Chapter 3 - [3/25]

8.4K 230 14
                                    

Chapter 3

AMININ MAN natin o hindi, utang natin sa ating mga magulang ang lahat ng bagay, maging sarili pa nating buhay. Kaya naman hindi nakakapagtaka na nakasuot ako ngayon ng isang white cocktail gowm at five inches stilettos, na naka-ayos ang buhok na halos paliguan na ng hairstylist ng spray net, na puno ng pintura ang mukha ko at na halos matabunan na ako sa alahas na kung saan-saan na sinabit sa'kin. Meron sa tenga, sa leeg, sa dalawang kamay, at maging sa ankle. Ang lahat ng 'to ay dahil sa pakiusap ng mga magulang ko na sumama sa isang engagement party na pupuntahan nila.

Alam naman nila Mommy na ayaw ko sa mga ganitong party kaya minsan lang nila ako pinapakiusapan, tulad na lang ngayon. Hindi ko naman magawang tumanggi dahil nga minsan na lang ito, ibig sabihin isang mahalagang okasyon ang pupuntahan namin. Bukod kasi sa engagement, celebration rin ito ng merge between two families. Which is Ledesma family – na kami – and Zamora family. Engagement ito ng pinsan ko with the eldest of Zamora family.

Tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin nang may kumatok sa kwarto ko. "Brigette? Tapos ka na ba?" Si Mommy 'yon kaya kaagad akong lumapit sa pintuan para buksan ito. Napangiti si Mommy nang makita niya ako, alam kong palagi niya akong gustong makita ng nakaganito, babaeng babae.

"Mom, stop starring. Naiilang ako," sabi ko sa kaniya dahilan para bumalik siya sa wisyo niya, para na kasing siyang nagdadaydream kanina.

"Sorry, tara na naghihintay na ang dad mo sa sala," sabi niya at umalis na sa harapan ko. Kinuha ko na ang bag ko mula sa kama ko, chineck ko muna kung kumpleto ang laman no'n. Dapat may cellphone para may pang text ako kay Abby kapag nabored ako, dapat may ipod din pang soundtrip 'pag nabored ako at dapat may pera para makauwi ako kung sakali mang mabored ako.

Hindi naman ganoon kalayo ang reception kaya 30 minutes lang ang inabot namin para makarating doon. As usual, nagkaniya-kaniyang landas na sina Mommy at Daddy at ako heto, nakaupo sa isang mesa, nakaplug ang isang earphones sa tenga habang nakikipagtext kay Abby. Hindi kasi ako kumportableng nakikipagsocialize sa mga sosyal.

"Hindi ko alam na invited pala ang family mo sa engagement party ng kuya ko." Napatalon ako sa gulat nang may nagsalita sa may tabi ko kaya naman napalingon ako kaagad kung sino 'yung feeling close na lalaking nagsalita.

Nagulat ako nang makita ko si Martin na malapad ang ngiti. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya. Hindi ako makapaniwala na makikita ko pa siya dito. Hindi kaya nandito rin si Leonne? Kung minamalas ka nga naman o!

"Kakasabi ko lang na kuya ko ang ikakasal kaya natural na nandito ako," pag-eexplain niya. Napatango na lang ako at muling ibinaling ang atensyon ko sa cellphone ko. Wala namang dahilan para mag-usap kami ng matagal dahil hindi naman kami magkaibigan. Isa pa, wala rin naman kaming pag-uusapan.

"So bakit ka-" akmang magtatanong pa sana sa'kin si Martin ng kung ano nang tawagin ako ni Mommy na nasundan naman ng isang pagtawag ng boses ng isang babae sa kaniya, dahilan para pareho kaming mapalingon kung saan nanggagaling 'yung boses.

"Andito ka lang pala Brigette, kanina pa kita hinahanap e," sabi ni Mommy sa'kin nang makalapit siya sa kinauupuan ko. "Nga pala Rose, ito ang unica hija ko si Brigette. Natatandaan mo pa siya?" pagpapakilala ni Mommy sa'kin sa babaeng kasama niya na siya ring tumawag kay Martin. Natatandaan? Paano niya ako matatandaan kung ako ay 'di ko naman siya mamukhaan?

"Oo naman, Sab. Siya 'yung cute na cute na batang nagtatago lang sa kanyang small house sa garden niyo at naglalaro ng manika noong dumalaw ako sa inyo noon." Kilala niya ako? Natatandaan ko pang mahilig nga ako maglaro ng manika noon sa maliit na bahay sa garden namin noon pero hindi ko maalalang nakita niya ako noon! Nakakahiya! Narinig pa ni Martin ang sinabi niya. Napayuko na lang ako dahil wala na akong masabi. "Tingnan mo nga naman, hindi na nagbago ang anak mo Sab. Mahiyain pa rin." Nagtawanan sila ni Mommy pagkasabi noon ni Tita Rose. Nakita ko ring natatawa si Martin pero pinipigilan lang niya. Mukhang ayaw na niyang masampal ulit.

13th Rose [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon