Chapter 25 - [25/25]

5.7K 161 18
                                    

Chapter 25

ANG BAWAT pagtatapos daw ay katumbas ng isang bagong panimula, pero kailangan ba talagang dalawang buhay ang matapos para sa dalawang taong bubuo lamang ng isang pagmamahalan? Hindi ba talaga pwedeng matupad ang lahat ng kahilingan ng isang tao? Kailangan ba talaga, isa lang sa dalawa o sa isa lang sa kabila ng maraming kahilingan ang patupad?

Hindi na ako nagulat sa balitang pumanaw na ang mom ni Leonne. Kung ikukumpara ang pagmamahal ko sa pagmamahal na ibinibigay sa'kin ni Leonne, masasabi kong mas matimbang ang kanya. Kung nang dahil sa pagmamahal ko kay Leonne ay nawala sa'kin ang taong matagal kong inalagaan ang buhay, hindi nga namang malabong mangyari kay Leonne ang sinapit ko.

Nasa ospital ako noong araw kung kailan ko nabalitaan ang nangyari sa mom ni Leonne. Pinuntahan ko siya dahil naisip ko, baka kailangan niya ako. Baka hindi niya ang kayanin ang sakit ng pagkawala ng Mom niya. Baka sobra niyang sinisisi ang sarili niya, pero hindi ako nagpakita sa kanya nang makita ko siya sa kwarto ni Tita habang umiiyak.

Naisip ko, anong gagawin ko kapag nasa harap na niya ako? Iiyak din dahil nalulungkot ako sa sinapit ng mom niya? Ano bang magagawa ko para pagaanin ang loob niya? Hindi kaya mas sumama lang ang loob niya 'pag nakita niya ako? Baka magsisi siyang minahal pa niya ako. Baka nang dahil sa nangyari ayaw na niya sa'kin, o kaya nama'y baka ako ang sinisisi niya kung bakit nawala sa kanya ang babaeng pinakamamahal niya.

Sa halip na lapitan siya sa mga oras na 'yon para subukang pagaanin ang loob niya ay nanatili lang akong nakatayo malayo sa kwarto ng mom niyang nakabukas, tahimik na umiiyak. Nasasaktan akong makitang nasasaktan ang taong mahal ko, pero wala akong magawa dahil pinangunahan na ako ng takot. Kinain na ako ng mga masasamang kaisipan.

"Kaya mo 'yan Leonne. Alam kong kakayanin mo 'yan, kakayanin mo ang lahat ng pagsubok na ibabato sa'yo ng buhay. Nandito lang ako palagi. Sorry kung wala ako ngayon sa tabi mo," bulong ko habang nakatingin pa rin sa kanya at patuloy sa pag-agos ang mga luha sa aking mga pisngi.

Hindi ako nagparamdam kay Leonne sa halos isang linggo ng burol ng mom niya. Natatakot pa rin ako sa mangyayari sa oras na magkita kami, kaya palagi ko lang pinagmamasdan si Leonne mula sa malayo. Hindi siya umaalis sa tabi ng mom niya, kaya hindi ko na kailangang magtago sa kanya. Hindi naman kasi siya lumilingon sa ibang direksyon kundi sa kabaong lang kung saan nakahimlay ang mom niya.

Siguro tama na ring hindi ako nagparamdam. Kailangan niyang bigyan ng oras ang mom niya sa huling sandali ng katawan nito dito sa mundong ibabaw. Kailangan niyang sulitin ang panahong nakikita pa niya ang mom niya. Kailangan niyang makapag-isip-isip. Kailangan kong munang umalis sa buhay niya, dahil hindi lang naman sa'kin umiikot 'yon.

Minsan na akong nakita ni Ivy sa labas ng lugar kung saan nakaburol ang mom nila ni Leonne. Pinilit niya akong papasukin, pero tumanggi ako. Mabuti na lang at naiintindihan niya ako at hindi niya sinabi sa kuya niya na nasa labas ako. Ayoko munang guluhin ang isip at damdamin ni Leonne. Gusto kong bigyan niya ng panahon ang mom at sarili niya.

Araw ngayon ng libing ng mom nila Leonne. Hanggang ngayon ay nasa malayo pa rin ako, nagmamasid, humahanap ng tiyempo para makausap si Leonne, humuhugot ng lakas ng loob para harapin siya.

Natapos na ang mga seremonyas. Nailibing na ang mommy ni Leonne at nagsialisan na ang mga tao. Si Leonne, si Ivy, ang dad nila, at ang bunso nilang kapatid na lang nila ang naiwan sa harap ng puntod ng mom niya.

Nakita kong umalis na rin ang dad nila kasama ang bunso nilang kapatid. Ito na ang oras na lumapit ako. Hindi ako nakikita ni Leonne dahil nakaharap siya sa puntod ng mom niya. Patuloy ako sa paglapit hanggang sa tumalikod si Ivy, tinanguan lang niya ako at tahimik na umalis.

13th Rose [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon