Chapter 11 - [11/25]

4.5K 154 10
                                    

Chapter 11

MAAGA AKONG nagising dahil hindi ako nakatulog nang mahimbing kagabi, nangangati kasi ang rashes ko na kumalat na sa leeg ko. Ginamot ko na 'to kahapon pero hindi pa ito tuluyang nawawala, may konting bakas pa ng rashes pero hindi na makati.

Monday na naman kaya as usual, pasukan na naman. Kumain na muna ako bago ako naligo at nagbihis, gaya rin ng usual kong ginagawa every school days. Nagsuot lang ako ng pink na three fourths blouse at white pants. Nagsuot ako ng sandals at sa halip na maglagay ng kwintas, scarf ang ipinatong ko sa leeg ko para matakpan ang marka ng rashes ko. Mabuti na lang at wala kaming uniform, hindi ako mukhang tanga. Mabuti na lang din at November na, medyo maginaw kaya in naman ang fashion ko.

At dahil pangkaraniwang araw lang naman ang araw ngayon, dumaan muna ako ng ospital bago pumasok gaya rin ng palagi kong ginagawa. Makalipas ang ilang minuto ng pag-aalaga, pakikipag-usap at pagtitig kay Nash ay napagpasyahan ko nang pumasok ng school. Mahirap na, baka malate ako sa first class ko, may exam pa naman kami ngayon.

"Brigette!" Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa campus ay may tumawag na kaagad sa'kin, hinanap ko naman kung saan galing 'yon at nakita kong papalapit sa'kin si Abby. Ano kaya ang kailangan niya sa'kin ng ganito kaaga?

"Bakit?" tanong ko kay Abby nang makalapit na siya sa'kin. Hindi naman siya nakapagsalita kaagad dahil hinihabol pa niya ang paghinga niya, tumakbo kasi siya palapit sa'kin.

"Kasi pinapatawag kayo ni Leonne," sabi niya sa pagitan ng mabibigat niyang paghinga. "Pinapatawag kayo ni Ma'am Ezpinosa, pumunta raw kayo sa office niya," dugtong pa niya bago siya nagpaalam ulit na mauuna na raw siya dahil kailangan pa niyang mag-aral para sa exam niya sa first class niya.

Saan ko naman kaya hahanapin si Leonne? Napatingin ako sa quadrangle, pero walang bakas ng Leonne doon, kahit ang tropa niya wala do'n. Napakamot ako sa ulo, inisip kong itext siya pero wala pala akong cellphone number niya. Paano kami nakapagcommunicate ng maayos sa nagdaang isang buwan nang hindi namin alam ang cellphone number ng isa't isa?

Teka, pareho naman kami ng first class, baka naman nasa room na 'yon. Tiningnan ko ang relos ko at nakitang twenty minutes pa bago mag-time. Malabong nasa classroom na 'yon ng ganito kaaga. Ang tanong nasa school na ba siya?

Hinanap ko si Leonne sa garden at pati na sa canteen, pero hindi ko pa rin siya makita. Mabuti na lang at nakita si Francis, kaibigan nila Leonne, at alam niya kung nasaan ito. Sinabi niyang nakita daw niya si Leonne na kasama si Martin kanina, nasa Business Administration Department, nakaupo sa labas ng office at mukhang hinihintay nila itong magbukas.

Kaagad naman akong pumunta sa sinasabi ni Francis. Minsan lang akong nagagawin sa Business Administration Depertment kaya hindi ko masyadong alam kung nasaan ang office doon, dumeretso lang ako sa fourth floor dahil pagkakatanda ko ay naroon 'yon.

Hingal na hingal akong nakatungtong ng fourth floor. Liliko na sana ako pakanan dahil paroon ang office at hindi naman dito sa corner kung nasaan ang hagadan, nang mapahinto ako dahil sa pamilyar na boses na narinig ko.

"Mukhang mas nagiging close na kayo ni Brigette a." Si Martin 'yon at hindi ako pwedeng magkamali. Hindi rin ako pwedeng magkamali na ang Brigette na tunutukoy niya ay ako. Bakit naman nila ako pinag-uusapan?

"Oo nga pre e. Hindi naman kasi siya mahirap pakisamahan kahit na may pagkamoody." Ang boses na 'yon, mas sigurado akong kay Leonne 'yon.

Narinig kong tumawa muna si Martin bago siya nagsalita. "Gusto mo na ba siya?" Bumilis ang tibok ng puso ko sa tanong ni Martin, kahit na hindi naman ako ang tinatanong niya. Naging curious din ako sa isassagot ni Leonne kaya mas lumapit pa ako, para mas marinig ko ang sagot ni Leonne.

13th Rose [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon