Kathryn
"mommy wake up"
"Baby, five more minutes please."
"No Mommy, you have to get up."
Madaling araw na ako nakatulog dahil matapos ang ASAP kahapon ayaw na akong bitawan ni DJ. Hindi ko maiwasang kiligin pag naaalala ko ang mga nangyari kahapon, hindi ko kailan man naisip na kayang gawin yun ni DJ pero ginawa niya pa rin para sa akin.
Gusto sana niyang dito na rin matulog sa amin pero matindi ang pagtanggi ko. Masarap kasi sa feeling na magpakabagets at bumalik sa mga panahon na hindi kayo nagsasama sa isang bahay kaya nariyan ang excitement na magkita kayo muli.
Binuksan ko ang aking mga mata at nabungaran ko ang mukha ng anak kong babae na halatang naiinis na. Pati pagkunot ng noo pag naiinis ay namana niya sa Daddy niya. Kanina pa kasi niya ako ginigising.
"Okay, gigising na po. But you have to give Mommy a bear hug and a kiss"
Agad na nawala ang busangot niyang mukha at pinagbigyan ang aking paglalambing. Hinila na niya ang aking mga kamay para tuluyan na akong mapabangon.
"Mommy, alis na jan sa bed. Take a bath and please make it fast. Your boyfie is waiting for you downstairs. Kanina pa siya dun"
"Nanjan Daddy mo?"
"Yes, kanina pa daw 5am siya dumating, he already prepared a breakfast for us. Siya nga po gigising sa inyo but we didnt allow him. Boyfriend mo pa lang siya so he is not allowed to enter your room. Lola called yesterday and she ordered us to look after you and Dad coz she is not her to be your bantay" natawa sa sinabi ng anak ko, parang kausap ko lang si Mama habang kaharap si Ella. Hinila niya muli ang mga kamay ko kaya tuluyan na akong nakaalis mula sa kama at pilit niya rin akong tinulak sa loob ng CR.
"Mommy hihintayin na lang po namin kayo sa baba" narinig ko pang sabi ng anak ko bago tuluyan siyang lumabas sa kwarto ko.
Habang naliligo naisip ko ang sinabi ni Ella. Napanood ni Mama ang nangyari kahapon, hindi pa rin okay sa kanila si DJ kaya napapaisip ako kung bakit ganon lang ang reaksyon niya. Papabantayan lang kami sa mga bata, ineexpect ko sana na bigla na lang sila mapapasugod dito ng mga kapatid ko at sesermunan ako ng matindi.
Mabilis kong tinapos ang aking paliligo at nagbihis agad. Pants at Tshirt ang pinili kong suotin dahil kasama ko si DJ definitely hindi pwedeng mag suot ng shorts at kasama rin ang mga bata magfaflats na lang ako para mas madali ko silang masundan pag umandar na naman kakulitan nila.
Agad kong nakita si DJ nang pababa ng ako sa hagdanan, agad naman itong napatayo mula sa pagkakaupo sa sofa sa aming sala at pumunta sa paanan ng hagdan para ako ay kanyang sunduin. Patakbo akong bumaba at agad siyang niyakap ng ako ay makababa. Ninayakap niya rin ako ng sobrang higpit at ng humiwalay na ako sa kanya unti unti niyang nilapit ang mukha niya sa akin upang ako ay hagkan pero biglang pumagitna sa amin ang panganay namin.
"Hep hep hep.. Your are not allowed to kiss"