15.2 Uomo d' Onore

1.1K 45 12
                                    

A/N: HAPPY NEW YEAR! Enjoy the second half for today's update. God bless!

"As a Made Man you must follow 5 simple rules, these rules are as follows:

1. Be loyal to members of the organization. Do not interfere with each other's interest. Do not be an informer.
..."

"N-narinig ko na ang pangalan na 'yon sa mga magulang ko. Sino ba ang 'Don Padre' na tinutukoy nila?" Takang tanong ko sa kanya.

Pakonti-konti kung kainin ko ang mga binili niyang pagkain, ngunit parang di ko naman malasahan ang mga ito. Pakiramdam ko na may sasabihin na rin sa akin si Dylan.

"You actually know who Don Padre is, ma fleur. He is our Papa." He stated, "'Yon ang tawag sa kanya ng mga taong may koneksyon sa grupo naming. People who are in the dark world of the streets." Dagdag pa niya.

Kumunot ang noo ko, "Anong ibig mong sabihin? Na kilala ng mga magulang ko ang pamilya niyo?"

Bumuntong hininga siya at tumingin ng diretso sa akin.

This is it, Erika. Lahat ng mga bagay na gusto mong malaman tungkol sa pamilya mo ay sasabihin na sa'yo ngayon.

I better be prepared.

"Promise me, ma fleur, that you will not tell Dennis what I will tell you. Hayaan mo siyang magkwento ng mga parting nalalaman niya." Aniya sa akin na agad kong tinanguan.

"Ang Don Padre ay may malaking papel sa buhay mo—ang Papa ay hindi lang ang tanging sagot sa mga katanungan mo, Erika. Pero malaki ang naging parte niya sa buhay ng pamilya mo," he started. "Ang pamilya ng Guttierez ay hindi lang ang nag-iisang pamilya na parte ng mafia sa Pilipinas. Hango sa The Big Five ng mga mafia sa Amerika, meron din limang pamilya na nagsisilbing pinakamalakas dito sa bansa."

"We rose above the rest because we remained functioning and were still gaining men kahit na sa panahon ngayon na mas naging mahigpit na ang gobyerno natin. Guttierez, Alvarado, Navarro, Rafael at Salazar 'yon ang limang pamilya na sinasabi ko. Ang dalawang pamilyang nabanggit doon ay may kinalaman sa buhay mo. Guttierez at ang mga Alvarado. Sinabi sa amin ni Papa na naging parte ng mga Alvarado ang ama mo, Erika." Dylan stated.

Sobrang daming impormasyon ang siniwalat sa akin ni Dylan na hindi ko malaman kung paniniwalaan ko ba siya o ang mga taong pinagkatiwalaan ko. Alam kong kahit anong mangyari, hindi ako kayang lokohin ng mga magulang ko at ng tita at tito ko.

Namatay ang mg amagulang ko dahil sa aksidente noong sampung taong gulang pa lang ako. Hindi maaring parte ng madilim na mundo ng mga mafia sina Mommy at Daddy dahil hindi sila mga masasamang tao. Kahit kalian ay hindi sila naging mga masasamang tao.

Umiling ako kay Dylan at mariing pumikit. "Hindi totoo ang mga sinasabi mo. Alam kong kailanma'y hindi naging parte ng mafia ang mga magulang ko. Hinding-hindi sila nagsinungaling sa akin."

Natawa siya doon at napatigil kumain. Inilapit niya ang mukha niya sa tapat ng mukha ko. Agad ako napalayo pero tumigil akong gumalaw noong makita ko ang mga titig ng mata niya sa akin.

"Kilala mo ba talaga sila, Erika? From how you describing them, they seem to have been lying to you all these time. Pero sino nga ba ako para magsabi ng ganon. You are their child and not me." Sabi pa niya.

"Gusto kong paniwalaan na baka may mga hindi nga sila sinabi sa akin noon. Pero mga magulang ko sila, hindi nila ako kayang saktan at gawing parte ng buhay ko ang mga kagaya niyo, Dylan."

"Sabi ko nga, malaya kang isipin kung anong gusto mo, Erika. My explanations doesn't have to change your mind. Your father was working for the Alvarados. Isa siyang 'made-man', uomo d' onore o Man of Honor. Para maging isang made-man, kailangan mong magkaroon ng dugong Italyano. Being pure is the best keverage, but being a descendant gives you a chance as well. Hindi alam ng Papa 'yon nang manghirap siya ng pera sa pamilya namin. Hindi alam ni Papa na nag-espiya pala siya sa amin para isiwalat ang mga nalalaman niya sa mga Alvarado kapalit ang perang kukunin niya." Ani nito.

Parehas na kaming tapos kumain, tanging ang ice cream na dessert na lang ang natitira sa lamesa. Kahit na gustuhin kong uminom ng tubig para mabasa ang nanunuyo kong lalamunan ay hindi ko magawa. Masyado akong nag-iisip at hindi ko masikmura ang mga sinasabi niya sa akin. Pinalalabas ni Dylan na sinungaling ang mga magulang ko. Pilit niyang sinasabi na naging parte si Daddy ng magulo at madilim na mundo nila.

"Ang mafia ay may sampung kautusan, pero ang pagiging made-man ay may mga sarili ring kautusan na dapat sundin. Ang pinakauna ay ang pagiging matapat sa organisasyon, ang hindi pakikialam sa interes ng iba at ang hindi pagiging daga at traydor sa pamilya. Iyon ang nilabag ng Daddy mo sa parehas na pamilya ng Guttierez at Alvarados." Huling dagdag niya pa.

Agad siyang napatigil nang makita niya akong umiiyak.

Hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko. Alam kong dapat akong maniwala sa sarili kong ama, pero napakadetalyado ng kwento ni Dylan kaya kahit ako ay parang napaniwala na rin. Isa pa, bata pa ako ng mga panahon iyon kaya hindi ko rinmagawang ipagtanggol si Daddy, dahil ano nga bang alam ng isang sampung taong gulang tungkol sa mga magulang niya? May mga naaalala ako, pero totoo nga ba ang mga iyon o hindi?

"Sorry for making you cry again, ma fleur." Sabi niya sabay tabi sa katapat na sofa kung saan ako nakaupo. Mabilis niyang pinunasan ang mga luha ko na mabilis umaagos sa aking mga pisngi.

Binalot ako ng amoy niya na agad nagpalapit sa akin sa dibdib nito. Hindi ko namalayang nakaakap na pala ako sa kanya. At kahit na siya ang nagsabi sa akin ng mga impormasyong iyon ay siya lang din ang taong pwede kong kuhanan ng lakas ngayon.

"H-hindi ko na alam kung anong totoo sa hindi. H-hindi ko alam kung kilala ko pa baang sariling mga magulang ko." Iyak ko sa kanya. While rubbing my back, he hushed me by whispering against my ear.

"I know. I know. I am sorry for hurting you again."

Suminghot ako at umayo ng upo. Tumingin ako sa kanya at muling nakipagusap, "Para saan raw ginamit nila Daddy ang perang kinuha niya sa inyo? Anong kinalaman ko sa lahat ng ito?" Tanong ko kay Dylan.

Sighing, he cupped my face with his hands. "Para sa'yo, Erika. Umutang ang ama mo ng pera sa pamilya namin para maging maganda amg buhay mo. He did it to give you the life you deserve." Ngiti niya sa akin.

Pero imbis na matuwa ay mas lalo pa akong naiyak sa inis at lungkot. "How could he sacrifice his life, our lives for money? Para sa akin? Bullshit, gagawa siya ng masama para sa pera? Hindi ganon si Daddy!" Sigaw ko sa kanya na agad niyang tinahan.

"Shhh, don't shout, Erika. You can cry all you want if it hurts, but don't shout."

"Wala akong pakialam!" I exclaimed, "He is supposed to be protecting me, hindi 'yong sasali siya sa ganyan tapos sasabihin niyang para sa akin lahat ng iyon. Tangïna."

They say, parents warn us not to trust strangers. But when they become the strangers in our lives, what would we believe in anymore?

Ano pa nga bang totoo sa hindi? At ano pa ba ang mga hindi ko alam tungkol sa sarili ko? Akala ko, tapos na ang mga madidilim na parte ng buhay ko, pero mukhang nagsisimula ko pa lang malaman kugn ano ang mga totoo. Akala ko, ang pagkakadakip lang sa akin ang dapat kong isipin, pero pati na rin pala ang mga magulang ko.

Tama nga na kapag umulan, bumubuhos. Kapag may naungkat ka mula sa nakaraan ay mas marami kang malalaman tungkol sa buong pagktao mo na maaring bumago dito at s atakbo ng inyong mundo.


+

Author's Note:

Happy New Year, readers! Let us welcome 2017 with a blast and a chalter of Gentlemen's Club! Enjoy niyo ang other half. Comments and votes are appreciated. Much love, Rizza. :)

Gentleman's Club [Original Draft]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon