Chapter 9 - [9/25]

4.9K 172 9
                                    

Chapter 9

NGAYON KO lang nalaman na iba-iba pala talaga ang katangian ng isang tao depende kung sino ang kaharap nito at kung paano mo siya titingnan. Lahat ng tao ay mapanghusga at lahat ay hindi makakaligtas sa panghuhusga, kaya nga nauso ang first impressions.

Halos isang buwan na kaming palaging magkasama ni Leonne at masasabi kong nagbago na ang pagtingin ko sa kanya. Unti-unti ko na siyang nagugustuhan, not in a romantic way kundi bilang isang tao, bilang isang kaibigan. Dahil sa madalas naming pagsasama, naging dahilan ito para mas makilala ko siya. Hindi naman pala siya gano'n kasama tulad ng iniisip ko noon. Marunong naman pala siyang maging mabait, maalalahanin, at mapang-unawa, pero hindi pa rin nawawala 'yung hilig niyang mantrip ng kapwa.

Ang pinakanagustuhan ko sa mga nakilalang kong pag-uugali niya ay 'yung pagpapahalaga niya sa mga kaibigan niya. Nakita ko 'yon sa minsang ipakilala niya ako bilang nililigawan daw niya sa mga kaibigan niya. Simula noon may mga ilang beses ko na rin silang nakakasama, pati na si Abby.

Ibang iba ang pakikitungo ni Leonne sa mga kaibigan niya kaysa sa ibang taong 'di niya kilala. Sabihin na lang na'tin na isang mala-anghel at matinong Leonne ang makikita mo kapag kasama niya ang kaibigan niya. 'Yung tipong alam mo na hindi siya gagawa ng kahit anong makakasakit para sa mga ito. Kita mo rin sa mga mata niya na sobra niya itong pinapahalagahan, kaya naman hindi na ako magtataka kung bakit walang alitang naganap kahit nalaman niyang nanliligaw rin si Martin sa'kin. Pero wala na talaga ang issue na 'yon. Pinaubaya na kasi 'kuno' ako ni Martin kay Leonne. Sinabi ni Martin na hindi na niya ako nililigawan.

Nagkakasama kami minsan para pag-usapan ang Humanities Day, pero madalas dahil wala lang. Mamamalayan ko na lang na katabi ko na siya habang nagrereview ako sa canteen, o kaya naman magkasabay na kaming naglalakad, tulad ngayon.

"Tara sa may garden, nando'n ang tropa e," sabi niya at pagkatapos inakbayan ako. "Nando'n na rin pala sa Abby," dugtong pa niya. Hindi na naman ako nagpapilit at kusa na lang akong sumama. Kakatapos lang naman ng quizes ko kaya wala naman akong kailangang alalahanin sa ngayon. Isa pa, nando'n din naman si Abby e.

"Brigette! Thank God at dumating ka na, kanina pa ako napagtritripan dito e," bungad sa'kin ni Abby nang makalapit kami sa kanila. Natawa lang ako dahil hindi na naman bago 'yon, hindi naman sila ang tropa ni Leonne at Martin kung hindi sila matrip.

Umupo lang kami ni Leonne sa damuhan at sumama sa kwentuhan at tawanan ng tropa niya na pwede ko na ring maituring na tropa ko. Mababait nama kasi silang lahat, nagkataon lang na iisa ang hilig nila, ang mantrip.

Tuloy lang ang kwentuhan, tawanan at asaran namin hanggang sa magutom kaming lahat at napagdiskitahan si Leonne para manlibre ng miryenda dahil nakakuha daw ito ng 60% sa quiz nila kanina. Napailing na lang ako kasabay ng pagtawa, ako lang 'ata ang hindi matutuwa sa kapag nakakuha ng 60 sa quiz dahil ako lang 'ata ang grade concious sa aming lahat. Kahit kasi si Abby ay kuntento na sa 60 dahil iyon ang passing grade. Ika nga niya, "Basta pasado okay na 'yan!"

"Excuse me," napatigil kami dahil sa nagsalitang babae na nasa likod ko pala, si Ivy. "Pwede ko bang hiramin si Brigette?" wika niya. Nagtataka ako kung bakit niya ako hihiramin pero tumayo na lang ako, baka may sasabihin siya tungkol sa Humanities Day. 'Yon lang kasi ang naiisip kong dahilan para kausapin niya ako, hindi naman kasi kami close.

"Sige guys, babalik na lang ako mamaya ha. 'Wag niyo 'kong ubusan ng pagkain ha!" biro ko sa kanila bago ako humarap kay Ivy. Sinenyasan lang niya ako para sumunod sa kanya kaya sumunod na lang ako.

Lumabas kami ng campus at pumunta sa malapit na Starbucks, umorder siya ng drinks na para sa aming dalawa bago kami umupo. Nakakapagtaka, bakit kailangan pa niyang bumili ng maiinom? Matagal ba kaming mag-uusap? Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong kinabahan.

13th Rose [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon