Today 20

28K 276 34
                                    

Daniel

"Time is up ladies, kailangan ko ng bawiin ang asawa ko" Anunsyo ko sa mga babae ng aming pamilya na nakapalibot kay Kath ng mga oras na iyon. 

Malapit ng mag alas sais ng gabi pero tila hindi nauubusan ng tanong ang mga ito kay Kath tungkol sa naging buhay niya sa New York lalo na ang pagiging VS angel niya. Sa tuwing lalapitan ko pa si Kath ay lagi akong pinapaalis ni Tita Bebe kaya hinayaan ko muna na sila na makasama ang asawa ko pero sa mga oras na ito kailangan ko na siyang makuha mula sa kanila dahil kailangan ko ng simulan ang plano ko para sa birthday niya.

Original plan talaga ay ay magpunta kami sa Subic at tulad ng nakagawian ay isasama ko ang barkada namin at ang kambal namin pero biglang nagbago ang plano ko noong nagsimula na ang rehearsal  para sa pagpapahiya ko sa aking sarili. Since tinaya ko na ang dangal ko sa ginawa ko para mapasaya siya, hindi naman siguro kalabisan na sa birthday niya ay masolo ko muna siya. Habang busy si Kath sa pamilya ko buong hapon, abala naman ako sa panunulsol sa mga anak namin. I told them my plan at kinailangan ko lamang magpromise ng isang bagay para makumbinse silang umayon sa plano ko at wag ipaalam kay Mama Min ang binabalak ko.

"Aalis na ba tayo Pottie?"

"Oo Ba"

"Pano ba yan girls we have to go. Sana maulit ito. Nakakabitin ang chikahan natin." pagpapaalam niya sa mga Tita at pinsan ko

"It's okay Kath magkikita naman agad tayo pagpinakita na sayo ni DJ yung" bago pa man ako ibuking ni Ate Roanna agad ko ng hinawakan si Kath sa baywang at inakay papunta sa pintuan.

"Sandali DJ, ang mga bata"

Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad habang hawak hawak pa rin siya palabas ng bahay. Sumunod naman lahat sa amin maliban sa mga anak ko. Alam ko na mahihirapan akong isama si Kath pag nakita niya ang mga anak namin kaya inutos ko na patulugin na muna ang mga bata sa oras ng aming pag-alis.

"DJ, ang mga bata"

Binuksan ko ang sasakyan bago ko sinagot ang tanong ni Kath.

"Ba, dito muna sila kina Papa habang nasa Hongkong tayo"

"Hongkong? Anong Hongkong? Akala ko ba sa Subic tayo?"

"Change of plan Ba"

"At bakit di natin kasama ang mga anak natin?"

Bago pa man ako makasagot si Papa na ang nakipag-usap kay Kath

"Nak, gusto pa namin makasama ang mga apo ko kaya sana pagbigyan mo kami ngayon. baka sa pasukan di na naman namin sila makita at naisip rin namin na mas makakabuti na kayo na lang muna ni DJ ang umalis. Kailangan niyo ng alone time since bago pa lang kayo nagkabalikan" Di ko maiwasang mangiti ng makita ko ang pamumula ni Kath dahil sa huling sinabi ni Papa. 

Inulan kami ng tuksuhan kaya niyakap ko bigla si Kath.

"Hoy tigilan niyo nga tong asawa ko"

"Kath kambal ulit ha, ang astig kasi na dalawang Padilla pero iisa lang ang mukha" hirit pa ni Kuya Rap

"Tol! I know sharp shooter ka" dagdag pa ni Kuya RJ

I Love You More Today Than YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon