Chapter 10 - [10/25]

4.9K 159 7
                                    

Chapter 10

THERE IS always a chance to make things right. Kagabi pa ako binubulabog ng quote na 'yon, simula mabasa ko 'yon sa facebook post ni Martin. Isa lang ang pumasok sa isip ko sa mga oras na 'yon, si Leonne. Bakit ba nakakaramdam ako ng ganitong konsensya ng ganito kaaga? Bakit pa kasi andyan si Martin para ipamukha sa'king hindi maganda ang gagawin ko.

Nakaharap ako sa closet ko ngayon at namimili ng pwedeng suotin. Nag-aya kasi si Leonne ng getting-to-know-each-other date. Hindi ko alam kung tama ba na pumayag ako dahil parang ayaw ko namang i-open sa kanya ang lahat ng personal matters ko. First time ko lang din na sasama sa ganitong klaseng date. Hindi naman kasi uso 'to sa naging labing dalawa kong manliligaw at kahit pa kay Nash.

Napili kong isuot ang isang plain blue dress at pagkatapos ay naglagay lang ako ng belt at kwintas. Nagsuot naman ako ng white flat shoes para iterno sa dress. Mukha na naman akong presentable kahit hindi na ako mag-ipit kaya hinayaan ko nang nakalugay ang buhok ko.

Naghintay ako sa sala ng bahay namin dahil sabi ni Leonne, susunduin daw niya ako dito. Mabuti na lang at nasa trabaho ang mga magulang ko kaya hindi sila magtataka kung bakit may lalaking susundo sa'kin.

Ilang minuto lang makalipas ang alas-dyes ay narinig ko nang may bumusina sa labas ng bahay kaya naman kaagad na akong lumabas. Sumalubong sa'kin ang isang pulang sasakyan na sakay si Leonne. Maglalakad na ako papuntang passenger's side nang bumaba siya para pigilan ako. Nauna siyang maglakad at pinagbuksan niya ako ng pinto. Napangiti na lang ako sa inakto niya. Gentleman!

"Saan tayo pupunta?" tanong ko nang makasakay na ulit siya ng sasakyan.

"Ako na ang bahala sa itineraries natin para sa ngayon, 'wag ka nang magtanong dahil surprise 'yon lahat," sagot niya bago niya pinaandar ang kotse. Sumandal na lang ako at tumahimik, binuksan ko ang radyo ng sasakyan niya para okay lang kahit hindi kami nag-uusap, hindi boring.

Mag-iisang oras din ang naging byahe namin bago kami makarating sa isang seafood restaurant. Dito ba niya balak kumain? Oh no, mukhang hindi ako mag-eenjoy. Allergic ako sa kahit anong uri ng seafoods pwera sa isda.

"Tara na Brigette," aya niya sa'kin. Hindi ko namalayan na binuksan na pala niya ang pinto. Bumaba naman ako kaagad at sinundan siya papasok.

Nang makaupo na kami, tinanong niya ako kung ano ang gusto kong kainin. At ito na ang oras na ayaw kong dumating, ang oras na tatanungin niya ako ng kakainin ko tapos magtataka siya kung bakit hindi ako mag-oorder ng seafood, sasabihin ko ang dahilan ko at pagkatapos, ma-uupset siya.

"Okay na sa'kin ang sweet and sour pork Leonne," sagot ko sa kanya.

"'Yun lang? Wala ka na bang ibang gusto? Ayaw mo ba ng prawn salad nila? Masarap 'yun! Treat ko naman don't worry." Expected ko nang magiging ganito ang reaksyon niya at wala namang dahilan para magpalusot pa ako sa kanya, kaya sinabi ko na lang ang totoo, na may allergy ako sa seafoods. "Okay," lang ang nasabi niya bago siya tumawag ng waiter para mag-order.

"Sayang naman at hindi mo matitikman ang mga paborito kong seafood tulad ng crabs at lobster," sabi niya sa'kin nang makaalis na 'yung waiter. Sabi na ma-uupset siya e.

"Sorry Leonne, hindi ko nasabi sa'yo kaagad na may allergy ako sa seafoods," sabi ko na lang. Ineexpect ko na medyo gagaan ang pakiramdam niya sa pagsosorry ko.

"Okay lang 'yon, hindi mo naman kasalanan na hindi mo nasabi. Kaya nga tayo nasa getting-to-knoe-each-other date ngayon para mas makilala pa natin ang isa't isa 'di ba?" Sabagay may point naman siya. "Ayan nga't may alam na tayo sa isa't isa. Alam ko na, na may allergy ka sa seafoods at alam mo na, na seafoods ang gusto ko," dugtong pa niya.

13th Rose [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon