Today 10

25.3K 261 40
                                    

DJ

"Putangina!!" sumunod namang natumba ang isang upuan na malapit kay Lester kaya naman napatayo ang huli at sumiksik na rin sa isang sulok ng dressing room kasama si Katsumi.

"Tol dahan dahan naman, mahal pagpapaayos ng upuan ngayon. Akala mo" Lester

"Tumahimik ka Les kung ayaw mong napagbuntunan ng galit ko" 

"sige mananahimik na" parang maamong tutang sagot naman ni Les na mas dumikit pa kay Katsumi na tahimik lamang sa mga panahong iyon

"Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit wala man lang nagsabi sa akin na may mangyayaring ganito?" galit kong binalingan si Kuya Mark na nasa kabilang dulo naman ng silid at malapit sa pintuan.

"Ngayon ko lang din naman nalaman tol, isa pa mga bossing na may utos niyan kaya wala ka rin namang magagawa kung nalaman mo ng mas maaga" paliwanag ni Kuya Mark

"May magagawa ako dahil asawa ko ang nasa loob ng kwartong yun" galit na galit kong sagot sa kanya. Konti na lang ata at sasabog na ako sa sobrang inis. Bago pa man nila ako mapigilan ulit dahil kanina pa nila ako pilit na kinakalma at pinipilit na manatili sa dressing room na yun ay sinugod ko na ang pinto at lalabas na sana para puntahan si Kath. E demanda na ako ng management pero sisirain ko ang pinto ng kwartong yun kung saan ginagawa ang workshop niya.

"anak ng tipaklong!" si Miles na siyang napagbuksan ko ng pinto. Bubuksan sana niya ang seradura ng pinto pero dahil bubuksan ko rin iyon mula sa loob at hawak hawak niya rin ang seradura mula sa labas kaya nasali siya sa malakas na pagbubukas ko  at ang nangyari ay napasubsob siya sa akin.

"Miles anong ginagawa mo dito?"

Umayos muna siya at sinuri ang mga tao sa naturang kwarto. Bumati pa siya sa mga kasama ko at mayamaya hinawakan niya ang kamay kong nakahawak pa rin sa doorknob at tinanggal iyon mula doon. Sinara niya muli ang pintuan at inakay akong umupo.

Namewang siya at tumayo sa harapan ko.

"Narinig ko kasi mula sa ground floor ang pagdedeklara mo ng martial law kaya napasugod ako dito. Ikaw ba talaga e hindi nag-iisip DJ. Alam mo ba na dinig na dinig sa buong ABS ang ginagawa mo dito?"

"Wala akong pakialam" nakabusangot kong sagot "At bakit di mo sinabi sa akin na may ganito. Akala ko ba magkakampi tayo?  Diba napag-usapan naman sa story con na hindi kasali si Kath sa mga workshop? Ei bakit ngayon nandon siya sa kwartong yun? Putangina! sensuality workshop pa! Pucha si Dom pa kasama" muli naman akong napatayo at tinangka na namang lumabas pero hinawakan na naman ni Miles ang braso ko at hinatak ako pabalik.

"Wag ka ngang OA. Sensuality workshop nga yun pero hindi ibig sabihin may magagawa ng milagro yung tao sa asawa mo"

"Ugh, magtititigan sila dun Miles. MAGTITITIGAN!!! at alam mo naman na may gusto yung punyetang yun sa asawa ko. Malay natin hawakan niya ang asawa ko. Subukan lang niya at mapapatay ko siya" sa naisip ko ay bigla ko na lang naibato ang blower na malapit sa inuupuan ko at muli ay muntik na namang matamaan si Lester.

I Love You More Today Than YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon