Prologue

4.4K 85 9
                                    

Isa lang naman ang hinihiling ni Erika Suarez sa buhay niya. Ang mahanap niya ang daan patungo sa magandang landas na aayos sa buhay niya ngayon.

Maagang naulila ng magulang si Erika at simula ng siya maging sampung taong gulang, sa mga tito at tita na siya tumira. Hindi nakarinig ang sinuman ng reklamo mula sa bata hanggang siya ay lumaki na at makatapos ng kolehiyo.

Labing-isang taon na ang nakalipas, marami na ang nagbago sa buhay ni Erika. May mga pagkakataon na hindi niya gusto ang mga naganap sa buhay niya, meron namang hindi niya makakalimutan sa sobrang ganda. Maraming mga bagay na mangyayari sa buhay natin na kailanman ay hindi na natin pwedeng baguhin. Hindi dapat natin isisi sa ating mga sarili kung may mga pagkakamali tayong nagawa sa ating nakaraan.

Hindi rin tayo dapat manghusga sa kapwa natin. Hindi naman tayo ang nasa lugar nila kaya kahit gaan pa natin kakilala ang isa’t isa, wala pa rin tayong karapatan na pangunahan kung ano man ang naging desisyon nila sa buhay.

Pauit ulit niyang inuulit ang mga bagay na ito sa isip niya. Sinusubukan niyang hindi sumuko, sinusubukan niyang intindihin kung bakit may mga bagay na nangyari sa buhay niya na kumuha sa mga taong inosente at wala namang kasalanan sa mundong ito. Sa loob ng ilang araw, buwan at taon at patuloy niyang sinisi ang sarili niya dahil sa mga nangyari na gusto na niyang kalimutan habang buhay.

Hindi siya pwedeng mabuhay na puno ng problema, isang babaeng puno ng takot. Higit sa lahat ay isang taong patuloy na pinapasan ang sisi sa sarili niya dahil hindi niya kilala ang mga taong kailangan niyang ipahuli upang mabigyan siya ng hustisiya.

Napakahabang panahon ang inubos niya, ang sabi nila ay mabubura din ng panhon ang alaala niya pero bakit hindi niya magawa? Gabi-gabi kung dalawin siya ng mga bangungot na hindi niya maalis sa puso’t isipan niya.

Nakakapagod.

Naisipan na rin niyang tapusin ang lahat. Ang isuko na lang ang labang hindi na niya kayang ipaglaban pa. Pero kung gagawin niya ito, hindi niya mabibigyang hustisya ang mga taong kinuha ang buhay mula sa kanya. Gusto niyang lumaban para makilala ang mga taong nagpahirap sa buhay niya. Hindi nila alam pero nabasag ang buong mundo niya nang mawala ang mga taong importante sa kanya. Kung maaring siya rin ang kumuha ng mga buhay nila gagawin niya.

Pero sobrang hinang klase ng tao si Erika Suarez. Lahat ng ga bagay na gusto niya gawin ay laging nasa isip lang niya. Hindi niya kayang gawin ang mga desisyon niya dahil takot siyang maliitin ng iba. Isang takot na naging dahilan sa pagkawala ng mga taong mahalaga sa kanya.

- -

Malalim na ang gabi. Bakit ba kasi pumayag pa akong lumabas kasama ng kaibigan ko? Kahit anong inis ko sa kanya, alam ko namang sasama pa rin naman ako dahil hindi ko siya kayang tiisin. Ganon lang talaga siya kaimportante sa akin ang babaeng ito. Masarap magkaroon sa buhay ng isang taong laging nandyan para sa iyo kaya kahit kailan ay hindi ko siya ipagpapalit kahit kanino. Para kaming pinagdikit ng tadhana. Hindi namain kayang mahiwalay sa isa’t isa dahil pakiramdam namin ay hindi namin kaya.

Naglalakad na kami pauwi galing sa isang concert na ginawang supresa sa akin ni Alyssa. Late na birthday gift daw niya sa akin to dahil pareho na kaming 21 ngayong taon. Sobrang natuwa ako sa ginawa niya para sa akin.

Ginabi na rin kami dahil naisipan pa naming kumain sa isang kalapit na fast food ng concert grounds. Masaya kaming nagtatawanan kanina ni Alyssa dahil tuloy-tuloy siya sa pagkukwento ng mga bagay na pinagdadaanan niya sa una niyang trabaho. Parehas na kaming nagtatrabaho sa magkaibang kompanya. Gauynpaman, hindi pa rin kami nagiging malayo sa isa’t isa dahil nagkasundo kaming magkita tuwing Sabado at Linggo para malaman ang mga kwento naming dalawa.

Gentleman's Club [Original Draft]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon