Daniel
Mas mamatamisin ko pang mamatay kaysa sa maramdaman ang kasalukuyang sakit na tinatamasa ko dulot ng kanyang pag-alis,
Kanina ko pa narinig ang ugong ng papaalis na sasakayan na kanyang minamaneho ngunit hanggang ngayon para akong napako sa lugar kung saan ako'y kanyang iniwan.
Nagpakababa na ako ngunit mas pinili niyang umalis, ganon ba kahirap na mapatawad ako? Ganon na lang ba kadaling bitawan ang lahat? Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan namin sa hiwalayan rin pala ang bagsak namin.
Inaamin ko,napakalaki kong gago pero isang beses lang naman ako nagkamali pero parang nabura noon lahat ng nagawa kong tama para sa relasyon namin.
Gusto kong maghihinanakit pero naisip ko rin na wala akong karapatan na makaramdam noon, ako ang higit na nagkulang. Ako ang may kasalanan.
Hahayaan ko lang ba talaga silang mawala sa akin?
Nagmamadaling tinungo ko ang garahe kung nasaan ang dodge ko. Susundan ko si Kath kahit saan pa siya magpunta. Hindi ko hahayaan na sa ganito lang kami matapos.
Tinahak ko ang daan papunta sa bahay ng mga Bernardos ngunit nadatnan kong patay ang ilaw sa buong bahay tanda na walang tao roon. Sumakay ulit ako sa aking sasakyan at nagdrive papuntang Nueva Ecija.
Mag-uumaga na ng marating ko ang aking destinasyon. Napagpasyanhan kong hintayin na may magbukas sa gate nina Kath kaysa bulabugin sila sa ganitong oras.
Sa oras na pinaghintay ko sa aking sasakyan ni minsan ay hindi ako naidlip, nakatingin lang ako sa gate nila, umaasang may magbubukas nito.
Kinaumagahan nakita kong unti-unting nagbukas ang kanilang gate at lumabas roon si Kevin na magtatapon siguro ng basura. Tumakbo ako papalapit sa kanya.
"Kuya"
Tila wala siyang narinig at basta na lang tinapon ang basura sa basurahan at hindi man lang ako sinulyapan. Pero hinawakan ko siya sa braso bago pa man siya makapasok sa kanilang gate.
"Ano bang kailangan mo" Kuya Kevin
"Kuya, kailangan kong makausap si Kath" pagmamakaawa ko sa kanya
"Wala na kayong pag-uusapan pa" piniksi niya ang brasong hawak hawak ko. Pero sinundan ko pa rin siya.
"Kuya"
Bigla niya akong hinarap at hinablot ang aking kwelyo. Tinitigan ako ng kanyang mga nanlilisik na mga mata.
"Sige saktan mo ako.Bugbogin mo ako. Hindi ako lalaban, hayaan mo lang akong makausap si Kath"
Bigla niya akong tinulak ng malakas dahilan para matumba ako sa kalsada.
"Gusto kitang lumpuhin. Gustong gusto kitang saktan pero maghihilom naman lahat ng pasa o sugat na pwede kong ibigay sayo, mas gugustohin ko na kainin ka ng sarili mong konsensya. Tintrato ka ng pamilya namin ng tama kahit sinira mo na nung nabuntis mo si Kath ang tiwala namin sayo, pero mahal ka ng kapatid ko kaya wala kang narinig mula sa amin simula ng ikasal kayo at ngayon na ginago mo na naman siya, tsk karma na lang DJ. Karma na lang bahala sayo." tinalikuran na niya ako.