AUTHOR'S NOTE:BELATED HAPPY HALLOWEEN! Alam ko na matagal na simula nung nagupdate ako. I won't day anymore sorrys kasi ang dami ko ng sorry. Hoping 16.2 & 17 will also be uploaded this year tapos magtuloy tuloy na. Enjoy, fam.
#TeamDennis or #TeamDylan? Take you pick! ;)
--
“I was choking in the crowd, living my brain up in the cloud. Falling like ashes to the ground.
Hoping my feelings, they would drown, but they never did…”
~~
Dennis’s POV
I was raised in a dirty, dark and merciless world. Maliit pa lang ako hindi na ako nakaranas ng buhay na normal kagaya ng mga batang nakapaligid sa akin at nakasama ko sa eskwelahan. Yes, I went to a normal school during high school and college but back when I was a kid home-schooled muna ako.
Hirap na nga akong makisabay sa mga gawain ng ibang bata, hirap akong mag-adjust sa panibagong paligid na maraming tao. I was used to having Papa, Dylan and our men around kaya halos wala akong nagiging kaibigan noong pumasok na ako sa totoong paaralan. I feel so dumb kasi high school na ako pero napaka-miserable na agad ng mga bagay na nakikita ko.
I was so used to seeing men tied-up surrounded by Papa and all our men crying out for mercy and help and doing nothing, because I was instructed to keep my mouth shut. Hindi ko alam kung paano nasikmura ng mura kong katawan ang amoy ng iba’t ibang alak at sigarilyo sa loob ng mansyon. Isama pa ang mga illegal na droga na paminsan-minsang tinitikman ni Papa bago ituloy ang transaksyon kasama ang mga dayuhan na nakikipag negosyo sa kanya.
Nagsisi ako na hindi ako naging tanga para hindi malaman na hindi pala isang normal na negosyante ang Papa ngunit isang Don ng isang malaking Mafia. I am a son of a merciless and ruthless man. Kahit minsan nga ay pati ang trato niya sa amin ni Kuya ay parang isa sa mga tauhan niya. May mga oras na gusto kong makaranas ng pagmamahal at pag-aaruga ng isang ama, but I am always reminded na hindi ganoong tipo ng tao ang Papa.
He is different than most fathers.
He even makes his own kids do horrible things despite knowing they’re too young for it.
Naawa ako kay Mama noong hindi pa niya matanggap ang trabaho ni Papa. Sa bawat paalala niya dito na itigil na ang pagiging parte ng madilim na mundo na ito, lagi lang siyang nasasaktan at napagsasabihan na umayon kung saan siya dapat nakalugar. Hindi man ‘yon palagi alam kong nasasaktan pa rin si Mama dahil sa mga naririnig niya.
Mama was very quiet unless she was spoken to by Papa. That is the only time she will express her opinion about a certain topic. Isang bagay na minana rin naming lahat kay Papa. I hurt for my mother every time that she cries silently at night. Madalas akong bumisita sa kwarto niya kapag gabi na and sinusubukan kong patahanin siya.
I always would tell her to leave him and bring me with her. Para hindi na siya masaktan, kami na ang lalayo sa kanya. But she would smile faintly before saying na mahal kami ni Papa. Ayaw lang talaga niya na pinakikialaman siya sa ginagawa niya lalo na kung ang Mafia ang pinaguusapan. Ito rin naman kasi ang bumubuhay sa main hanggang sa ngayon kaya’t natuto na lang din kamung manahimik tungkol dito.
He would never let anyone hurt our family. Alam ko iyon.
I believe he is a great influencer.
Lahat kami ay napasunod niya sa kagustuhan niya. Kung anong gusto niyang gawin naming ay siyang nasusunod. Wala kahit kailan ang nagtangkang kontrahin siya dahil hindi niya nagugustuhan kapag hindi sumusunod sa kanya. Madaling magalit si Papa at isa ‘yon sa mga bagay at ugali na natutunan ko din sa kanya ngayon na tumanda na din ako.
BINABASA MO ANG
Gentleman's Club [Original Draft]
ActionIsang prestihiyosong lugar kung saan ekslusibong kalalakihan lamang ang maaring pumasok at maging miyembro. Mataas ang tingin ng mga taong may alam tungkol sa lugar na ito, pero wala pang nakakapagsabi kung anong tunay na kalagayan sa loob. Paano ku...