Author's note:
Look who is back? I have no promises to make, just excited that I finally can move on and write for Gentlemen's Club again. Let us all enjoy the fresh ideas that I have in my head, because it has been more than a year since I was able to move on and write again.
Any comments? I think iba na ang readers nito.
Much love,
pillowheart
~~
"Coming like a hurricane, I take it in real slow
The world is spinning like a weathervane
Fragile and composed
I am breaking down again
I am aching now to let you in"
- Hurricane - Fleurie , Tommee Profitt
--
Erika's P.O.V
Inuwi din ako ni Dylan pagkatapos ng dinner namin. Naging tahimik at mabilis ang biyahe namin pauwi sa mansyon. Pinili ko na hindi magsalita dahil labis kong pinag-iisipan ang kinuwento niya sa akin. Sinong magaakala na hindi ko pa pala lubusang kilala ang mga magulang ko?
Sa isang banda, maari ring hindi naman totoo ang sinasabi niya at pinaniniwala lang niya ako.
Hindi ko na alam kung saan ba dapat ako maniniwala. Ang alam ko lang ay maraming nilihim sa akin ang nga magulang ko at dapat kong malaman kung ano ang mga 'yon. Paano ko ba makokompronta ang mga magulang ko kung patay na sila?
Nanikip ng bahagya ang dibdib ko, pero bago pa man muling tumulo ang nga luha ko naramdaman ko na ang paghinto ng motor. Nanatili akong nakayakap kay Dylan.
"We're here, Erika." He whispered, slowly running his fingertips across my right arm.
"Pwede bang sumama muna ako sayo?" Sagot ko sa kanya.
Slowly he grinned and look at me while shaking his head. "As much as that is an interesting offer, I could not let you come with me inside the office." He sighed and helped me to go down his motorbike.
"You, will be expected in the club tonight and serve upstairs for our VIPs. At ako naman ay magkikipagusap sa kapatid ko." Dagdag pa nito.
Defeated, I shrugged the idea off. Hindi ko na rin pinilit dahil naalala ko na naman na kailangan kong bumalik sa club na yon. Pero wala akong magagawa. Sabi nga ni Dennis hindi magiging libre ang pagtira ko dito.
Hinatid na rin ako ni Dylan papunta sa Gentlemen's Club. Tahimik niya akong hawak sa kamay habang dumaraan kami sa grupo ng nga tao papunta sa office ni Venus sa taas. Mas maraming tao ngayon sa club at marami na ring kalalakihan ang tahimik na naghihintay palibot sa entablado kung saan nagtatanghal ang mga stripper at pole dancers.
May isang babae na sumasayaw ngayon sa taas ng entablado. Pilit kong tinitingnan ang kanyang mukha para makita ko sana kung sino siya.
Kilala ko siya. Kahit saan ako magpunta makilala ko siya.
Si Danica.
Somehow, kahit alam ko na ang tunay niyang pangalan ay hindi pa rin nasasanay na tawagin siya sa totoo niyang pangalan. Pakiramdam ko kasi ibang tao ang kinakausap ko.
Halos hindi ko siya makilala sa mga galaw niya. Sensual, sexy and seductive. Every sway and move of her hips earn hungry stare from every men surrounding the stage. With pity, I remove my gaze and turn my attention towards Dylan. Nakataas ang isang kilay niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Gentleman's Club [Original Draft]
ActionIsang prestihiyosong lugar kung saan ekslusibong kalalakihan lamang ang maaring pumasok at maging miyembro. Mataas ang tingin ng mga taong may alam tungkol sa lugar na ito, pero wala pang nakakapagsabi kung anong tunay na kalagayan sa loob. Paano ku...