Chapter 7 - [7/25]

5.6K 186 13
                                    

Chapter 7

ANG LAKAS na naman ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko kasi alam kung ano ang idadahilan ko kay Leonne. Kung anong kasinungalingan na naman ang sasabihin ko sa kanya. Pakiramdam ko nahuli ako ng mga magulang kong gumagawa ng kalokohan, kaya hindi ako makasagot. Mabuti na lang nandito sa Martin at may naisip siyang palusot.

"A, wala pre. 'Yung kaninang sinuntok mo, 'yung bastos. Ano nga ulit ang pangalan no'n?" tanong niya sa'kin at kaagad ko namang sinagot ng "Carl" at pagkatapos ay nagpatuloy na siya. "'Yun! 'Yung Carl pala, gusto niya pa lang maging boyfriend ni Brigette kaya nagawa niya 'yon. Alam mo na, may sayad na sa utak." Pinalo ko si Martin pagkatapos niyang sabihin 'yung "May sayad na sa utak." Tama bang sabihin 'yon?

Naguiguilty ako sa nangyari. Alam kong kasalanan ko kung bakit niya nagawa 'yon, kaya ayaw kong mahusgahan si Carl nang dahil lang sa ginawa niya kanina. Naniniwala akong nabigla lang naman siya sa nagawa niya kanina at naniniwala rin akong hindi na niya ulit gagawin 'yon.

Napatingin ako kay Leonne at nakitang kong tumatango siya, ibig sabihin ay naniniwala siya sa mga sinabi ni Martin. Kung iisipin hindi naman nagsinungaling si Martin e. Totoo naman ang lahat ng sinabi niya pwera sa 'May sayad.'

"Saan mo pala dinala si Carl?" tanong ko kay Leonne nang makalapit siya sa'min.

"Pinabugbog ko sa tropa ko." Nagulat ako sa sinabi niya. Isang "Ha?!" lang ang naisagot ko at hindi na naisara pa ang bibig ko. Nakitang kong tumawa siya bago siya nagsalita ulit. "Joke lang! Dinala ko lang sa guidance office, para magtanda." Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil sa guidance office niya dinala si Carl o malungkot dahil paniguradong may parusa siya galing sa guidance councilor.

"Alam mo Brigette, kung ako sa'yo sinusuot ko na 'yung sapatos ko at tatayo na mula sa pagkakaupo diyan sa kama dahil hinihintay na tayo ni Ma'am Ezpinosa sa office niya." Oo nga pala! Muntik ko nang makalimutan na ime-meet pala kami ni Ma'am ngayon para pag-usapan ang Humanities Day.

Nagmadali akong isuot ang mga sapatos ko at tumayo na mula sa pagkakaupo. "Tara na?" aya ko kay Leonne. Tumango lang siya at nauna nang lumabas. "Nga pala Martin, salamat ulit ha? Mauna na kami," nakangiti kong sabi kay Martin na nasa loob pa rin ng clinic bago ako tuluyang lumabas.

Hingal na hingal akong humarap sa pintuan ng office ni Ma'am Ezpinosa sa loob ng faculty room. 'Yung faculty room kasi sa school namin ay naglalaman ng iba't ibang office, hindi 'yung tulad sa iba na tabi tabing table lang. Nang medyo okay na ako at 'di na ako pagod kinatok ko na ang office ni Ma'am at kaagad naman niya 'yong binuksan.

"O kayo na pala 'yan, pasok kayo," aya ni Ma'am sa'min kaya pumasok na rin kami kaagad. Umupo ako sa sofa at tinabihan naman ako ni Leonne. May kinuha si Ma'am na papel sa mesa niya at binigay niya 'yon sa'min. "Take a look at it," utos niya.

Puro pangalan lang naman ang nakita namin ni Leonne sa papel at mukhang alam ko na kung para saan sila. "Gusto ko sanang lahat ng nakalista diyan sa papel na 'yan ay makapagperform sa Humanities Day. Ako mismo ang pumili sa kanila. They are the best based sa mga nakaraang performance nila sa iba't ibang programs sa school." Nagpatuloy lang sa pagdidiscuss si Ma'am about sa do's and dont's at nakikinig lang kami.

"I wan't this Humanities Day to be successful. Mas successful sa ibang programs ng school. Why? Nagkataon kasing manunuod ang dean ng SLHS (School of Language, Humanities, and Social Science) at ang dean ng school from China na ka-exchange student natin. Isa pa, pangalan ko ang nakasalalay dito." Nakakapressure ang sinabi ni Ma'am pero tumango lang kami ni Leonne. Ano pa nga bang magagawa namin? Kung hindi namin gagawin 'to ng tama kami din naman ang babagsak, at ayokong maging irregular student nang dahil sa Humanities. Minsan talaga masyadong paimportante ang subjects from SLHS e. 'Di bale na, last na naman ito.

13th Rose [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon