Author's Note:
Because I feel generous today since it's my birthday lol (shhh), nagdecide akong magupload once again. This story is my poison! Ngayong mga nakaraang araw I can't seem to stop writing. Ayokong palamapasin ang mga ideas kaya I try to write down as much as I can.
Enjoy! I am sorry for the cliffhanger. I figured Sam Smith's Writings on the Wall will be the perfect song for this story. Pakinggan niyo habang nagbabasa.
~~
Bad decision, Suarez.
Bilang na ang oras niya dahil sayo...
I don't like being ignored...
"Anak, gising na...Eka...Gising ka na." Boses ng isang babae na patuloy ang paggising sa kain.
"Mama!" Malakas nasigaw ko at napaupo sa sobrang takot.
Panaginip lang pala.
Hindi 'yon totoo, Erika. Panaginip lang 'yon. Pero bakit ang bigat ng pakiramdam ko? Bakit kahit na nakatulog ako ng maaga kahapon, pakiramdam ko pagod na pagod pa rin ako? Inakap ako ni Tita, at pilit na sinasabing panaginip lang ang lahat na hindi dapat ako matakot. Pero natatakot pa rin ako, pakiramdam ko nandyan pa rin sila sa paligid ko. Sino pa bang kailangan nilang isunod? Uubusin ba nila lahat ng taong mahalaga sa buhay ko?
"K-Kinuha nila si Mama at Papa. Tapos...tapos ngayon pati si Alyssa, Tita. Kayo na lang nag natitira sa akin." Iyak ko sa kanya.
"Hindi na sila babalik, iha. Panaginip lang 'yon." Mahinang tahan sa akin ni Mamita.
Agad na napaakyat si Paps sa kwarto ko na may gulat na ekspresyon. "Anong nangyari, Erika?"
"Wala po, P-paps. Naniginip lang po ulit ako ng masama." Paliwanag ko sa kanya at tumayo na ako para akapin din siya.
May dala-dala pang dos por dos si Paps at kitang kita sa reaskyon niya na kinabahan siya dahil sa pagsigaw ko. Ilang beses na rin nangyayari ito at akala nila kung ano na nag nangyari sa akin. Baka raw may umakyat sa kwarto ko. Pero lagi na lang akong napapasigaw dahil sa masasamang panaginip ko.
Kahit gabi, dinadalaw pa rin ako ng mga nakakatakot na imahe ng nakaraan ko. Dati mas gusto kong matulog dahil akala ko hindi nila ako mahahabol kapag tulog na ako. Pero minsan mas malala pa tuwing gabi. Tuwing mga oras na walang tutulong sa akin. Alam nila kung kailan ako dapat bisitahin para paulit-ulit na ipaalala sa akin ang mga taongkinuha nila at wala man lang akong nagawa.
Hindi na lang ako nag sabi kila Mamita at Paps. Naghanda na lang ako dahil pupunta nakami sa grocery ngayong umaga at mas gusto kong isipin ang pagbili ko ng paborito kong almusal kaysa sa ispin ko pa ang mga bagay na tapos na. Bumaba ako at sinalubong ako ni mamita sa may sala. Nagpaalam kami kay Paps na saglit lang kaming mamimili.
Pumara at sumakay lang kami ng isang tricycle papunta sa grocery. Hin di nagtagal at bumaba na rin kami sa pinakamalapit na Puregold. Pagkatapos magbayad ni Mamita, agad na kaming dumiretso sa loob ng grocery. Nagpaalam ako kay Mamita na kukuha lang ako sa isang kahon ng Honey Stars dahil nasa ibang isle ito nakalagay.
Hinanap ko ang isle kung saan nakalagay ang mga cereals, isa isa kong tiningnan ang mga pangalan. Halos lahat nasubukan ko ng kainin pero iyon lang nag nagustuhan ko dahil inuuwi 'yon sa akin ni Papa. Katabi ng Koko Crunch, nakita ko na rin ang hinahanap ko. Bago ko pa man ito makuha may isan gkamay na nauna sa kain sa pagkuha ng uanang kahon kay napaatras ako para pagbigyan siya at humingi ng tawad.
"You still like Honey Stars, Erika? Hindi pa rin pala nagbabago simula bata ka pa. How fascinating." Nakangiting sabi ng lalaking nagpabilis ng tibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Gentleman's Club [Original Draft]
ActionIsang prestihiyosong lugar kung saan ekslusibong kalalakihan lamang ang maaring pumasok at maging miyembro. Mataas ang tingin ng mga taong may alam tungkol sa lugar na ito, pero wala pang nakakapagsabi kung anong tunay na kalagayan sa loob. Paano ku...