11: Weird Gestures

1K 40 8
                                    

A/N: Blessed Day! Update for GC today. Kung reader din kayo ng MDIMB, I posted about a FREE GIVEAWAY. Read the details under MDIMB na nilagay ko. Enjoy!

~~


"Erika, iha? Ikaw na ba ito?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Mamita galing sa kabilang linya.

Tumulo na ang mga luhang pinigilan ko. Napatingin ako kay Dennis na seryosong nakatitig sa akin. Tumango lang siya sa akin na para bang sinasabi niyang ituloy ko na ang pakikipagusap ko sa tita ko. Nakapamulsa siya habang nakasandal sa pader. Itinuon ko ulit ang atensyon ko sa tawag.

"Opo, Mamita. Si Erika po ito. Kamusta na kayo ni Tito? Miss na miss ko na kayo, gusto na kayong makita." Sunodo-sunod kong sabi sa kanya.

"Nako, huwag mo kaming alalahanin. Ikaw ang inaalala ko! Halos hindi na kami makatulog ng tito mo dito simula ng kunin ka sa amin. Pinapakain ka ba nila, Eka? Sinasaktan ka ba dyan?" Tanong niya sa akin.

"Pinapakain po nila ako dito ng maayos Mamita. May sarili din po akong kwarto—" Naputol ako at napatingin kay Dennis.

Gusto ko sanang sabihin kay Mamita na minsan nasasaktan nila akong dalawa. Hindi man masyado sa pisikal pero sa emosyonal, oo, nasasaktan na ako. Hindi ko na alam kung tama pa baa ng ginagawa ko. Dapat na akong magsimulang magplano ng pagtakas dito pero hindi ko pa rin ginagawa.

Bakit, Erika?

Ano pa bang hinihintay mo?

Dennis eyebrows furrowed. Pakiramdam ko na nababasa at naririnig niya ang tinanong sa akin kaya siya nakasimangot. Kaya napagpasyahan ko na lang na hindi sabihin iyon sa tita ko. Ayoko nang madagdagan pa ang pagaalala nila sa akin ni tito. Binigyan na nga ako ng pagkakataong makausap si Mamita. Ayokong sagarin si Dennis dahil alam kong may kapalit ang lahat ng ito.

"Eka?"

"Hindi po nila ako sinasaktan dito. Nakakatakot po sila minsan pero...mabait po sila sa akin."

"Nako sabihan mo ako Eka kapagsinasaktan ka nila, gusto mo bang ipakuha ka na namin? Magsabi ka lang, ha? Miss ka na namin dito."

Umiling ako kahit alam kong di ito makikita ni Mamita. "Hindi po Mamita. Huwag po kayong magpapaunta dito. Huwag na pa kayong makisali kasi baka saktan nila kayo. Kayo na lang ang meron ako, Mamita ayokong mawala kayo sa akin." Pagmamakaawa ko sa kanya.

Alam kong hindi magdadalawang isip ang mga Guttierez na saktan sila dahil sila rin ang kumuha sa matalik kong kaibigan. Naniniwala akong kaya rin nilang saktan sila Mamita at ayokong mangyari 'yon. Kahit ako na lang ang saktan nila.

Biglang kinuha ni Dennis ang telepono mula sa kamay ko bago pa man ako makasagot. Tinaas niya ito para hindi ko maabot.

"Hindi pa ako tapos, Dennis. Magpapaalam na lang ako please." Subok ko pero ayaw na niyang ibalik sa akin.

"No, that's enough." He said finally and ended the call. "Papa would kill me even now that I just allowed you to talk to them. Tama na o sasabihin ko kay Papa na dalawin sila sa bahay niyo." Pagpapapili niya sa akin.

"He doesn't know you made a call?" Tanong ko kay Dennis.

Agad naman siyang umiwas ng tingin sa akin at hinila ako sa pulsuhan ko.

"Hindi, Erika. So please, kung gusto mo ulit na makausap ang tita mo makinig ka sa akin at sundin mo na lang kami. Come on, we need to get ready for the party." Sagot niya sa akin hanggang sa pinasok niya ako sa kwarto ko pero sumama din siya.

Napaisip tuloy ako sa sinabi sa akin ni Dennis. Bakit niya ako hahayaang makatawag sa tita ko? Hindi kaya naawa siya sa akin? Baka naman kaya ko pa siyang kumbinsihin na ibalik na lang ako sa pamilya ko.

Pero sa isang banda, pilit na bumabalik sa akin ang mga posibleng gawin ng pamilya nila sa amin nila tita kung mapapakawalan ako. Paano na lang kung pagkatapos kong makaalis sa bahay nila ay guluhin pa rin kami ng pamilya niya? Ayokong idamay pa sila Mamita dito. Wala naman silang kasalanan. Sa akin sila may gustong makuha.

Natahimik kaming dalawa habang inaayusan kami para sa party. Hindi ko akalain na papupuntahin pa nila akong dalawa ni Dylan sa party na iyon gayon may sari-sarili naman silang kasama. Hinihiling ko na lang na hindi nila ako pasasamahin sa hindi ko kakilala. Ilang linggo na rin ako dito sa mansyon nila pero hindi naman ako mnasyadong kinakausap ng mga tauhan nila.

"Ma'm? Sakto lang po ba itong damit niyo?" Tanong ng nagaayos ng damit ko na siyang nakakuha ng atensyon ko.

"Ha? Ah...oo sakto lang naman sa akin. Salamat." Sagot ko sa kanya.

"It should be. Ako mismo ang namili niyan para sayo." Biglang sabi ni Dennis na agad na nagpatingin sa akin sa kanya.

He look so fine wearing his fitted suit and tie. Pwede akong tumitig sa kanya ng isang buong araw. I suddenly felt guilty dahil ganon din halos ang inisip ko kay Dylan kanina nang kunin namin ang damit niya. But it's true, both of them looked really formal while wearing their tuxedos.

"Ikaw ang bumili?" Tanong ko sa kanya.

"Yes, Erika."

"Pero hindi na kailangan, Dennis. Kasi hindi naman ako dapat kasama sa-"

"You don't tell me what to do, Suarez. If I say you go to the party with us you will. Maliwanag ba?"

Tumango na lang ako dahil ayaoko nang makipagtalo pa. 

Natapos na rin ang pagaayos sa amin dalawa. Pati buhay ko ay inayos din at nilagyan din ako ng kolorete sa mukha. Hindi ako masyado naglalagay ng make-up. Lip balm lang at pulbos ang madalas kong ilagay dahil hindi naman ako mahilig magayos. Pakiramdam ko kasi ang init ng muka ko kapag may nilalagay akong iba. Pero ngayon para wala lang silang nilagay sa akin. Iniisip ko na baka siguro dahil sa gamit nila. Mamahalin siguro kaya maganda sa balat.

Lumapit si Dennis sa akin at nilahad ang kamay niya. "Shall we?" Ani nito.

Tumango ako at inabot ang kamay ko.

"You know, I really hate it when I see you with my brother, Erika." Biglang saad nito.

Ano na namang gusto niyang iparating? 

"Well, I don't like it when you're throwing yourself to other women too. Pero ano namang pakialam mo hindi ba?"

"Are you jealous of Samantha and Venus?" Nakangising tanong niya sa akin.

"Are you jealous of your own brother, Dennis?" Pagbabalik ko sa kanya ng tanong.

At sa unang pagkakataon, napatahimik ko ang isang Guttierez. Sabi nga nila, silence means yes. Pero ano nga bang alam ko tungkol sa taong ito?



Gentleman's Club [Original Draft]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon