Chapter 12 - [12/25]

4.3K 158 8
                                    

Chapter 12

TOTOO PALA na may nababaliw nang dahil sa pag-ibig 'no? Hindi ko alam kung paano sila dumadating sa puntong hindi na sila nakakapag-isip ng matino dahil sa kaiisip nila sa nilalaman ng kanilang puso. Napagtanto ko lang, napakalakas pala talaga ng kapangyarihan ng pagmamahal. Lahat kasi kayang magawa ng pagmamahal, wala itong limitasyon.

Kasalukuyan akong nasa mental hospital sa harap ng kwarto ni Carl. Sinubukan ko siyang kausapin, pero hindi ko na siya makausap ng matino. Paulit-ulit ang pagsabi niya ng, "Mahal ko si Brigette. Hindi ko magagawang saktan siya."

Si Carl ang tinurong master mind sa pambubugbog na nangyari kay Leonne. Nahuli kasi ng pulis ang tatlo sa anim na lalaking nanakit kay Leonne, kasama ang driver ng taxi. Umamin ang driver na binayaran daw siya ni Carl ng malaking halaga para tanggalan ng hangin ang gulong ng sasakyan ni Leonne, magpanggap na taxi driver, at bugbugin si Leonne. Gano'n din ang pag-amin ng dalawa pang lalaki, binayaran din sila para ipabugbog si Leonne.

Hindi ako sigurado sa dahilan ni Carl kung bakit niya ipinabugbog si Leonne, pero dahil sa paulit-ulit niyang sinasabi, sa tingin ko ay dahil ito sa selos. Hindi kaya dahil din sa ginawang pagligtas ni Leonne sa'kin no'ng binastos niya ako noong nakaraan?

Ano man ang rason ni Carl, isa lang naman ang pinakasigurado sa lahat. Ako ang rason kung bakit nabugbog si Leonne. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng guilt para sa nangyari kay Leonne. Nang dahil sa'kin nasa ospital siya ngayon. Nang dahil sa'kin nasaktan siya. Nang dahil sa'kin nanganib ang buhay niya.

Nagpagpasyahan kong umalis na lang ng mental hospital. Nagpunta ako rito para kausapin si Carl, pero mukhang 'di ko naman siya makakausap sa lagay niya e. Siguro tsaka na lang, kapag maayos na ang lagay niya. Kapag nagamot na siya. Masama man ang loob ko sa nagawa niya, gusto ko pa rin na gumaling na siya kaagad. Ako kasi ang dahilan kung bakit siya nagkagano'n. Ako ang dahilan kung bakit siya nandito. Ang panloloko at paggamit ko sa kanila ang dahilan ng lahat ng 'to.

PUMASOK AKO ng kwarto ni Leonne, at isang nurse lang ang nadatnan ko do'n. Umalis din ito kaagad matapos niyang gawin ang dapat niyang gawin. Walang nang ibang tao. Ako na lang at si Leonne ang laman ng kwarto. Wala nga pala ang Dad ni Leonne dahil nasa ibang bansa ito. Hindi rin siya maaalagaan ng Mom niya dahil nakaconfine naman ito sa ibang ospital. Hindi naman siya kayang alagaan ng bunso niyang kapatid at hindi naman dalawa ang katawan ni Ivy.

Ramdam ko ang pamumuo ng mga luha sa dalawa kong mata. Naaalala ko na halos ganito rin ang itsura ni Nash pagkatapos ng aksidente, tatlong taon na ang nakalilipas. Ang pinagkaiba lang, si Nash tulog pa rin hanggang ngayon samantalang si Leonne gising na. Gising na siya at nakatingin siya sa'kin habang nakangiti.

Dahan-dahan akong naglakad palapit kay Leonne. Pinagmasdan ko ang mukha niya pagkaupo ko sa tabi niya. Kitang kita ang mga pasa, at mga sugat dito. Mabuti at hindi naman ito ganoon kalala. Napatingin ako sa tagiliran niya, masakit pa rin kaya 'yung sugat niya do'n? Gaano kaya 'yon katagal bago gumaling?

"Masaya ako na wala silang ginawang masama sa'yo." Napatingin ulit sa mukha niya nang magsalita siya. Nakangiti pa rin siya tulad ng kanina. Paano niya nagagawang ngumiti matapos ang nangyari?

"Hindi ako masaya na ikaw ang nasaktan nang dahil sa'kin," sagot ko sa kanya. Napakunot ang noo niya na para bang nagtataka sa sinabi ko. Hindi pa pala niya alam. "Si Carl ang may pakana nito." Sinabi ko ang lahat ng nalaman ko at lahat ng nangyari kay Leonne. Sinabi ko rin kung nasaan na si Carl ngayon.

"Sorry Leonne. Sorry kung kailangan mo pang madamay sa kabaliwan sa'kin ni Carl," sabi ko at hindi ko na napigilan pa ang pagpatak ng mga luha ko. Naramdaman ko naman ang paglapag ng malambot ng palad ni Leonne sa mukha ko. Ginamit niya ang hinlalaki niya para punasan ang mga luhang tumutulo sa pisngi ko.

13th Rose [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon