Chapter 1 - [1/25]

14.4K 344 26
                                    

Chapter 1

HINALIKAN KO ang noo ni Nash bago ko kinuha ang bag ko sa side table ng hospital bed. Nagpaalam ako kay Tita Leila at lumabas na ng room 403. Tatlong taon. Tatlong taon nang ganito ang eksena namin tuwing umaga. Gigising ako ng maaga para dumaan dito sa ospital at pagkalipas ng ilang minuto magpapaalam ako kay Nash at Tita Leila para pumasok sa eskwela.

Kung iisipin, nakakasawa na ang ganoong eksena. Dumating na nga sa puntong gusto na nila tita na ipatanggal ang mga makinang nakakabit sa katawan ni Nash pero palagi ko silang pinipigilan. Apat na taon. Apat na taon ang hiniling ko sa kanila simula noong nagpakita sa'kin si Katia. Pumayag naman sila dahil hindi pa rin nila kayang mawala ang nag-iisang anak nila sa kanila, hindi naman mabigat ang gastusin nila sa ospital dahil sila naman ang may-ari nito. Isa pa, sa bawat isang rosas na nadadagdag sa koleksyon ko ay nagkakaroon ng pagbabago sa kondisyon ni Nash kaya lahat kami, nagkakaroon ng pag-asa.

"Brigette! Nandito ako!" tawag sa akin ng isang pamilyar na boses pagkalabas ko ng ospital, kay Abby, ang best friend ko since high school. Alam niya ang lahat pati ang tungkol kay Katia, malaki ang tiwala ko kay Abby kaya naman siya lang ang may alam ng tungkol sa bagay na 'yon, hindi ko kasi alam kung paano iyon ipapaliwanag sa magulang ko pati na kina Tita Leila.

"Tara na?" aya ko nang makalapit ako sa kaniya. Tumango lang siya bilang pagsagot at naglakad na kami papunta sa sakayan ng jeep. May kakaiba kay Abby ngayon, tahimik siya at hindi madaldal gaya ng usual na Abby, may gloomy aura rin na bumabalot sa kaniya. Actually, noong nagtext pa lang siya na sabay kaming pumasok, na dadaanan niya ako sa ospital ay alam ko nang may problema siya.

Nakasakay na kami ng jeep at tahimik pa rin si Abby, hinayaan ko lang siya dahil alam kong naghahanap lang siya ng tiyempo para sabihin sa'kin kung ano man ang gumugulo sa isip niya. Hinayaan ko lang siyang tahimik hanggang sa makababa kami ng jeep.

6:30 pa lang naman, may 30 minutes pa kaming oras na bakante kaya hinila ko siya papasok ng Ministop na katabi lang ng school campus, nag-order ng ice cream at naupo. Sa ganitong paraan ko napapalakas ang loob ng isang Abby.

"Brigette, nag-away kami ni Toffer," malungkot niyang sabi. Hindi na ako nagulat, inaasahan ko na talagang tungkol ito sa boyfriend niya o 'di kaya sa pamilya niya. Hindi ako sumagot at tiningnan lang siya, senyales para magpatuloy siya sa pagkwekwento.

Sa hinaba-haba ng pagkwekwento niya isa lang ang nasabi ko, "Mag-sorry ka." Alam niyang siya ang may mali sa pag-aaway nila pero masyadong mataas ang pride ni Abby. "Abby, kung gusto mong magtagal kayo, ibaba mo ang pride mo." Nakakainis, naging "love guru" pa ako ng best friend ko samantalang ako matagal nang nagmamahal pero matagal na ring 'di nakakaramdam ng pagmamahal. Life is unfair nga naman.

Lumabas na kami ng Ministop at papasok na sana ng campus nang makita namin si Toffer. "Brigette, una ka na. May kailangan lang akong ayusin," paalam sa'kin ni Abby at tumakbo na siya papunta kay Toffer. Napangiti na lang ako at pumasok na lang ng campus mag-isa.

Sa pagpasok ko, nadaanan ko ng tingin si Leonne sa parking space na nakasandal sa motor niya na gumagawa na naman ng eksena kasama ng mga kaibigan niya. Andyan na naman ang walang katapusang pantitrip nila sa kahit sinong estudyanteng dumaan sa harapan nila. Nasaksihan ko kung paano nila tinakpan ang ilong nila at isinigaw ang mga katagang "Ang baho naman!" pagkadaan ng isang lalaki. Badass talaga, pero hindi sila 'yung tipo ng badass nilalait o pinagtritripan ay 'yung mga may kapintas-pintas lang. Sila 'yung tipo ng badass na kahit na sikat na model pa ang dumaan sa harapan nila basta't naisipan nilang pagtripan ka, maghanda ka na.

Hindi sila sikat pero marami-rami na ang nakakakilala sa kanila dahil sa mga trip nila simula pa noong first year kami. Kabatch ko siya at kaya ko siya nakilala dahil isa na ako sa nabiktima nila. Hinding hindi ko malilimutan noong lumapit siya noon para magtanong ng direksyon at nang ituro ko sa kanya kung saan ang tinatanong niyang room, sinabihan niya ako ng "Salamat Ate ganda." Ako naman si tanga sinagot ko pa siya ng "Walang anuman" na nasundan ng sigaw niyang "Uy si Ate o! Maganda raw siya!"

13th Rose [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon