TODAY 4

26K 275 4
                                    

Kath's POV

Gabi na ng umuwi ako sa bahay. Nakapatay na ang mga ilaw tanda na tulog na ang mga kasama ko sa bahay.

Ayaw ko pa sana umuwi at patuloy lamang na magdrive kung saan saan ng tumawag si Mama, informing me na umuwi na siya dahil nagtext si Papa na napaaga ng uwi sina Lhexine dito sa Manila. Napaaga rin kasi  uwi ni Kuya Marco mula sa flight nito sa Macau.

Ayaw man ako iwan ni Mama, dahil alam kong alam niya na hindi ako okay emotionally kahit hindi ko aminin sa kanya, she just know. Ganun nga siguro ang mga nanay. Pero kailangan siya ni Papa.

Laking pasasalamat ko na dumating sina Ate Vicky at Kuya Jun, ang yaya ng mga bata at driver ko. Third  year anniversary kasi nila noong nakaraang linggo at bilang pasasalamat sa mga nagawa nila sa amin ng mga anak ko, I gave them a trip to Boracay. Nakalimutan ko na ngayon ang uwi nila, buti na lang at dumating na sila dahil hindi talaga iiwan ni Mama ang mga bata kung wala si Ate Vicky.

Napakasama ko ata, inisip ko kasi na sana imbes na trip to Boracay, dinner na lang sana binigay ko sa mag-asawa. Dahil kasi sa gift ko sa kanila nagkita tuloy kami ng damuhong yun. Actually noong biyernes lang talaga kami nagkausap ng matagal tagal. Sa bahay naman talaga niya sinusundo ang mga bata at si Ate Vicky talaga nadadatnan niyang kasama nila at ang huli na rin nagsasabi kay Daniel ng lahat ng mga bilin ko. Dahil nga sa nagbakasyon ang mag-asawa kaya napilitan akong isama ang kambal sa set at tinext na lang si Daniel na doon sila sunduin kaya ngayon nayayanig na naman ang pader na pilit kong tinayo sa pagitan namin simula ng maghiwalay kami. 

Iniwasan ko talaga na magtagpo kami, paghinahatid niya ang mga bata every monday hindi ko na siya niyayang pumasok at parang ramdam naman niya hindi na siya welcome sa bahay ko kaya nagpapaalam na rin siya sa mga bata pagkababa ng mga gamit nila. Maging sa Abs o kahit na saan pang occasion na hindi maiwasan na magkita kami pinipilit ko talaga na hindi kami magkausap. Nagbabatian pero hanggang doon na lang. Mas si ate Vicky nga nakakausap njya about sa mga bata.

Di bale na lang, may napasaya naman ako at hindi sila basta lang sa akin. Pamilya na para sa amin sina Ate Vicky at Kuya Jun. Sa ginawa ko, alam ko na mas tumibay pa relasyon nila. Hay may mga tao talagang swerte sa pag-ibig. May mga tao talaga na sadyang para sa isa't-isa at isa na ron sina Ate Vicky at Kuya Jun.

Dahan dahan kong pinihit ang door knob sa kwarto ng kambal. I let them stay in one room. As much as possible gusto ko silang malapit sa isa't-isa. Habang mga bata pa sila gusto kong matatak sa kanila na magkasangga sila. Partners..

Partners. Yeah I can't help but smile pag naririnig o ginagamit ko ang salitang yun. 

Pag pasok na pasok ko pa lang at nakita kong magkatabi silang natutulog, parang nawala lahat ng sama ng loob ko sa araw na to. May kanya kanya silang kama pero likas na matatakutin si Ella kaya paggising ni Patrick nakatabi na ito sa kanya. Natutuwa naman ako sa panganay ko dahil sa murang edad pinapakita na niya na nanjan siya para protektahan at alagaan si Ella. I am proud that I raised kids who truly love each other.

Di ko namalayan na nagising pala si Patrick.

Pupungas pungas niyang sabing " Mommy?"

"Yes baby" lumapit ako sa kanya at hinaplos ang kanyang pisngi. "Sorry nagising ka ata ni Mommy, sleep kana ulit"

"Mommy bakit ngayon ka lang?" tanong ulit niya

"May tinapos lang si Mommy" 

"Sayang Mommy, excited pa naman kami ni Ella kasi walang work si Daddy kanina at pumayag siya na manood tayo ny movie. Susunduin ka sana namin kanina" 

Na guilty tuloy ako, pero mabuti na rin pala na hindi nila ako nadatnan dito kanina. Hindi ko kayang manood na kasama ang lalaking yun at mas mapapasama ko lang loob ng mga anak ko pag tumanggi ako.

Kinandong ko si Patrick at niyakap " Nandito na si Mommy, tayo na lang manood bukas, after ng pasok niyo wala na akong work so pwede na si Mommy" nakangiti kong sabi

Kumalas siya sa yakap ko at tiningnan ako " Ei may work na si Daddy bukas"

" Pat tayo lang naman nina Ella nanonood kahit noon pa diba?" 

" Pero iba pa rin kung kasama si Daddy, Mommy tawagan mo siya, invite him" Paglalambing ng panganay ko

"Pat, remember yung sabi ko sa inyo? Hindi natin iistorbohin Daddy niyo pag may work siya diba? Tayo na lang nina Ella tapos pag kasama niyo na ulit Daddy niyo watch kayo ulit ng ibang movie. Diba masaya yun kasi dalawang movie mapapanood niyo ni Ella" 

Hindi na sumagot ang anak ko pero di nakaligtas sa mata ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

" Sleep na baby ko" Bumalik na ito sa pagkakahiga pagka kiss nya sa akin pero si Ella naman sumunod na nagising.

"Mommy, I miss you" agad na sabi niya sa akin sabay yakap na rin. Likas talagang malambing bunso ko.

" I miss you too baby"

"Mommy dito ka sleep sa amin.. Please mommy" Paglalambing pa niya

" masisikipan kayo ni Kuya"

"No mommy, ang wide naman ng bed niyo kuya"

Naramdaman kong kumilos si Patrick.

"Mommy, Ella is right. Kasya naman tayo. Dito kana lang matulog." 

Pano hidi lalambot puso mo kung ganito ka lalambingin.

" Oh siya, move Kuya sa gitna si Mommy" Humiga ako sa pagitan nila

" Oh dito na matutulog si Mommy, ei saan na bear hug niya"

Sabay nila akong niyakap

"I love you Mommy" Sabay rin nilang sabi.

"I love you too" 

I kiss them at di nagtagal naramdaman kong banayad na rin ang kanilang paghinga. Tanda na nakatulog na sila.

" And I'm sorry if can't give you a complete family" unti unti na naman pumatak ang luha ko. 

Kasabay ng mga luha ko ay ang pagdaloy rin ng mga alaalang pilit ko man kalimutan pero hindi ko magawa.

I Love You More Today Than YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon