Kathryn
Maaga pa pero nasa ABS-CBN na ako, ngayon kasi ang taping para sa guesting namin sa Boy and Kris Show. Kailangan na daw naming magparamdam sa publiko para sa nalalapit naming teleserye, kasama ko sa naturang guesting sina DJ, Julia B. at Dom.
Malapit na kami sa dressing room ng biglang tumunog ang phone ko, tiningnan ko kung sino ang nagtext at hindi ko maiwasang mangiti ng malaman kung sino yun.
Galing kay DJ ang text, nagtatanong kung nagustuhan ko ba ang pinadala niyang mga bulaklak sa bahay kanina. Hindi pa ata sumisikat ang araw ay may dumating ng delivery ng bulaklak sa bahay. Seryoso pala talaga siya sa panliligaw niya at hindi ko naman alam na kahit nasa Bora pa siya ay may ganon pala siyang gimik.
Hindi ko na muna siya nireplyan. Ang saya palang bumalik sa ganitong stage. Stage ng kilig kilig.
Nakangiting pinagpatuloy ko ang paglalakad pero bigla ulit tumunog ang phone ko at galing ulit kay DJ ang message, saying na malapit na sila sa Manila. Mukhang malelate siya sa taping namin ngayon papasimula na rin kasi kami pero wala pa rin siya.
Muli hindi ako nagreply, napansin kong naiwan na pala ako nina Kuya Rain kaya nagmadali akong naglakad.
Matapos akong ayusan ng glam team, pumunta na ako sa backstage, naabutan ko doon sina Julia at Dom. Deadma lang sa akin si Julia pero nilapitan ako ni Dom at nagbeso sa akin. Hindi ko na lang din tinangkang pansinin si Julia. Tumingin ako sa stage at nakita ko sina tita kris at kuya boy na sinimulan na ang kanila show.
Katulad lang din naman ito noong dating Kris TV, mas masaya nga lang ngayon dahil balik tambalan sina Tita Kris at Tito Boy at pagbabalik din to ng huli sa morning talk show.
Di nagtagal, isa-isa na kaming tinawag, mejo nagtagal pa kaming nakalabas sa backstage dahil kay Julia, parang narinig ko na humihingi pa siya ng time para hintayin si DJ. Panay rin ang tingin nito sa kanyang phone at panay rin ang tawag niya, tantya ko si DJ ang sinusubukan niyang tawagan. Napilitan na rin siyang lumabas ng muli siyang tawagin ni Tita Kris at sumunod na rin kami ni Dom sa paglabas.
Isa isa kaming nagbeso sa dalawang host.
"Good morning ladies" Tito Boy
"Good Morning Tito Boy, Tita Kris" panabay pa ata naming sagot ni Julia.
"Dom, goodmorning" bati rin ni Tito boy kay Dom
"Good Morning po"
"Diba Boy, this two girls are our favorites."
"I agree. madalas namin kayong pag-usapan ni Krissy"
"Sabi ko pa sa kanya kung pwede lang akong magbuntis gusto ko kayo paglihian ko." Kris
" Two of the most beautiful faces of this industry" Tito Boy
"And very talented"
Nahihiyang nagpasalamat na lang ako sa kanilang mga papuri.