4: Purity & Innocence

1.7K 42 8
                                    

Author's Note:

This part is wee bit longer than the others. Hindi ako sure kung makakapagupdate ako this coming Sunday. Second week of school starts tomorrow pero tambak ang gawain ko so please, bear with me.

I have chosen the cast for Dennis and Dylan a week ago from now. Iba talaga dapat btu naisip ko na pwede sila since magkapatid talaga ang Francos sa totoong buhay. Pictures above (crush ko din sila sorry) Comments about them? Still undecided for Erika so suggestions are okay.

Enjoy! Sorry sa mga natatakot sa characters ko or naiiyak! Hindi ko sadya. Please give my characters a chance to show na hindi lang sila ganyan. This song is so beautiful and special. Pakinggan niyo.

~~

Dennis's P.O.V.

Akala ko pa naman magtatagal siyang gising at kakausapin pa niya si Danica. It was supposed to be a happy reunion between them. Ilang minuto pagkatapos kong iharap si Erikasa kanya, bigla na lang siyang nahirapang huminga. Bumagsak ang katawan niya. Buti nalang nasalo ko siya agad, mahirap na magkaroon ng bahid ng dugo ng kasamaan ang isang babaeng purong-puro.

Walang bahid ng kasamaan sa katawan.

Hindi ko akalain namay ganoon pa palang tao sa mundong 'to. Paano niya natagalan ang mabuhay ng hindi nararanasan maging isang masama? Paano niya nakakayanang hindi gumamit ng mga bawal? Pumunta samga lugar na hindi pwedeng puntahan? Hindi ko maintindihan kung paano siya nabuhay sa isang mundong punong-puno na kasiyahan at katahimikan. Hindi ako nakaranas ng ganoon kahit kailan mula noong ipinanganak ako, kaya bakit maaring maranasan ng ibang tao?

Gusto kong ipakita sa kanya ang tunay na mundo. Ang realidad kung saan maaga akong namulat. Galit na galit ako sa tatay ko at alam kong pati ang kapatid ko 'yon din ang nararamdaman hanggang ngayon. Pagtungtong pa lang namin ng disi-otso ng Kuya ko, sinimulan nang ipakita ni Dad ang lahat ng mga bagay na ginagawa niya. Bisyo, business at koneksyon lahat ng 'yon binigay at ibinahagi na rin sa amin ng tatay namin kahit na hindi pa kami handa.

Sinimulan niya sa pagpapainom ng mga alak sa aming dalawa. Iba't ibang klase ng inumin kada ibang okasyon. Nakabisado ko na ang pangalan, taon at sangkap ng mga nainom ko. Sabi ni Dad kailangan daw iyon nga mag katulad namin dahil hindi pwedeng beer lang. Pagkatapos, pinakilala niya kami sa iba't ibang babae mula sa iba't ibang angkan ang lugar. Sinanay niya kami na gamitin ang mga salita at itsura para kunin ang loob nilang lahat. Ang dapat na mga ngiti, anong tono at baba ng boses na makapangpapahina ng mga tuhod nila. Tinuro niya sa amin na walang ibang gusto ang mga babae kung hindi ang kayamanan at pangalan ng mga mapapangasawa at magiging nobyo nila.

Hindi ka dapat magmahal. Walang puwang ang mahihina ang loob na madaling maloko sa ilusyon ng pagmamahal sa mundong ginagalawan namin. Laro lang ang tanging dapat naming matutunan at gawin. Paibigin sila pagkatapos ay dispatsahin.

Ang mapangakit na pagtikim sa pinagbabawal at ilegal na bisyo ang isa sa mga pinakita sa ni Dad sa amin. Tuso, nakakaadik at kung minsan nakakawala ng bait. Droga. Ang bawat langhap sa matamis na pangako na binibigay ng Marijuana ang pangunahin naming natutunan. Lulunurin ka sa bawat usok at amoy ng isang ilegal na droga na ito, hanggang sa tuluyan ka nang makulong sa isang mundong kailanman ay hindi ka na makakaalis. Sinundan ng pagsinghot ng puting pulbos, ang mas nagustuhan kong timpla. Cocaine. Sinira nito ang lahat ng magagandang bagay na pwede ko pa sanang makamtan.

Hindi ako nagsisi sa bawat isang desisyon na ginawa ko sa nakaraan ko.

Kailanman ay hindi ako humingi at hihingi ng kahit anong klase ng awa sa ibang tao. Alam ko sa sarili ko na sa lahat ng ito, may kasalanan ako. Pwede ko namang iwan ang pamilya ko at lumayo. Pero napagpasyahqn kong sumama kasama ng pamilya ko, ang mga taong siya ring sumira at kumitil sa mga pangarap at ambisyon ko. Ngayon iba na ang pananaw ko, iba na ang gusto kong marating.

Gentleman's Club [Original Draft]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon