TODAY 3

25.9K 287 7
                                    

Daniel's POV

"Please Daniel, kung gusto mo na talaga na umuwi ako umalis kana jan" 

Hindi na muli niya narinig si Kath sa kabilang linya. He turn to his kids at binigyan sila ng malapad na ngiti.

"May work daw si Mommy" Pagkukunwari niya sa kambal.

Nakita niyang nalungkot ng labis ang dalawa. He promised them that he'll ask their Mommy to watch a movie. May bagong labas na disney animated film na gustong panoorin ng mga bata na kasama silang dalawa ni Kath. Sobrang natuwa kanina ang kambal ng may matanggap siyang tawag na cancelled ang taping niya that day. Natanggap lang niya ang tawag ng papunta na sila sa bahay nina Kath. Akala nila ay maabutan nila si Kath sa bahay, alam naman niya ang schedule ng dalaga.

Yeah, He know her schedule. Taping, shoots, interviews at iba pang appointments ng asawa. Pinipilit niyang makuha ito sa handler ni Kath na dati rin nilang handler noong loveteam pa sila. He just want to know where she is dahil hindi siya mapalagay pag di niya ito alam, isa itong lihim na pinakatatago nila ni Kuya Jerry. Mas magagalit si Kath pag nalaman niya na kinukuha niya ang schedule nito kaya't alam niya na wala naman talaga itong biglaang appointment na narinig niyang dahilan ng dating biyanan sa mga anak ng mag tanong ang mga ito kung saan ang mommy nila. Kaya tinawagan niya ito, at he know her so much kaya kahit pilit man itanggi ni Kath alam niyang umiiyak ito.

Ayaw man niyang umalis kahit pa nakakamatay ang silent treatment na binibigay sa kanya ni Mama Min pero kailangan niyang malaman kung ano ang nangyayari kay Kath.

Kaya napagpasyahan niyang magpaalam sa kambal at nagdesisyon na pumunta sa Station nila baka may makalap siyang impormasyon dun. Kakausapin niya si Kuya Jerry at ibang nakakatrabaho ni Kath.

Pagdating niya sa ABS di sinasadyang nagkasabay sila ni Julia na nagpark. Julia Montes na bestfriend ni Kath. Hindi tulad ng ibang kaibigan nila hindi siya tinalikuran ni Julia kahit katakot takot na sermon ang inabot nya dito ng maghiwalay sila ni Kath. They remain friends kahit di tulad dati ang closeness nila. Nararamdaman niyang may galit pa rin ito sa kanya at naiintindihan niya iyon.

"Hoy DJ!!" Bati nito sa kanya 

"Have you seen Kath? Or talk to her?" Di na siya nagpaligoyligoy pa

Huminto ito sa paglalakad.

"DJ can we talk? About Kath."

Tumango ako at napagpasyahan naming sa malapit na cafe kami mag-usap. Safe naman doon dahil wala namang masyadong tao sa mga oras na yun.

" What about Kath" tanong ko agad kay Julia ng makahanap kami ng mauupuan at makapag-order na rin

" kakatapos lang namin mag-usap sa cellphone bago ako bumaba kanina at base sa boses niya alam kong kagagaling lang niya sa pag-iyak

Kahit kailan hindi magaling magtago ang babaeng yun. Tinatawag pa akong epic fail sa mga surprise ko sa kanya noon pero siya rin naman epic fail sa pagtatago ng feelings niya.

" At parang alam ko kung bakit siya nagkakaganon" pagpapatuloy ni Julia

" Bakit?"

" Have you seen the latest interview of your girlfriend?"

" Si Julia?"

"Bakit may ipa ka pang girlfriend?" taas kilay na balik tanong ni Julia.

Ang awkward na parehong Julia ang pangalan ng bestfriend ng asawa mo at ng girlfriend mo.

" Wala, at anong kinalaman nun sa nangyayari kay Kath?"

Matagal siyang sumagot at tinitigan lang niya ako.

"I really want to kill you now DJ." nabigla ako sa sinabi ni Juls at kitang kita sa mata niya na galit na galit talaga siya sa akin ngayon

"Hey Juls, chillax. Hindi ko gets ang mga nangyayari. Ano ba sabi ni Julia sa interview?"

" Ipinagkakalat ng girlfriend mo na balak niyo ng magpakasal! Napaka laki mo talagang gago! Paniwalang paniwala pa ako sa mga kadramahan mo noon. Kaya hindi kita tinalikuran kasi saksi ako sa pagiging miserable mo ng umalis si Kath. Akala ko mahal mo talaga bestfriend ko. Tangina naman DJ! Tama na! Maawa ka sa bestfriend ko. Hindi ka ba nagsasawa sa pagpapaiyak sa kanya?" 

"Huh? Anong kasal?  Wala kaming napag-uusapan na ganyan" Depensa ko "At Juls higit sa kanino man alam mo na the last thing na gusto kong gawin ei masaktan si Kath. Siya lang ang mahal ko at mamahalin ko" 

"Tsk! Mahal? Iba ata pagkakaintindi mo sa salitang yan DJ! kung mahal mo siya sana imbes na nilalandi mo lahat ng nakakapareha mo lalo na tong si Julia ei dapat sinusuyo mo ang asawa mo."

" Juls lahat na ginawa ko para magkabalikan kami, alam mo yan. Halos lumuhod na ako sa kanya wag lang niya lang ituloy pag-alis niya at oo gago ako na mas pinairal ko pride ko kaysa sundan siya noon bukod sa ang daming magdedemanda sa akin kasi nakatali pa ako sa napakaraming kontrata noon. Oo nakikipag flirt ako sa mga leading lady ko noon, ginagawa ko lang naman yun para makuha atensyon ni Kath. Simula kasi ng bumalik siya sobra cold na niya, ni sulyap pinagkakait niya sa akin. Itong kay Julia lang naman ako napasubo. I tried to break up with her. Maraming beses na pero ayaw niya at sa pagkakaintindi ko ei tuluyan na kaming nagbreak noong biyernes kaya hindi ko gets itong sinasabi mo na sabi niya na magpapakasal kami" Mahaba kong paliwanag.

Natigilan si Julia.

"Napaka laki mo talagang GAGO! Ayusin mo yang kay Julia bago mo ayusin itong sa inyo ni Kath. Linawin mo sa kanya na break na kayo."

Tumayo na si Julia at akmang aalis ng sabihin niyang

" I believe you. Alam ko na mahal na mahal mo si Kath at ganon rin naman siya sayo. Tigilan niyo na tong laro niyong tom and jerry. Mag-usap kayo. Sinasayang niyo ang mga panahon na sana ei masaya kayo sa piling ng isa't isa. Isipin niyo rin ang kambal. Kailangan nila ng buong pamilya"

Tuluyan na siyang lumabas

Madaling sabihin. 

Bakit ang hirap naman gawin.

KATHRYN tama si JULS tama na ang habulan.

Mahal kita at Akin ka..

I'll get you back HONEY

I'll get you back HONEY 

I Love You More Today Than YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon