Dennis' P.O.V
"Old habits die hard."
~~
What is there to change? When you have all the luxuries in life, what else can you wish for?
Hindi ko na nga kailangan lumabas ng residence naming para lang maging masaya. Kahit na hindi ako magtungo sa Gentlemen's Club, ay nandyan na ang kailangan ko. What I need right now is inside the estate already.
Pagkatapos ng pag-usap namin ni Erika ay agad akong nagtungo sa Funhouse. Nang makapasok ako sa pintuan, agad kong nakita si Tiffany. May kausap siyang isang matandang lalaki na napagtanto kong kaibigan pala at kabusiness ni Papa.
"Will you be here tomorrow, sweetheart?" tanong ng matanda sa kanya sabay pisil sa pangupo niya.
Ngumiti naman si Tiffany at hinalikan niya ito sa pisngo bago siya sumagot. "Of course, Paulo. You can always find me here. Where else would I be?"
Naglakad ako papalapit sa kanila at umupo sa sofa katabi nila. I pulled Tiffany on top of my lap and turned towards Mr. Montego. "Time's up." Ngisi ko sa sa kanya. He shook his head before standing up and walking towards the door.
"Words spread like wildfire around here, Dennis. I heard about that girl from Don Padre. Careful now, son." He finally said before leaving the room.
Napabuntong hininga ako. Ramdam ko ang inis na dumadaloy sa buong katawan ko. Naiinis ako kapag laging sinasama ang pangalan niya kahit wala naman siyang ginagawa. She's not even here with me now, so why drag her name?
That is why I didn't want to seem to be too close to Erika Suarez. Lahat ng mga kasosyo ni Papa sa negosyo ang paguusapan kami. Paano na lang kung malaman nila na pati di Kuya ay nagiging malapit na rin sa kanya? They are going to destroy her more than I would.
Hindi ako papayag.
Walang kahit sino man ang pwedeng gumalaw sa kanya maliban sa amin ng pamilya ko dahil hindi nila alam ang kwento kung bakit naming siya kinuha. God, thinking that they only want to get her in their dirty hands for her ruination makes me so mad.
"Babe?" mahinang tawag ni Tiffany sa akin habang hinahaplos ang pisngi ko na nagpabalik sa akin sa wisyo.
"Hmm?"
"I asked why you are here. What can I do to help you, Dennis?" Tanong niya sa akin habang mas lalong inilalapit ang katawan niya sa dibdib ko. Amoy siyang mamahaling pabango. She knew I will be here today dahil ginamit niya ang paborito kong pabango niya.
Intoxicating.
Her smell engulfs me like smoke and wildfire.
Linapit niya ang bibig niya sa may tenga ko at bumulong, "I can make you forget her, babe. Just let me do my job."
At ganoon lang niya ako kabilis na mapaniwala na kaya niyang ipalimot sa akin ang babaeng dahilan kung bakit ako gulong-gulo ngayon. Ang babaeng naging dahilan kung bakit sa mga nakaraang araw ay hindi na ako madalaw-dalaw ng antok. Ganon na lang ako kabilis napaniwala na hindi ko kailangan ng katulad niya dahil kaya kong makuha ang lahat ng gusto ko and that includes women.
Dennis McLeod Guttierez doesn't know how to love. He only knows how to play with fragile hearts.
Slowly, the music started. Walang ibang maririnig sa loob ng kwarto kung hindi ang kanta na nagmumula sa mga speakers. Wala rin akong ibang nakikita kund hindi ang pagindayog ni Tiffany nang magsimula na ang kanta.
I can make you forget her...
Erika Suarez.
Shit.
BINABASA MO ANG
Gentleman's Club [Original Draft]
ActionIsang prestihiyosong lugar kung saan ekslusibong kalalakihan lamang ang maaring pumasok at maging miyembro. Mataas ang tingin ng mga taong may alam tungkol sa lugar na ito, pero wala pang nakakapagsabi kung anong tunay na kalagayan sa loob. Paano ku...