Today 6

24.6K 226 8
                                    

 Kath's POV

Halik ng kambal ko ang nagpagising sa akin. Gising na ang aking diwa pero nagkunwari pa rin akong tulog. Inienjoy ko muna ang paglalambing ng aking mga anak. Malapit na sila maglimang taon at hindi magtatagal e magiging teenager na ang mga ito, baka pagdating ng panahong iyon ni isang halik hindi nila ibigay. Parang ayaw ko na silang lumaki at manatili lamang na maging babies ko.

"Mommy wake up na, we're going to be late in our class" 

Bigla akong napamulat ng marinig ko iyon kay Ella. Nakaligtaan kong Martes pala ngayon at may pasok ang dalawa. 

"Anong oras na ba baby ko?" tanong ko kay Patrick na nasa bahagi ng kama na malapit kung nasaan ang orasan nila sa kwartong ito.

"Mommy 7 na po" sagot ni Patrick

Double dead. Martes ngayon at may maaga akong taping para sa ending teleserye namin. Kaninang 6 am ang call time namin. Lagot ako nito kay Direk, marami pa naman kaming kukunan sa araw na to.

" Kath, huwag kang mag-alala tumawag kanina si Kuya Jerry may binago daw sa script kaya wala po kayong taping ngayon. Yung kina Ate Kim muna daw kukunan pero sayo bukas na pero mababago rin po daw schedule nyo this week dahil sa revision ng script. Tatawag na lang po daw siya sa iyo mamaya."

Para naman akong nabunotan ng tinik sa sinabing yon ni Ate Vicky. Lumabas na si Ate Vicky maya-maya dala ang mga maduduming damit ng mga bata.

"Mom, bangon na" Sabay hatak sa akin ni Ella.

" You have to have your breakfast Mom, I know you didn't eat last night" parang malaking Mama na sabi naman ni Patrick.

"Ang sweet sweet talaga ng big boy ko" pinanggigilan ko ang pisngi niya.

"But I will not get up if you will not give me 20 kisses." paglalambing ko sa kanila

Agad naman akong pinagbigyan ni Ella, after she gave me kisses siya naman pinanggigilan ko. Naramdaman ko na pasimpleng tumatayo muna sa kama si Patrick. 

Bumalik ako sa pagkakahiga.

"Mommy sabi mo you'll get up na" nakakunot noong saway ni Patrick sa akin.

"Ella, hindi na ako love ni kuya. Ayaw na niya akong e kiss ei"

"Kuya!! you're so bad" galit na baling ni Ella sa kapatid niya.

"Fine!" Patrick rolled his eyes before showering me with kisses. 

Nakipagkulitan pa ako sa kanila ng mapansin kong malapit na ang klase nila. Ako na nagyaya sa kanina para bumaba. Hinatid nila ako sa kitchen. I thought they'll have breakfast with me pero nauna na pala silang kumain. Sabi pa ng kambal ko sila nagprepare ng breakfast ko with Ate Vicky's help at hindi na nila ako ginising ng maaga dahil alam nilang I need to rest. 

Ganon talaga ang kambal ko, mga bata pa pero alam nila kung kelan hindi ako okay at hindi tulad ng ibang bata hindi nila ako tinatanong kung ano ba ang problema ko. Instead they comfort me by doing simple things that never fail to make me smile just like preparing a breakfast for me.

I Love You More Today Than YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon