5: Bitter Revelations

1.5K 38 9
                                    

A/N: Sorry medyo nalate nag update. Ang bagal talaga ng net kahapon tsaka nag-aaral ako from afternoon until evening. Enjoy! This song is sooo good!

~~

Pagkatapos ng isang hapunan na wala man lang akong pagkakataon na magsalita, umakyat na rin ako agad sa kwarto ko. Wala na rin namang punto kung mananatili pa ako sa isang hapagkainan na hindi naman ako gusto at nirerespeto. Inalis ko kaagad ang bestida at nagpalit ng damit na nakuha ko sa drawer na nasa loob ng kwarto. Isang maong na shorts at isang kulay asul na t-shirt lang ang pinili ko. Umupo ako sa kama at inabot ang isang libro na nakalagay sa lamesa.

"Bakit bigla kang umalis sa baba, Erika?" tanong sa akin ng isang babae.

Si Alyssa.

Dahan-dahan siyang pumasok ng kwarto at umupo sa tabi ko. Isang bestida rina ng suot niya pero kulay dilaw ito. Ngayon na nasa harap ko siya, parang hindi ko na kilala ang kaibigan ko. Ibang-iba ang itsura niya nangmakita ko siya dito sa bahay na ito. Pero kitang-kita sa mata niya na siya pa rin ang matalik na kaibigan ko.

"Ano bang punto ng pagpunta ko sa kainan na 'yon? Alam ko namang hindi nila ako gusto dito. Gusto ko lang na iligtas ka, Alyssa. Pero mukhang hindi mo naman kailangan na iligtas ka hindi ba? Ako lang pala ang nag-aalala sa'yo." Malungkot na sagot ko sa tanong niya.

"I want you to take me away from all of this, Erika. Pero kasi marami ka pang hindi alam. Ayoko lang naman na idamay ka sa mga kamaliang nagawa ko. It's all on me. Lahat ng pagkakamali ko sa buhay dahil rin sa akin, okay? Kaya huwag na huwag mong sisihin ang sarili mo." Her tone sounds convinving but her smile looked so bitter.

"Bakit ba ayaw niyong sabihin sa akin kung anong nangyayari sa buhay ko? Maraming tao na ang nawala sa buhay ko, Alyssa! Hindi ko na kayang mawalan pa ng mahal sa buhay. Mababaliw na ako kapag naulit pa sa akin 'yon naiintindihan mo ba? Bata pa lang ako, nagising nalang akong walang magulang. Isang araw pati kaibigan ko kinuha nila sa akin. Nakita ko na siya pero ayaw niyang sumama. Saan ba ako lulugar?" tanong ko sa kanya.

Nakakapagod na magtanong kung wala rin namang sasagot ng mga tanong ko.

"Alam ko. Gagawin mo ang lahat para sa akin, para sa pamilya mo. Pero iba na ang sitwasyon ngayon, Erika. May mga bagay ka na na nadidiskubre na pilit kong tinago sa'yo. Ayoko na kasi na masaktan ka ulit. Masyado ka nang nasaktan sa buong buhay mo. To think na ilang taon ka pa lang, pero ang dami nang nawala sa'yo.

She sighed.

"Huwag mo na muna akong hanapin. Basta okay ako, okay ka. Kapag pinalaya ka na nila, ipangako mo sa akin na hindi ka na sasama sa mga hindi mo kilala."

Isang tawa ay bumasag sa paguusap namin.

"Who told you we will let her off, Danica? At pwede ba, sabihin mo na sa kanya na walang Alyssa dito kung hindi Danica lang. Stop feeding her off with your lies. Sabi mo nga kanina, she had enough." Sabi ni Dennis habang nakasandal sa nakasaradong pinto. Paano siya napunta roon hindi ko naman siya narinig pumasok?

"You son of a bitch, you promised to let her off tonight. You do it!" Banta ni Aly-Danica sa kanya.

"Oooh, scary aren't you? You don't tell me what to do, sweetheart. Promises are meant to be broken. He promised Erika's mind, body and soul so I think you know what it means, right? We break her too like you." He smiled.

Biglang kong nakuyom ang kamao ko at mabilis siyang inasinta para sa isang suntok. Lumapat ito sa mukha niya pero para siyang hindi tao, dahil naramdaman niya pa rin ang paggalaw ko. He grunted and gripped my wrist with much force and pushed me until my back was pressed against the wall.

Gentleman's Club [Original Draft]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon