Chapter 8 - [8/25]

5.2K 185 13
                                    

Chapter 8

GOOD THINGS come to those who wait, ika nga. Sana nga totoo ang kasabihang 'yon. Sana pagkatapos kong maghintay ng ilang taon maging maayos na ang lahat. Sana maging masaya na ako, kami, at ang lahat ng taong naging parte ng buhay ko. Higit sa lahat sana maging masaya 'yung mga taong nasaktan ko, at masasaktan ko.

Pinagmamasdan ko na naman ang mukha niya. Gaya pa rin ng dati, maputla pa rin ang kulay ng mga labi niya, may mga tubong nakasaksak sa matangos niyang ilong, at nakapikit ang mga mata. Naiinip na ako. Namimiss ko nang makitang nakamulat ang mga mata ni Nash, na nakakahinga siya kahit wala 'yung aparatong nakakabit sa ilong niya at maging mapulang muli ang mga labi niya.

Do better things come to those who wait longer? 'Yan ang tanong na minsan nang dumaan sa isipan ko. Pakiramdam ko kasi ang tagal-tagal ko nang naghihintay. Pakiramdam ko ang tagal ko nang 'di nararamdam 'yung tinatawag na kasiyahan.

Napailing na lang ako sa mga naiisip ko. Isa lang naman ang kailangan kong gawin kahit magreklamo man ako ng paulit-ulit, ang maghintay. Sinimulan ko na lang ang pagpupunas sa katawan ni Nash. Sabado naman at wala akong pasok kaya balak kong mag-fulltime sa pag-aalaga kay Nash.

Pinupunasan ko ang kanang kamay ni Nash nang may kumatok sa kwarto ni Nash. Nakapagtataka, personal nurse lang naman niya ang inaasahan kong pupunta dito ngayon, pero bakit niya kailangang kumatok? Nalock ko ba 'yung pinto?

Tumayo na lang ako para buksan ang pinto at hindi ang personal nurse ni Nash ang nakita ko kundi si Martin. Ngumiti lang siya at hindi ko pa man pinapapasok ay pumasok na siya sa loob ng kwarto ni Nash.

"Sabi na dito lang kita makikita e," sabi niya pagkaupo niya sa sofa.

"Ano ba ang kailangan mo sa'kin?" Tiningnan lang niya ako at hindi muna sumagot. Medyo hindi maganda ang ang palagay ko sa tingin na 'yon. Para bang may kailangan siya sa'king 'di ko magugustuhan o illegal.

"I need you." At saan naman niya ako kailangan? Tinaasan ko lang siya ng isang kilay para sabihing "At para saan naman?" kaya ipinagpatuloy lang niya ang pagsasalita. "Look, may baliw na babae kasing ayaw akong tantanan. Can I use you to shut her up?"

"'Yon lang ba? Ang sisiw naman niyang inihihingi mo ng tulong! Akala ko kung ano na ang kailangan mo sa'kin," natatawa kong sagot. Kasi naman seryosong seryoso ang mukha niya kanina tapos 'yon lang pala ang kailangan niya sa'kin.

Napatingin kami sa nagbukas ng pinto, 'yung personal nurse pala ni Nash. Nagpaalam muna ako kay Nash at sa personal maid niya at hinila ko na palabas si Martin. Inutusan ko lang siyang magdrive papunta sa mall at tawagan 'yung babaeng sinasabi niya. Halata sa kanyang nagugulat siya sa mga kinikilos ko. Alam kong napapansin niya na mas hyper ako ngayon kaysa sa madalas niyang makita sa school.

Sa tingin ko kasi kailangan ko 'to. Kailangan ko rin magpakasaya, at kalimutan muna ang mga problema ko. Gusto kong isipin naman ang sarili kong kaligayahan, ang sarili kong kapakanan, at ang sarili kong mga kagustuhan. Gusto ko munang kumawala sa madrama kong buhay at magliwaliw.

Bumaba na kami kaagad ng sasakyan niya nang makarating kami sa mall at makapagpark. Dumeretso kami sa Kenny Rogers dahil dito daw sila magme-meet ng babaeng sinasabi niya. Medyo na-eexcite ako sa gagawin ko mamaya dahil matagal ko nang 'di nagagawa ang magpahinto ng admirers.

Noon kasi, sa manliligaw ni Abby ko 'to ginagawa at masasabi kong effective talaga ang ginagawa ko dahil hindi na siya binabalikan ng mga manliligaw niyang ayaw naman niya. Hindi ko alam kung magiging effective rin 'to sa babae, at 'yon na lang ang ipinapanalangin ko.

"Ayan na siya Brigette, 'yung naka blue dress na hanggang balikat ang buhok," sabi sa'kin ni Martin at pagkatapos ay inakbayan pa ako. Napatingin naman ako sa babae. Maganda sana siya kaso lang bakit naman niya hinahayaang maging parang aso ng isang Martin?

13th Rose [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon