13th Rose, SOON TO BE PUBLISHED! + BOOK GIVEAWAY!

4.6K 98 26
                                    

Hello sa mga mahal kong readers!

Hindi na ako mag-aannounce kasi obvious naman kung ano 'yung announcement ko. Haha! Pero sasabihin ko na rin (Ang gulo ko 'no? Pasensya na, masaya lang! haha!) So, ayun nga po soon to be published na ang 13th Rose! Magiging available na siya soon sa bookstores nationwide!

This would not be possible without you guys. Kung hindi niyo 'to sinuportahan dito, baka hindi ko ito natapos at hindi kung natapos ko man, hindi ako magkakaroon ng lakas ng loob para ipasa ito sa lifebooks. Kaya... maraming maraming salamat sa inyo! I owe you all, big time.

Sana ay suportahan niyo ito hanggang mapublish, pati na ako at ang iba ko pang works. Salamat ulit!

Bye! Joke, may isa pa pala akong announcement. Mamimigay pala ako ng free books! Syempre 13th Rose book kapag napublish na.

Mamimili lang ako ng APAT (4) na readers.

Dalawang (2) best readers (Somehow, base ito sa comment niyo sa mga chapters. Sino ba ang best readers na masasabi ko? Sila 'yung ramdam kong, ramdam nila ang story na 'to. 'Yung tipo ng reader na dalang-dala sa bawat eksena. Ang sarap kasi sa pakiramdam ng nadadala mo 'yung mambabasa mo sa scenes na pinaghirapan mong isipin.)

At dalawang (2) best review. (Seriously, I need a review. An honest review. Pipiliin ko 'yung makakapagbigay sa'kin ng review na marami akong matutunan. Alam ko kasing marami pa akong kailangan idevelop. Paano magbigay ng review? i-comment lang po sa baba. Deadline? Hanggang sa araw bago officially marelease ang 13th Rose sa bookstores.)

Mag-aannounce ako ng mga napili ko after the deadline.

'Yun lang! Sa may tanong, please message me.

Hanggang sa muli!

~Chi

13th Rose [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon