9: Double Resistance

1.2K 53 9
                                    

A/N: Team Dennis or Team Dylan?

Hi, guys! Who is your pick so far? We are still on the first part. Marami pang characters na lalabas. How are you liking GC so far? Comment down below. Votes are super appreciated.

Sober is one of my choices as this story's OST! Pakinggan niyo. :)

~~

Alam ko na kapag pinagpatuloy kong pansinin ang narardaman ko ngayon ay mas lalo lang akong masasaktan.

I hate Dennis.

I hate Dylan.

At sa bawat segundo na tinatagal ko sa bahay na ito, pakiramdam kong nakakulong ako na parang nasa isang presinto. I feel so contained! Bawat galaw ko pinagmamasdan ng lahat ng tao. Bawat salita ko gusto nila na ayon din sa kanila. Galit ako sa kanila dahil sila ang mga taong sumira ng buhay ko. Kinuha nila ang isang taong mahalaga sa akin na may iba pa palang pagkatao.

Wala ng ibang natitira sa akin na pamilya kung hindi ang Tito at Tita ko. Kapag may nangyari sa kanila, saan na lang ako pupulitin? Saan ako tatakbo?

Sino pa ba ang mga naglilihim sa akin? Ano pa ba ang tinatagon sikreto ng mga taong malapit sa akin ang hindi ko pa alam?

Ngayon, mas lalo lang akong naguluhan nang nakaramdam ako ng kakaiba noong nakita ko si Dennis at Samantha na naghalikan

Am I jealous of him being with her?

I don't know! Hindi ko pa ito nararanasan noon. Kaya nga hindi ko alam kung ano at anong tang gagawin ko.

Alam ko namang hindi mabuti si Dennis sa akin eh. Isang saglit mabait siya sa aki  pagkatapos ay hindi ulit. Madalas nga na hindi ko na alam kung saan ba ako dapat lumugar. Kung dapat bang nasa buhay niya ako o piliin ko na lang na lumayo.

Pero naisip ko rin na kung patuloy kong iisipin ang nararamdaman ko, bala mgaatuluyan na akong mahulog. Al am ko naman na mahina ako pero hindi ko maisip na ang mga taong kinamumuhian ko ay amg tao ring siyang mamahalin ko.

Tama.

Dapat lang na dumistansya ako. Wala naman namamagitan sa amin kahit na pagkakaibigan lang kaya bakit pa ako magpupumilit? Napailing na lang ako sa mga naiisip ko.

"You seem to be deep in your thoughts, ma fleur? Anong bumabagabag sayo?" Tanong sa akin ni Dylan habang tahimik na nagmamaneho patungo sa isang boutique para kunin ang isang tuxedo na pinagawa niya sa isang tailor.

"Wala." Tipid kong sagot ko sa kanya.

Isa rin si Dylan sa mga nagpapagulo ng isipan ko. Alam kong wala ring namamagitan sa aming dalawa pero bakit kailangan niya pa ring magign mabait sa akin? Dapat tinuloy na lang niya ang pagiging masama niya para hindi na ako naguguluhan ng ganito. 

"I know you are thinking right now, Erika. Sabihin mo na sa akin. I can't keep on guessing here forever." He insisted.

"Sabihin niyo nga sa akin ng kapatid mo, Dylan. Ano bang kailangan niyo sa akin at gingulo niyo pa aking buhay ko? Bakit kailangan niyo pang maging mabait sa akin kung may atraso pala ako sa inyo. Hindi ako tanga. Marahil mahina ako, pero hindi ko kailangan iuntog sa para lang malamang pinaglalaruan niyo ako." Galit na sabi ko sa kanya.

Gentleman's Club [Original Draft]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon