8: Hitting Two Girls with One Stone

1.2K 44 8
                                    

Author's Note:

I am hoping that all of you are having a blessed Holy Week. Kahit ano mang religion natin, ang mahalaga we are all saved, graced and blessed by God.

Here is GC's update this week and last week. Enjoy reading, guys!

~~

Pagkatapos ng pag-uusap namin na iyon, pinapasok na ni Dennis si Venus sa loob ng kwarto para tumulong na magpaliwanag sa akin kung anong magiging trabaho ko dito sa club kapag nagsimula na ako.

"Sir." Sabi niya kay Dennis at sinundan ng pagtungo bago tuluyang naglakad sa at umupo sa harapan ko.

"Venus, I am glad to see you, darling. I am sure na alam mo kung bakit kita pinatawag dito." Sabi naman ni Dennis sa kanya.

Tunango si Venus bago sumagot, "Yes, Sir Dennis. Pinapunta niyo ako dito upang turuan at sabihin kay Erika ang trabaho niya sa loob ng club."

"Ella, iyon ang itatawag sa kanya habang nagtatrabaho siya bilang waitress dito. No one can refer to her as Erika but me, my brother and Papa. Malinaw ba, Venus?" Tanong ni Dennis sa kanya.

Ella. Pakiramdam ko isa ako sa mga bayarang babaeng nagiiba ng pangalan para hindi makilala ang tunay na pagkatao nila. Na kinakailangan ko pang itago ang totoo kong pangalan dahil hindi dapat iyon ang makita nila sa akin kung hindi si Ella.

Tiningnan ako ng masama ni Venus bago ibinaling ang atensyon niya kay Dennis. "Yes, Sir. I understand your request."

"Very well then. Dalhin mo na siya sa kabilang kwarto. Let her try out the outfit at pabalikin mo dito." Then he looked at me and said, "I need you to serve me tonight. Bukas ka na magsimulang magserve sa ibang VIP customers."

I half-smiled at him at pagkatapos ay nagpaalam na pupunta na sa kabilang kwarto para kausapin na ako ni Venus.

Alam ko naman na sa unang beses akong makita ni Venus ay hindi na ako nito gusto. It doesn't take a wise woman to know she likes Dennis by the way she looks at him. Halos hubaran na nga niya si Dennis habang tinititigan siya nito kanina. Napailing na lang ako sa iniisip ko. Nagmumukha tuloy akong may gusto sa kanya. I shivered at the thought. Hindi ako nagseselos ano.

Tumigil ako nang tumigil din si Venus sa loob ng kabilang kwarto. Naghalungkat siya ng damit aa loob ng isang cabinet at muling humarap sa akin.

"Here." Sabi niya sabay abot sa akin ng damit na galing sa cabinet.

"Anong gagawin ko dito, Venus?"  Tanong ko sa kanya.

"That's Mam Venus for you, Ella. Kahit na hindi ko alam kung bakit mas pinapansin ka ng magkapatid, ako pa rin ang boss mo. Naiintidihan mo ba ako?"

Bago pa man ako makasagot ay nagsalita ulit siya.

"That is your uniform here, stupid girl. Ano ba sa tingin mong gagawin sa damit. Hindi ba susuutin?" She said as if saying na napakatanga ko dahil hindi ko alam.

Sinuot ko ang damit sa loob ng banyo sa kwarto at mabilia na lumabas para harapin ulit si Mam Venus. Tahimik lang ako sa harap niya dahil ayoko nang masigawan pa ulit. She smirked at me.

"You're not as pretty as I thought you were. Habang suot mo ang damit na 'yan,  you are nothing but a mere server like me." She spat. Maa lalo tuloy bumaba abg tingin ko sa sarili ko.

Gentleman's Club [Original Draft]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon