Kathryn
Lumipas ang araw kahapon na hindi ko pa rin napapaamin si DJ kung saan ba niya nakuha ang peklat na iyon sa palapulsuhan niya. Gusto kong makompirma ang hinala kong tinangka niyang magpakamatay at ano ang rason kung bakit niya yun ginawa, ngunit tikom ang bibig niya. Nainis ako sa pananahimik niya kaya matapos kaming managhalian kahapon agad ko siyang iniwan sa restaurant na iyon na hindi man lang nagpaalam sa kanya. Hindi niya rin naman ako sinundan at kanina sa ASAP kinailangan pa naming magspiel ng magkasama pero hindi na kami nag-usap pagkatapos. Iniiwasan ko siya at pansin kong ganon rin ang ginagawa niya.
Iniiwasan ko siya dahil kinakain ako ng guilt ko pagkatapos ko malaman kay Miles ang nangyari kay DJ ng umalis kami ng mga bata.
Mali ba na iniwan ko siya noon. Nagpakumbaba siya sa akin pero hindi ko pa rin siya pinatawad.
Mababaw lang ba ang naging pagkakasala niya?
Mababaw lang bang rason iyon para iwan ko siya?
Pero sinaktan niya ako. Nagsinungaling siya sa akin.
Buong araw kong daladala ang alalahaning ito hindi ko nga alam kung pano ko nairaos ang ASAP kanina.
Napagpasyahan kong maglakad lakad sa beach para lumanghap ng sariwang hangin at baka sa paraang iyon ay mabawasan ang nararamdaman ko ngayon.
Huminto ako sa paglalakad ng mapansin kong nasa bahagi na pala ako kung saan malimit ang mga tao.
Pinagmasdan ko lamang ang alon sa dagat. Sana tulad ng mga bagay na nahuhulog sa dagat, sana tangayin rin ng mga alon ang mga alalahanin ko sa ngayon.
"Nandito ka lang pala, kanina ka pa hinahanap nina Julia"
Hindi ko kailangan lumingon para mapagsino ang may ari ng boses na iyon. Naramdaman kong tumayo siya sa aking tabi.
"Bakit mag-isa kang naglalakad dito?"
Bumuntong hininga muna ako bago ko siya sinagot habang ang tingin ko ay nasa papalubog na araw.
"Gusto ko lang magpahangin, mamaya pa naman ang alis namin pauwi kaya naisipan ko munang maglakad lakad"
Hindi na siya nagsalita at ng lingunin ko siya, nakita ko ring pinagmamasdan niya rin ang papalubog na araw. Hindi na ako nakapagpigil at naitanong ko na rin sa kanya ang bagay na kahapon pa nagpapabigat ng damdamin ko.
"Bakit mo yun ginawa DJ?"
Nagtatakang tumingin siya sa akin
"Bakit tinangka mong magpakamatay"
Binaling muli niya ang kanyang mga mata sa dagat at huminga muna siya ng malalim.
Umupo rin siya sa buhangin at pinatong ang kanyang mga kamay sa kanyang mga binti. Pinagmamasdan ko lamang siya habang ginagawa niya ang mga yun. Akala ko ay hindi na naman niya ako sasagutin.