isipin mo na lang na lahat naman ng ginagawa mo jan e para sa pamilya natin kaya cheer up"
" Yeah, miss ko na talaga kayo. Isang buwan ko na kayong hindi nabibisita. Nakakainis naman kasi tong bago kong project, ugama at gabi ang taping kaya di ko na rin nakikitang gising ang mga bata"
"We miss you too. Sobra"
Nagkwentuhan pa kami. I told him about our babies. Ano favorites nila ngayon, ano nilalaro nila and send him some pics and video ng kambal na sobrang cute tulad ng pag-aaral nilang tumayo. Nakakatuwa pa nga dahil magkahawak kamay sila minsan habang pilit na tinatayo ang mga sarili nila.
Tawa pa ng tawa si DJ sa isang video na pilit hinahalikan ni Patrick ang kapatid habang nasa isang crib sila at itong si Ella naman ay panay ang iwas, he even showed it to some of the staffs sa set at cute cute ang mga ito sa mga anak namin.
Unfortunately we have to end the video call, kailangan na kasi si Dj sa isang eksena. He is doing an action movie at sa pagkakaalam ko si Jane ang kapareha niya sa project na to.
"Sige Ba, I have to go." Nilapit pa niya ang lips niya sa camera ng phone para kunwari ay bigyan ako ng kiss. " Ayan kiss mo Ba, at paki kiss ako sa mga anak natin. I love you Ba"
" I love you too Pottie. Sobra" nakangiti kong sagot.
Matapos ang video call namin imbes na makatulog ay nahulog ako sa malalim na pag-iisip.
Iniisip ko na sobrang dami nga palang namimiss ni DJ sa buhay ng mga anak namin lalo na ngayon na dumagsa ang project niya.
Tulad nga ng sabi niya kanina halos isang buwan ng sa wechat lang kami nagkakausap at nagkikita hindi tulad dati na palagi niya kaming nadadalaw dito sa New York.
Nahihirapan na rin siyang magpaalam sa management ng time para dalawin kami dahil bago at noong manganak ako ay tatlong buwan siyang pumalagi dito, maraming project ang nawala sa kanya kaya ngayon binabawi ng management lahat ng iyon. Laking pasasalamat talaga namin na mawala man si DJ ng ilang buwan, nariyan pa rin ang mga supporters niya.
Hindi na ako sumisilip sa mga social media sites kaya wala na akong balita kong mayroon paba kaming fans na natitira, basi kasi sa mga nakaraang projects ni DJ na sobrang succcessful masasabi kong tanggap na ng mga tao ang pagtatambal sa kanya sa iba.
Wala na rin naman akong balak bumalik sa showbiz, mas pinili ko ng maging full time na ina. Noon naisip ko na pagkapanganak ko at nasa tamang edad na ang mga bata ei babalik na ako sa trabaho pero nagbago lahat ng iyon ng mahawakan ko na ang mga anak ko. Parang huminto ang pag-ikot ng mundo ko sa mga oras na yun at narealize ko na wala na akong gustong gawin pa kundi ang alagaan na lamang sila at hindi man sabihin ni Dj pero yun rin ang gusto niya.
I love being a mom. yun ang bagay na narealize ko sa lahat ng mga pangyayari sa buhay ko ngayon.
Bukod dun may takot na rin sa dibdib ko na wala na akong babalikan sa showbiz. Mahigit isang taon akong nawala kaya mahirap ng umasang may susuporta pa sa akin.
Naalala ko ang malungkot na mukha ni DJ ng sabihin niyang nahihirapan siya sa sitwasyon namin at naisip kong ano nga ba ang silbi ng pananatili ko dito sa New York. Nanganak na ako at kasal na naman kami, panahon na siguro na maging buo ang pamilya namin. Panahon na rin para ganap na rin akong maging asawa kay DJ.
Nagtago lang naman ako dito para umiwas sa mga chismis na maaaring maka apekto sa masilan kong pagbubuntis noon. Masasabi kong kaya ko ng harapin ang kahit na anong intriga. Kaya ko ng harapin ang lahat.
With that in my mind, I went to my walk in closet ang search for my luggages.
Kaya ko na. Kakayanin ko para sa asawa ko.. Para sa pamilya ko.
-----------------------------------------------------------------------------------
Makalipas ang dalawang araw naabutan ni DJ ang nagkalat na laruan sa sala ng kanyang bahay pagdating niya mula sa shooting. Agad siyang pumanhik sa kwarto niya at naabutan niya si Kath na pinaghihili si Ella habang ang kanyang panganay naman ay nasa gitna ng malaking kama na natutulog na.
Sinugod niya ng mahigpit na yakap si Kath at masuyong hinalikan ang bunso nila na nasa bisig pa rin ng asawa.
" We are home Daddy Pottie" nakangiting sabi ni Kath