Chapter 2 - [2/25]

11.1K 285 18
                                    

Chapter 2

LIFE MUST go on ika nga, kaya naman kahit na ilang beses akong napahiya sa school kahapon, kahit na ayoko nang makita ang pagmumukha ng mga taong malakas ang trip, kahit pa gusto ko na lang magstay sa tabi ni Nash at alagaan siya, at kahit pa gusto ko munang magpahinga, hindi pwede.

Nandito ako sa may entrance ng campus at nagdadalawang isip na pumasok. Mula kasi sa kinatatayuan ko ay tanaw ko na ang grupo ni Leonne, pero ano pa nga bang magagawa ko? Siguro naman ay hindi na nila ako pagtritripan sa ginawa ko sa kanila kahapon.

Tinahak ko ang daan papasok, pero mukhang mali ang inisip ko kanina. Narinig kong tinawag ako ni Leonne ng "Miss Ganda!" pero hindi ko sila nilingon, nadala na ako, hanggat maaari ay gusto kong umiwas sa atensyon ng mga tao.

"Miss! Miss! Teka lang!" Narinig kong may tumatawag sa'kin – hindi ako sigurado kung ako nga ang tinatawag niya pero ramdam kong tumatakbo siya papalapit sa'kin – kaya nilingon ko siya at nakita ko lang naman si – hindi ko pala alam ang pangalan niya – 'yung sumigaw ng may ipis kahapon.

"Ikaw pala Mister Ipis, anong maipaglilingkod ko sa'yo?" sarcastiko kong tanong. Ano ba kasi ang kailangan niya sa'kin at bigla na lang niya akong tinawag at nilapitan?

"Seriously? Mister Ipis? Grabe ka naman, sa gwapo kong 'to hindi ako mukhang ipis 'no!" Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya dahil alam kong nonsense naman 'yon kaya tinalikuran ko siya at ipinagpatuloy ang paglalakad ko papunta ng classroom ko. Ramdam ko namang sinundan niya ako. "Hey wait!" tawag niya sa'kin. "Hindi Mister Ipis ang pangalan ko kundi Martin," pagpapatuloy niyang depensa sa pangalan niya habang naglalakad kami.

"Ano naman ngayon kung Martin ang pangalan mo? Pwede ba tigilan mo ako? Ano bang kailangan mo?" iritable kong tanong. Mabait ako sa mabait, at mataray naman sa mga taong 'di ko gusto kaya ganito na lang ako umasta pagdating sa kanya, medyo bastos.

"I know naiinis ka sa'kin, I know naoffend kita sa pagtawa ko kahapon dahil sa napatay mong ipis kaya ako nandito para humingi ng sorry. Gusto ko lang sanang makipagkaibigan," sabi ni Martin. In fairness, sa tropa nila siya pa lang ang nanghihingi ng paumanhin sa'kin. Okay rin ang isang 'to.

"Apology accepted, pero 'yung friend request mo, not now." Hindi pa sapat ang paghingi niya ng sorry lang para maging magkaibigan kami. Tama na, na alam niyang may kasalanan siya at humingi siya ng tawad.

"So truce?" tanong niya.

Kaagad ko naman itong sinagot, "Truce." Iniwan ko na siyang nakatayo, huminto na siya sa paglalakad at wala namang dahilan para huminto rin ako kaya pinagpatuloy ko na lang ang pagtahak sa daan papuntang classroom.

Umupo ako kaagad sa bakanteng upuan na nakita ko sa may likuran ng classroom, ayoko kasi ng nauupo sa harapan, palaging napagdidiskitahan ng prof, madalas bumabagsak.

Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang isang pamilyar na boses sa pag-upo ko. "Sabi na e, irresistible ang charisma ko." Napalingon ako sa kaniya at hindi nga ako nagkamali, si Leonne nga ang nagsalita. Bakit siya nandito sa classroom ko?

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko habang nakataas ang kaliwang kilay ko.

"Nagpatransfer ako para makasama ang isang magandang babaeng kagaya mo, Miss Ganda. Ang sweet ko 'di ba?" Sinamaan ko lang siya ng tingin at akmang tatayo na para lumipat ng upuan, pero hinawakan niya ang braso ko para pigilan. Tiningnan ko na naman siya na para bang sinasabing "Ano bang problema mo?"

"Chill lang Miss. Ang ganda ganda mo e, hindi bagay sa'yo ang nakasimagot at nakakunot ang noo." Ano bang kailangan nito? Kanina si Martin, ngayon siya naman. Okay sana kung hihingi rin siya ng sorry e, pero hindi e. Nang-aasar pa.

13th Rose [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon