Chapter 13 - [13/25]

4.3K 164 6
                                    

Chapter 13

DALAWANG LINGGO na ang nakalipas simula noong nangyari ang insidente. Galit pa rin si Ivy sa'kin – hindi naman talaga kami naging magkaayos – pero hindi na niya ako sinasabihan ng masasakit na salita, hindi na lang kami nagkikibuan at nagpapansinan.

Inalagaan ko si Leonne sa loob ng dalawang linggo. Hinati ko ang oras ko para sabay kong maasikaso si Nash at Leonne at naging okay naman ang lahat. Mabuti na lang at hindi pala-labas ng kwarto si Leonne, hindi niya ako nakikitang pumapasok sa kwarto ni Nash.

Sabi ng doktor, mabilis daw ang naging recovery ni Leonne kaya naman okay na okay na ang kundisyon niya ngayon. Nakita ko rin namang hindi na niya iniinda ang sugat niya sa tagiliran at maayos na siyang nakakapaglakad at nakakakilos.

Dapat nga ay isang linggo lang siya mananatili sa ospital dahil sabi ng doktor ay pwede na siyang magpagaling sa bahay nila, pero nag-insist si Mom na sa ospital na lang siya patuloy na magpagaling. Sinabi ko kay Mom na kasalanan ko kung bakit nangyari 'yon kay Leonne kaya kami ang nabayad ng lahat ng gastusin ni Leonne sa ospital. Tumatanaw si Mom ng isang malaking utang na loob kay Leonne sa ginawa nitong pagligtas sa'kin kaya gano'n na lang ang pag-aalalang binigay ni Mom sa kanya, gusto niyang fully recovered na si Leonne, bago ito umalis ng ospital.

Malaki talaga ang pasasalamat ko sa Panginoon na okay na ang kalagayan ni Leonne ngayon at wala naman ganoong kaseryosong nangyari sa kanya. Para ba akong nabunutan ng isang malaking tinik sa dibdib ngayong nakaalis na si Leonne sa ospital. Aminado kasi akong sobra akong nag-alala sa kanya habang nasa ospital siya. Iniisip ko ang sarili ko na nasa kalagayan niya, pero hindi ko 'yon maatim. Para bang ang hirap? Hindi ko alam kung saan siya humahanap ng lakas ng loob para indahin ang sakit na nararamdaman niya sa katawan niya.

NAKATITIG AKO sa papel na kanina ko pa hawak. Nakalagay dito ang flow ng program para sa Humanities Day na ngayon na gaganapin. Si Ma'am Ezpinosa ang gumawa nito kaya hindi ko na ito pwedeng baguhin. Hindi ko maalis ang tingin ko sa nakasulat sa dulo ng papel. Ang final performance na ang orchestra na binuo ni Ma'am Ezpinosa – 'yung mga nakalagay sa list na binigay niya sa'min dati – ang dapat na magpeperrm, pero wala si Carl. Walang pianist ang orchestra, paano sila makakapagperform kung walang pianist?

Sinubukan naming magpa-audition, pero sa kaunting sumubok ay wala kaming mapiling makakapantay sa galing ni Carl. Hindi pa alam ni Ma'am Ezpinosa na wala kaming nakuhang pianist at ang masaklap, nag-eexpect ang lahat ng magandang performance from the orchestra.

Unang una, nakalagay kasi ang mga katagang "Watch the first ever orchestra of our dearest school to perform in Humanities Day!" sa mga posters na naka-kalat sa school campus, maging sa gate. Pangalawa, ito ang pinagmamayabang ni Ma'am Ezpinosa sa dean at sa ibang faculty member. Na siya raw ang bumuo ng orchestra at nasabi pang, kapag naging perfect ang performance ngayon ay tuluyan na niya itong ihahandle para makipag-compete sa ibang schools.

Isa pa, lahat ng parte ng orchestra ay nagpractice, naghanda, at nag-eexpect na magpeperform sila at makakakuha ng standing ovation mula sa mga audience. I just can't let them down.

Naihilamos ko na lang ang dalawang kamay ko sa mukha ko. Hindi ako makaisip ng solusyon. Nababaliw na nga 'ata ako nang maisip kong kunin muna saglit si Carl, kung nasaan man siya at ibabalik ko na lang siya doon pagkatapos ng performance. O kaya naman kunin ko na lang 'yung nag-audition kahit hindi naman siya gano'n kagaling.

"Hay! Anak ng tokwa ka Carl!" inis na bulong ko sa sarili ko. Ilang minuto na lang kasi magsisimula na ang program. May mga tao nang nasa loob ng venue. Paniguradong maya-maya lang ay dadating na rin si Ma'am Ezpinosa, faculty members at ang mga dean.

"Miss Ledesma, Mr. Figuerroa, I'm telling you that you can get a flat one if the Humanities Day we be successful, but if not, I can give you flat five." Para bang binubulong ni Ma'am Ezpinosa sa tenga ko ang mga salitang 'yon ngayon. Ayokong bumagsak sa isang minor subject. Masisira ang grades ko nang dahil lang dito, at hindi ko 'yon kayang tanggapin.

13th Rose [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon