1: Bad Decisions

2.3K 62 8
                                    

Author's Note:

NEW YEAR, NEW STORY! Kagaya ng sabi ko kapag malapit na matapos ang Mr. Devil Is My Boss, Gentlemen's Club will be updated although slowly until I finished the other one. Gusto kong maging focused sa isa bago ako magsimula sa susunod.

Katulad rin ng sabi ko, malayong-malayo ang kwento nito sa MDIMB. Although this also contains romance, action ang main genre nito making the plot much more complex. Ayoko kasing madaliin ang GC. I want the story to be rich, juicy and mysterious. I want to make a series for this one as well, but we will see about that.

For now, I present you the first chapter. I hope you enjoy!

~~

Nagising ako na pawis na pawis. Basa na ang kama ko at nakapalupot pa rin sa katawan kong ang kumot kahit na ako'y naglalagkit sa init. Naghahabol pa rin ako ng hininga at nagulat ako na walang umakyat sa kwarto ko para gisingin ako. Nasaan ba si Tita?

Iyon pa rin ang madalas kong mapanaginipan at hindi ko maalis ang takot na baka balikan ako ng mga lalaking iyon pagdating ng tamang panahon. Wala na rin akong balita pa mula ng makuha nila si Alyssa. Hindi na rin ako binigyan ng pagkakataon makausap ang mga magulang niya dahil biglaan din ang paglipad nila papuntang Spain.

Alalang-alala ako sa kaibigan ko at hindi ko alam kung kanino ako hihingi ng tulong. Ang sabi nila Tita huwag ko na raw pilitin na iligtas lahat ng tao sa paligid ko katulad ng ginawa ko rin dati sa mga magulang ko. Sinabi ko na ayoko nang mawalan pa ng tao sa buhay ko. Ang pagkakawala ni Alyssa ay muli lang nagbigay sa akin ng mga tanong na alam kong hindi ko rin masasagot. Minsan tinatanong ko kung bakit ako ang kailangan bigyan ng mga ganitong klaseng problema. Dahil ba hindi ak nagrereklamo?

Idadaan ko na lang rin sa dasal ang mga hinaing ko.

Tumayo na ako at nagtungo sa banyo para maghugas ng mukha ko. Nagayos ako ng kama at nagpalit na rin ako ng damit bago bumaba patungo sa kusina kung saan ko nakita sina Tito Gerry at Tita Mila na kumakain sa may mesa.

"Good morning po, Mamita." Masayang bati ko sa kanya. Mamita ang tawag ko kay Tita parang pinagsamang Mama at Tita. Paps naman kay Tito dahil hindi naman magandang pakinggan ang Papito.

"Good morning, Eka. Kumain ka na diyan pinagtabi ka namin ng paborito mong chicken tocino." Sagot niya sa akin bago ituloy ang pagkain.

"Morning, Paps. Balita ko na-promote ka raw sa trabaho ah?" Bati ko sa kanya. Agad naman siyang ngimiti bago tiklupin ang dyaryong binabasa niya.

"Balak ko na ako ang magsabi sana sayo, Eka eh. Kaso nasabi na pala ng Mamita mo. Oo, kahapon nakatanggap ako ng promotion. Ikaw ba? Natanggap ka na sa pinuntahan mo kahapon?"

Tumigil ako sa pagnguya at umiling sa tanong niya. Pero ngumiti rin ako ng bahagya. "Hindi po Paps eh, overqualified raw." Natatawang sagot ko.

"Ay, sa sobrang galing mo iha hindi ka nila matatanggap. Sobra raw sa kailangan ang mga kakayahan mo." Pabiro pang dagdag ni Mamita.

Ayos lang naman talaga sa akin na hindi pa ako matanggap. Siguro hindi talaga para sa akin kaya hindi binigay ng Diyos ang trabahong 'yon. Naniniwaala naman ako na kapag para sa'yo talaga, para sa'yo. Gagawa at gagawa ng paraan ang mundo para mapunta sayo ang bagay na iyon. Marami na rin akong natutunan ng simula akong dumalo ng bible study sa simbahan namin tuwing Linggo. Para sa akin, malaki ang naging pagbabago noong nagsimula akong dumulog sa Diyos. Mas naging magaan tanggapin ang mga bagay na nangyayari sa akin.

Isang text ang nagpabalik sa akin mula sa pagiisip ko nang malalim. Isang unknown number ang nasa screen ko kaya't nagtataka akong binuksan ang text kung anong nasa loob ng mensahe.

Gentleman's Club [Original Draft]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon