Yesterday 14

22.9K 221 12
                                    

Daniel

Kasalukuyan akong tumatakbo papuntang parking lot ng location ng taping namin para takasan sina Tita Luz nang biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong sinagot habang patakbo pa rin na lumalapit sa aking sasakyan. Tapos na naman ako sa eksena ko na kinunan ngayong madaling araw  at wala na akong ibang gagawin pero partner ni Mama sina Tita Luz para pigilan ako palagi sa pag-alis. Kung ano ano ang pinapagawa sa akin tuwing vacant day ko para lang di matuloy ang lakad ko.

Speaking of my mother, boses niya ang narinig ko sa kabilang linya.

"Ma"

"Nak saan ka naman ba? Pupunta ka na naman ba sa Nueva Ecija?"

"Opo Ma. Papaalis na nga po ako"

"Anak hanggang kailan mo ba gagawin yang  panunuyo sa kanila. Buwan na binilang pero hindi ka man lang kinausap ng sino man sa kanila. Linggo ngayon sana nandito ka sa bahay para makabonding ang mga kapatid mo. Wala ka ng oras sa amin anak at wala ka na ring pahinga dahil bukas maaga na naman taping mo tapos magdadrive ka pa ng mahaba papuntang NE ngayon."

Napabuntonghininga muna ako bago sagutin si Mama. Totoo naman ang sabi ni niya na nawawalan na ako ng panahon sa kanila dahil sa tuwing nababakante ako mas pinipili kong pumunta sa probinsya nina Kath para pauli ulit na humingi ng tawad sa pamilya niya. Matapos ang paglagi ko sa ospital dahil sa tangkang pagkakamatay at matapos ako kausapin ng mga boss at ng pamilya ko naisipan kong ayusin ang buhay ko para sa pagbabalik ni Kath at mga anak ko muli akong maging karapat dapat sa kanya. Habang wala pa sila sa bansa naisip ko na unahin hingin ang tawad ng mga taong lubos na nagtiwala sa akin noon ngunit binigo ko. 

"Ma, hindi pa nila ako napapatawad at desrve ko naman po ang trato nila sa akin ngayon naging gago po ako noon kaya hanggat hindi ako nakakahingi ng tawad sa kanila ng pormal hindi ko titigilan ang pagpunta sa kanila. Babawi na lang po ako sa inyo Ma. Paki sabi kina Magui at Lelay bibisita ako pagdating ko mula NE"

"O siya sige pumunta ka sa kanila. Mag-iingat ka sa pagdadrive bakit kasi hindi ka na lang magpasama kay Kuya Romeo mo." Narinig ko ang malalim na buntong hininga ni Mama "Sana anak magbunga lahat ng mga ginagawa mong ito. I miss you anak"

"Ma, komokorni na usapan natin.'

"Batukan kita jan. Naglalambing lang e"

"Sus. Okay I miss you too Mama"

"Labas ilong naman yang miss you mo Danilo. Sige umalis kana at mag-ingat sa pagdadrive. I love anak"

"Bya Ma " binaba ko na ang cellphone ko. Hindi ko man sinabi na mahal ko rin siya alam na yun ni Mama. Hindi kami ang tipong nagsasabi noon kay Mama tuwina pero di man namin sabihin pinaparamdam naman namin sa kanya kung gano namin siya kamahal.

Tuluyan ko ng minaneho paalis sa lugar na yun ang aking sasakyan tulad ng sinabi ni Mama ilang buwan ko na rin tong ginagawa, pupunta ako sa kanila dahil alam ko na simula ng umalis si Kath umuwi na rin si Mommy Min sa probinsya para makasama si Daddy Teddy at sina Kevin. Buwan ko na itong ginagawa pero ni isa sa kanila ay hindi ko pa nakakausap. 

Tatayo lang naman ako sa gilid ng sasakyan ko para abangan ang paglabas ng sinuman sa kanila at pag may nakikita nga ako na membro ng pamilya na lalabas agad ko itong lalapitan at pilit na kinakausap pero lagi na lang ay bigo ako. Ganoon pala talaga magalit ang mga sobrang babait na tao, hindi ka nga sinusumbatan pero mas nanaisin ko pa iyon kaysa matinding pambabaliwala yung tipong parang di ka nila nakikita. Nitong nakaraang buwan ko lang naisip na imbes na tumunganga sa harap ng kanilang bahay, sinundan ko na lang sa farm nila si Daddy Teddy doon ay tumutulong ako sa mga gawaing pagsasaka. Hindi naman ako sinita ni Daddy Teddy pero hindi rin naman niya ako kinikibo. Ilang beses ko na siyang tinangkang kausapin pero lagi ay umiiwas siya. Palagi akong nasisita nina Tita Luz dahil tuwing umuuwi ako sa Maynila ay laging sunog ang balat ko dahil sa pagbibilad sa araw dulot ng maghapong gawain sa farm.

I Love You More Today Than YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon