3: White Lies

1.5K 47 14
                                    


Author's Note:

Hi! My classes will start tomorrow. Susubukan ko pa rin (I won't promise) na mag-update tuwing Sunday. Iyon lang naman ang free time ko dahil may class ako Monday-Saturday (7:30 o 6:00 lang uwi ko haha). Enjoy niyo sana 'tong part na to! You can also have your suggestions sa casting. Are they okay?

P.S. Sino dyan crush na agad yung magkapatid this chapter pa lang? Comment below!

~~

Pumasok na rin kami ni Dennis sa loob ng bahay kasama ng kapatid niya. Narinig ko na ang pangalan pala ng kapatid niyang mas matanda sa kanya ay Dylan at mas matanda ito ng tatlong taon kay Dennis. Magkasing edad pala silang tatlo ni Frank at Mike, ang dalawang lalaking kasama ni Dennis sa pagkuha sa akin.

Hinatid nila ako papunta sa kwarto ko. Ang sabi nila, doon daw ako matutulog habang nasa puder nila ako. Malaki ang bahay nila, halos umikot na nga mata ko kakahabol ng mga pwedeng titigan sa paligid. Lahat ng bagay tinitingnan ko, kahit ano para hindi ko mapansin ang mga tingin na binibigay ng mga tao sa paligid namin. Bago pa man kami tuluyang makapasok sa isang kwarto isang lalaki na halos kasing edad ko lang nag tumawag kay Dennis.

"Ano 'yon?" tanging tanong ni Dylan sa lalaki.

"Dinala na sa baba si Danica. Hinihintay na kayong dalawa ni Sir George sa kwarto." Sagot nito at agad rin nagpaalam at dali-daling bumaba ng hagdan.

Nanlaki ang mga mata ko at agad akong humarap kay Dennis. Humawak ako sa ga braso niya at pilit kinuha ang atensyon niya papunta sa akin.

"Saan niyo dinala ang kaibigan ko? Please, gusto ko siyang makita, Dennis...Dylan dalhin niyo ako don." Pagmakakaawa ko sa kanilang dalawa.

Ngumiti naman silang dalawa na parang may sinabi akong nakakatawa. Wala silang karapatang tumawa dahil kinuha nila kaming dalawa ng kaibigan ko.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo, Erika. Hindi mo alam kung nasa anong klaseng lugar ka ngayon." Sagot ni Dylan sa akin at kinausap si Dennis. "Mauuna na ako doon. Hihintayin ka na lang namin."

"Sige. Susunod ako." Sabi naman ni Dennis at humarap sa akin. Nilagay niya ang mga klamay niya sa magkabilang pisngi ko.

"Erika Suarez, hindi mo ba naiintindihan? This is your life now kaya wag kang magmadali malaman lahat ng mga baho na meron sa realidad ng buhay. Your room is located behind you." Sabay gulo sa buhok ko. Agad ko namang tinanggal ang kamay niya.

Sumimangot ako sa kanya at pinagkrus ang mga braso ko sa dibdib ko. "Hindi, Dennis. Sasama ako sayo. Gusto kong pumunta kung nasaan si Danica."

He smiled sinisterly. Nangilabot ako sa ginawa niya. Paano ba niya ako natatakot sa simpleng pagngiti lang niya? Napaiwas agad ako ng tingin, pero agad niyang iniharap ang mukha ko gamit ang baba ko. Seryoso ang mga mata niya kahit na nakangiti siya sa akin.

"Sigurado ka bang gusto mo siyang makita? Baka hindi mo magustuhan ang makita mo." Pagbabanta niya sa akin.

Hindi ko alam kung anong tinutukoy niya. Paan ba ako maniniwala samga taong hindi ko naman kilala? Pero napakadami nilang alam para takutin ako ng ganito. Ano bang meron sila na hindi ko alam? May mga tinatago ba sila Tita at Tito sa akin?

Hindi.

Bakit ba ako naniniwala sa sinasabi sa akin ng mga taong ito samantalang ngayon ko lang sila nakilala. Tiningnan ko ng masama si Dennis bago sumagot, "Anong ginawa mo sa kanya? Anong ginawa niyo sa kanya!" Sigaw ko habang hinahamapas ko ang braso niya. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at itinulak ako sa dingding at inilagay ang dalawang kamay ko sa taas ng ulo ko.

Gentleman's Club [Original Draft]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon