Kath
Isang malalim na hinga ang aking ginawa bago tuluyang abutin ang kamay ni Papa na aakay sa akin papasok sa puting limousine na magdadala sa amin sa lugar kung saan gaganapin ang aming pag-iisang dibdib ni DJ.
Magkahalong saya at kaba ang naramdaman ko ng tuluyan na akong nakapasok sa naturang sasakyan. Saya dahil ito ang katuparan ng lahat para sa aming mag-asawa at kaba sa hindi ko mawaring dahilan.
Pinili kong maupo sa kanang bahagi ng sasakyan, bahagya kong binababa ang salamin ng kotse upang makalanghap ng sariwang simoy ng hangin ng Tagaytay.
Habang umuunsad ang sasakyan,hindi ko mapigilang hindi mangiti habang naalala ang araw na una kaming lumabas ni DJ kasama ang aming mga kaibigan sa lugar na ito mismo. Sa dami ng pinagpilian naming lugar na pagdadausan ng kasal dahil sa kagustohan namin na kahit paano ay maging pribado ito,Tagaytay ang napili namin dahil ayon kay DJ dito daw niya natanggap ang pagtanggap ng ilan sa mga mahahalagang tao sa buhay ko kaya dapat daw dito rin tanggapin ng lahat ng sasaksi sa kasalan namin ang aming pagmamahalan.
Malapit na kami sa dulong bahagi ng resort kung saan matatanaw ang pamusong taal volcano ng matanaw ko ang mga taong pinaka mahalaga sa buhay namin ni DJ,bukod sa pamilya at mga kaibigan namin. Ang mga taong lubos na nagmahal sa amin- ang aming mga fans. Agad kong inutusan ang driver na ihinto ang sasakyan. Tuluyan ko ng binaba ang salamin ng kotse upang makita sila. Agad na lumapit sa aming sasakyan ang ilan sa admin ng mga fans club namin ni DJ.
Hindi ko na napigilan na maluha ng makita ko ang luha sa mga mata ng aming mga taga supporta.
"Anak kahapon pa sila nanjan" narinig kong sabi ni Papa.
Tuluyan ko ng binuksan ang pinto ng sasakyan at lumapit sa kanila. Sinalubong ako ng yakap ng mga nag-iiyakang fans.
Narinig ko ang ilan na sumisigaw ng "Best wishes Kath" "We love you and Dj" "Nandito lang kami para sa inyo" pero ang higit na nagpangiti sa akin ay ang turan ng isa sa mga admin na kasalukuyang nakayakap sa akin, anya "Makakapag-asawa na rin ako ngayon na ikakasal na ulit kayo ni DJ"
Hindi ko napigilan ang aking ngiti at niyakap ng mas mahigpit si Ate "Ate naman,kung di pala kami nagkatuluyan ni Dj di kana mag-aasawa?"
"Naku bebe girl buburohin ko na lang ang matres ko kung di rin lang kayo" kwelang sagot ni Ate na umani ng tawa sa mga naluluha pa ring fans.
Bigla naman may sumigaw ng "Kathniel Or Die". Nababasa ko na ang katagang yun noon sa twitter at sa tuwing nababasa namin iyon di namin maiwasang mabaha at sobrang ma overwhelm sa dedekasyon ng aming mga taga suporta pero ngayon purong galak ang aking naramdaman ng marinig ko yun. KathNiel or Die. Oo ilang minuto na nga at pagbibigkisin muli kami ng Dyos at tanging kamatayan na lamang ang maaaring magpahiwalay sa amin.
Tawag ni Papa ang nagsilbing hudyat sa akin upang magpaalam sa kanila. Kumaway ako sa kanila at buong pusong nagpasalamat. Kung pwede lang sana na lahat sila ay maimbeta sa kasalan. Hindi ko pa rin mabatid magpahanggang ngayon kung ano ang ginawa naming tama ni DJ para maging deserving sa pagmamahal nila.
Umunsad ulit ang aming sasakyan at di nagtagal huminto ito sa isang malaking espasyo na napapaligiran ng luntiang damo. Sa isang pintuan na pinasadya naming itayo pansamanta sa gitna ng lugar ay nakita kong nakatayo sina Mama,ang mga anak ko,sina Miles at Julia na magsisilbi kong maid of honors,mga kaibigan ko sa Ob na mga bride's maid ko naman. Ang pintuang yaon na ginaya mula sa pintuan ng simbahan ang nagsisilbing harang mula sa aking kinaroroonan at sa altar kung saan kami e kakasal.
Tumahip ang aking dibdib ng mapagtanto ko na dumating na talaga ang oras na matagal na naming inaantay. Naramdaman ko ang paghawak ni Papa sa aking kamay. Humarap ako sa kanya para lamang makita ang kanyang naluluhang mga mata.