TODAY 8

24.2K 257 10
                                    

Kathryn

Pagod, puyat, stress.

Parang bibigay na katawan ko sa lahat ng mga iyon.

Dahil sa pagmamadali naming matapos ang huling episodes ng soap namin ni Ate Kim halos hindi na kami nauuwi sa mga bahay namin.

Pinilit ko lang na kahit saglit ay maka-uwi ako sa bahay bago ang sleeping time ng mga anak ko dahil nahihirapan silang makatulog pag wala ako o kaya ay si DJ.

Busy rin naman ata si DJ kaya kahit minsan ay hindi ko siya tinawagan at humingi ng pabor na sa kanya muna ang mga bata. 

8 pm at nakarating na ako sa bahay, sinalubong ako agad ni Ate Vicky at kinuha ang bitbit kong pasalubong para sa mga bata. Alam ko na nasa kwarto na nila si Patrick at Ella, sinanay ko sila na matulog bago pa man mag 8:30 kaya sa mga oras na ito ay sigurado akong naghahanda na ang mga ito para sa pagtulog.

Aakyat na ako ng marinig ko ang pagsigaw ni Ella. Binalot ako ng sobrang kaba.

Nagmamadaling tinahak ko ang daan papunta sa kwarto ng mga bata. Pagbukas ko ng pinto isang Ellang umiiyak ang naabutan ko.

"Mommy si Daddy" namumutlang sabi ni Patrick 

Mas lumakas ang kabog ng dibdib ko ng makita ko si Dj na nakahandusay sa paanan ng kama ni Ella. Agad ko siyang nilapitan, putlang putla ang mukha niya. Natatarantang hinawakan ko siya.

Inatake na naman ba siya? 

Akala ko matagal na siyang gumaling.

"Anong nangyari sa Daddy nyo?"Baling ko kay Ella na iyak ng iyak pa rin.

" Mommy naglalaro lang kami tapos tumigil na lang po siya at hinawakan dibdib niya. Then he collapsed mommy"  sagot ni Ella.

Mas nataranta ako ng sabihin yun ni Ella.

" DJ!!! DJ!!! DJ wake up" pilit ko siyang ginigising.

Hindi pa rin siya gumigising kaya mas kinabahan ako.

"Patrick take your sister outside and call Tita Vicky"

"No Mommy, I want to stay here. I won't leave Daddy" 

Mas natataranta ako pagnakikita ko si Ella na umiiyak sa tabi ko kaya mainahon ko siyang pinakiusapan na lumabas na muna. Dumating naman agad si Ate Vicky ng tawagin siya ni Patrick.

" Ate tawagan mo doctor ni DJ at paki bantayan muna ang mga bata sa baba"

"ano number kath?"

"sa bag ko ate, pakikuha sa wallet ko yung calling card ni Doc calling card" hinawakan ko ulit si DJ at pilit pa rin ginigising 

" DJ!! DJ!!! please gumising ka.. DJ!!" Hindi ko na napigilan at umagos na ang mga luha ko. Parang lalabas na puso ko sa dibdib ko sa sobrang kaba.

I Love You More Today Than YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon