Prologue

31.5K 567 52
                                    

13TH ROSE by Shari Louise Co aka Chichi_Louise IS ALREADY AVAILABLE ON BOOKSTORES NATIONWIDE SINCE DECEMBER 2014. The story is published by LIFEBOOKS.

Don't forget to grab a copy! ;)

Thanks! <3


Prologue

BAKIT? Isa itong tanong na mahirap sagutin. Kadalasang tanong ito kapag may hindi ka maintindihan pero minsan tanong ito kapag hindi mo matanggap ang isang bagay, kapag hindi ka makahanap ng dahilan sa mga pangyayari. At ang tanong na 'to ay kadalasang uhaw sa mga sagot.

Nasa ospital ako at binabantayan ang natutulog na si Nash, ang taong mahal ko sa ibang salita, boyfriend ko. 4th year high school kami noon at galing sa isang date, nagcelebrate kasi kami ng first anniversary namin, pero nang dahil sa walang modong driver ng isang van ay nandito siya sa ospital, kritikal ang lagay.

Bakit? Bakit si Nash pa ang kailangan malagay sa ganoong sitwasyon?

"Nash, gumising ka na please? Miss na miss na kita e," sabi ko kasunod naman noon ang sunud-sunod na pagpatak ng mga luha ko. Isang buwan nang comatose si Nash at hindi namin alam kung hanggang kailan pa. Ang totoo, sinabi ng mga doktor na makina na lamang ang bumubuhay sa kanya, pero hindi pa rin kami sumusuko ng pamilya niya sa pananalig sa Diyos. Umaasang magkakaroon ng himala at magigising pa rin si Nash.

Bakit? Bakit sa dinami-daming magkasintahan sa mundo ako pa 'yung nagdurusa ng ganito?

"Gusto mo bang gumising na si Nash?" Napatalon ako sa gulat nang biglang may babaeng nagliliwanag ang lumitaw sa harap ko. May suot siyang mahabang bestida na kulay puti at saktong sakto lamang ang sukat na humuhubog sa maganda niyang katawan, tulad niya, kumikinang din ang damit niya. Kapansin-pansin din ang ginto niyang korona at mga alahas pati na ang hawak niyang gintong baston. Para akong nakakita ng Diyosa na sa TV ko lang nakikita.

Isang "Ha?" lamang ang naisagot ko sa kaniya dahil hindi namamangha pa rin ako sa nakita ko. Totoo ba siya? Hindi ba ako nananaginip? O namamalikmata?

"Gusto mo bang gumising na si Nash?" Pag-uulit niya dahil tameme pa rin ako, tumango na lamang ako bilang pagsagot. Gusto ko naman talaga na gumising na si Nash.

"Pwes, kailangan mong gawin ang ipapagawa ko," maawtoridad niyang sagot sa'kin.

"Ano naman iyon?-" Naputol ang sasabihin ko nang mapaisip ako. Bakit ko kaagad siya pagkakatiwalaan? "Teka! Sino ka ba? Diyos ka ba para buhayin mo si Nash? Saang lupalop ka ba galing?" tanong ko sa mahiwagang babae, pero sa halip na sagutin ako ay tinutok niya ang dala niyang baston kay Nash. Namangha ako nang makita kong gumalaw si Nash at unti-unti na niyang minumulat ang mga mata niya. Masayang masaya ako sa nangyari ngunit napawi rin ito kaagad sa muling pagpikit ng mga mata nito.

"Ako si Katia, Diyosa ng mga kahilingan. Naniniwala ka na bang kaya kong gisingin si Nash?" Napalingon ako sa mahiwagang babae nang magsalita siya.

Sa mga nakita't narinig ko hindi na ako nagdalawang isip sa pagsagot, "Ano ang kailangan kong gawin?"

"Bigyan mo ako ng labintatlong rosas."

"Iyon lang ba? Masusunod! Kahit 'yung pinakamahal pang rosas ang ibili ko sa'yo ay wala akong pakialam," masaya at excited kong tugon dahil napakadali lang naman ng pinapagawa niya.

"Hindi basta bastang rosas ang ibibigay mo sa'kin. Kailangan manggagaling ito sa labintatlong lalaking paiibigin mo." Literal akong napabuka ng bibig sa mga sinabi niya. Kailangan kong magpaibig ng labintatlong lalaki? Hindi ba't napakarami naman 'ata noon?

"Anong ibig mong sabihin?" kunot noo kong tanong.

"Kailangan mong magpaibig ng labintatlong lalaki. Natural sa mga lalaki ang magbigay ng rosas para sa mahal nila, ipunin mo ang unang rosas na ibibigay ng bawat lalaki sa'yo hanggang sa ito'y maging labintatlo," pag-eexplain niya.

"Pero paano-" Magrereklamo pa sana ako nang bigla niyang putulin ang pagsasalita ko.

"Gusto mo ba talagang gumising na si Nash? Kung oo, sundin mo na lamang ako." Bawat salitang binibitiwan niya ay parang nagsasabi na ito na lamang ang paraan para gumising si Nash.

Alam kong mahirap ang pinapagawa niya, para kong paglalaruan lamang ang mga puso ng labingtatlong lalaking mapapaibig ko, pero gipit na ako, gusto ko nang makitang mulat ang mga mata ni Nash, gusto ko na siyang makatawanang muli, gusto ko nang marinig muli ang boses niya, gusto ko nang matapos ang paghihirap niya, kaya hindi naman siguro masamang kumapit sa patalim. "Sige susundin ko."

"Tandaan mo lang, 'wag kang mahuhulog sa isa sa kanila. Hindi dahil bawal kundi dahil ikaw rin ang mahihirapan," pagkasabi niya no'n ay nawala na siya bigla sa harapan ko na parang isang bula.


"ONE, TWO, three, four, five, six, seven, eight, nine, ten, eleven, twelve." Binilang ko lahat ng rosas na nasa kama ko. Isang bouquet na to kapag pagsasamahin. Napangiti na lang ako dahil malapit na.

Isa na lang at magigising na si Nash. Tatlong taon na ang lumipas. Hindi na muling nagpakita sa akin si Katia, hindi ko nga alam kung totoo ang sinabi niya pero ginawa ko pa rin. Hindi ko alam kung paano ako nakaipon ng labingdalawang rosas sa loob ng tatlong taon pero hindi ko na 'yun iniisip pa, ang iniisip ko na lang ay malapit nang magising si Nash at magsasama na kaming muli.

13th Rose, nakanino ka ba? Sana ibigay ka na kaagad sa akin.

[To be continued]


13th Rose [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon