Chapter 6 - [6/25]

5.7K 197 14
                                    

Chapter 6

NATATAKOT AKONG pumasok ng school ngayon. Wala kasi akong mukhang maihaharap sa mga taong naroon. Hindi ko alam kung paano haharapin ang mga tao pagkatapos kumalat na nililigawan 'kuno' ako ni Leonne. Hindi ko rin alam kung anong mukha ang maihaharap ko kay Leonne matapos kong umamin 'kuno' sa kanya at kay Martin na siyang may alam ng lahat.

Para akong zombieng hindi mapakali habang naglalakad papasok sa campus ng school namin. Zombie dahil hindi ako nakatulog nang maayos kagabi kakaisip sa mga pinaggagagawa ko kahapon. Tama ba na, gamitin ko si Leonne? Tama ba na sinabi ko ang lahat kay Martin? Sa bandang huli, napag-isip-isip kong wala na naman akong magagawa do'n at mas mahirap naman kung babawiin ko pa ang mga nasabi ko kahapon, kaya naman pangangatawanan ko na lang 'yon.

Hindi ako mapakali dahil pinagmamasdan ko muna ang paligid ko sa bawat paghakbang na gagawin ko. Iniiwasan ko kasing makasalubong si Leonne o 'di kaya'y si Martin. Hindi ko kasi alam kung anong gagawin kung sakali mang magkasalubong kami at hindi ko rin alam ang sasabihin kung sakali mang kausapin nila ako.

Nakita ko na naman ang tropa nila sa may quadrangle, as usual nantritrip, pero hindi ko na sila tiningnan nang matagal para alamin kung anong klaseng pantri-trip na naman ang ginagawa nila. Naglakad ako ng mabilis para lampasan sila, hinihiling na sana hindi nila ako nakita.

Mukhang maayos naman si Leonne at Martin sa isa't isa, at walang ilangan kahit na ang alam ni Leonne ay pareho silang nanliligaw sa'kin. Sinabi kaya ni Martin kay Leonne ang totoo? Na may boyfriend na ako at ginagamit ko lang siya? Sana naman hindi.

Pagpasok ko ng classroom Humanap ako ng seat na hindi ako matatabihan ni Leonne. Ang swerte ko lang dahil meron akong nakita. Ilang minuto lang ay pumasok na rin ng classroom si Leonne. Nakita ko inikot niya muna ang paningin niya hanggang sa magtama ang mga mata namin bago siya umupo sa isang bakanteng upuan.

Hindi nagtagal ay dumating na rin si Ma'am Ezpinosa sa room at nagsimula na kaming maglesson. Ngayon ko lang hihilingin 'to, pero sana maging matagal pa ang lecture namin sa humanities. Mas kumportable kasi ako sa ganito, 'yung hindi ko kailangang umiwas dahil busy ang lahat – pati ako – sa pakikinig.

Kaso wala naman akong kapangyarihan para patigilin ang oras, kaya naman dadating at dadating ang oras kung saan idi-dismiss na kami ng professor. Ang masaklap pa, pinapapunta kami ni Leonne ni Ma'am Ezpinosa sa office niya mamayang hapon para pag-usapan ang tungkol sa Humanities Day.

Lumabas na ako kaagad ng room pagkalabas ni Ma'am. Nagmadali akong maglakad papunta sa canteen next class ko. Mabuti na lang at tuesday ngayon dahil may kasunod akong klase after Humanities, which is Physics Lab.

"Ihahatid na kita sa next class mo." Napasigaw ako ng "Ay kabayo!" dahil sa pagsasalita ni Leonne na nasa tabi ko na. May lahi ba siyang kabute? Bigla na lang sumusulpot kung saan-saan e.

"'Wag na Leonne, baka malate ka pa sa next class mo e," sabi ko sa kanya at binilisan pa ang paglakad ko, pero sinundan pa rin niya ako.

"Okay lang dito rin naman ang way ng next class ko e," sagot naman niya pagkatapos ay inakbayan pa ako. "Umamin ka nga Brigette. Iniiwasan mo ba ako?" Gano'n na ba ako kahalata? Kakasimula pa nga lang ng araw napansin na niya kaagad ang pag-iwas ko.

"Hindi a! Bakit naman kita iiwasan?" pagde-deny ko. Kinuha ko ang kamay niyang nakapatong sa balikat ko at inalis iyon. Hindi ko na rin binilisan ang paglakad ko dahil wala namang nangyayaring difference, malalaki kasi ang hakbang ni Leonne.

"Sabihin na nating nahihiya ka na dahil sa pag-amin mo sa'kin kahapon at sa iba mo pang sinabi." Heto na naman siya. Nang-aasar na naman. Mabuti na lang at nakita ko na ang pinakamamahal kong Physics Lab kaya tumakbo na ako papunta doon. "Uy! Dito na 'ko salamat bye!" pagpapaalam ko kay Leonne bago ako tuluyang pumasok sa loob ng lab. Pakiramdam ko namumula ang mga pisngi ko sa sobrang kahihiyan.

13th Rose [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon