13: Innocence Is Expensive

1.1K 36 6
                                    

"Lies and secrets, Tessa, they are like a cancer in the soul. They eat away what is good and leave only destruction behind." ― Cassandra Clare, Clockwork Prince

Some scene may not be suitable for younger readers. There is no BS but the scene after this '--' may be skipped. Thank you.

~~

Ano bang nangyayari?

Hindi ko alam kung anong  dapat kong maramdaman at kung anong gusto nilang gawin ko. Dapat ba akong magalit dahil kakilala pala ng mga taong dumukot sa aking ang mga taong nakasalamuha at pinakatiwalaan ko dati?

Hindi ko nga magawang magtanong ngayon. Ang tanging nagawa ko lang pagkatapos ko silang makita ay magtaka at mag-isip ng mga katanungang hindi ko naman masasagot.

Nakatitig lang ako sa pamilyang patuloy na simusira ng buhay ko. Akala ko kapag naging mabuti ang pakikitungo ko sa magkapatid na Guttierez ay patatahimikin nila ako at hindi na nila ako pahihirapan o sasaktan. Pero nagkamali pa rin pala ako sa pagkakataong ito. Hindi lang pala silang dalawa ang kayang manakit at magtraydor sa akin. Pati ang mga taong hindi ko akalaing magsisinungaling ay nagsinungaling sa akin.

Mama, sister?

Sila ang ina at kapatid nina Dennis at Dylan?

Ibig sabihin ay matagal na nila akong minamanmanan? Ibig sabihin ay matagal na akong konektado sa pamilyang ito? I feel so stupid for trusting people so much. At lahat ng katotohanan ngayon ay isa-isa nang naglalabasan. I feel so hurt and betrayed. Pakiramdam ko tuwang-tuwa sila habang pinaglalaruan ako.

"Natutuwa ka?" Bulong ko nang mapansin kong nakatitig si Dennis sa akin at naghihintay sa magiging reaksyon ko.

Ngumisi siya at napailing, "Of course I am enjoying this, sweetheart. Why do you think I have waited for this perfect moment na makilala mo sila? Your reaction was too priceless, baby." Tawa pa nito.

Makirot.

Nararamdaman kong literal na sumasakit ang dibdib ko sa mga nalalaman ko. Alam nila ang tungkol dito noon pa lang? They have lied about their own lives para lokohin ako? Anong karapatan nilang saktan ako!

"Take it easy, ma fleur. Huwag mo masyadong seryosohin. You know, Mama and Destiny have been asking to meet you again for quite a long time now. Hindi ka ba masaya na makakita ng mga pamilyar na mukha dito?" Tanong ni Dylan sa akin.

Masyado ng masakit para sa akin ang mga nalalaman ko. Mas pinili ko na hindi siya sagutin. Mas pinili ko na lang na hindi sila tingnan para hindi na ako masaktan.

"You are too serious, darling." Sabi ng Mama nila. "Ang laki na ng pinagbago mo, Erika. You are such  jolly young lady back in college right, Destiny?" Dagdag pa nito.

I almost scoffed at her statement. Sino bang matutuwa na traydorin ka ng mga taong pinagkatiwalaan mo? Naramdaman kong tinabihan ako ni Destiny at hinapit ako sa bewang papalapit sa kanya.

"Cheer up, girl! Alam mo, kahit naman na nalaman mo na ang tunay naming pagkatao, I still am the same friend you have back then, iyon ang totoo." Sabi niya nang nakangiti.

"Walang totoo sa inyo. Walang totoo sa buhay ko! Wala..." Sagot ko sa kanya.

Ramdam ko na ang paghahabol ko ng hininga. Mabilis akong tumayo at nagsimulang maglakad papasok ng bahay patungo sa kwarto ko.

Mali, Erika. Walang sayo dito. Lahat ng nasa paligid mo ay hindi iyo.

Nakasalubong ko si Alyssa sa may pintuan. Nakatingin siya sa akin na may awa at mas lalo akong nagalit dahil doon. Una sa lahat, siya ang unang nagsinungaling sa akin. Dapat pala ay hindi na ako magulat sa mga nalalaman ko dahil kayang kaya nila akong itapon na parang basura. Hindi ko maintindihan pero sinisira ng pamilyang Guttierez ang lahat ng tungkol sa buhay ko.

Gentleman's Club [Original Draft]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon