15.1: Secrets

835 33 5
                                    

A/N: Merry Christmas, readers of GC! Enjoy! Comments and votes are all appreciated. Let me know what you guys think.

 "I've been reckless, but I'm not a rebel without a cause." - Angelina Jolie

Ang buong akala ko, kapag nagtagal ako sa bahay ng mga Guttierez ay malalaman ko na kung ano ba talagang pakay nila sa akin.

Bakit nga ba nila ako kinuha sa pamilya ko?

At bakit pati ang pamilyang nagpalaki sa akin ay hindi man lang gumawa ng hakbang para hanapin ako? Alam ko, rinig ko sa boses ng Tita ko na nag-aalala siya sa akin. Pero mag-iisang buwan na ako sa pamamahay ng mga Mafia na ito at wala pa rin akong natatanggap na panibagong tawag mula sa kanila o kahit man lang balita sa telebisyon tungkol sa pagkakadakip ko.

Minsan napapaisip din ako kung may ginagawa ba sila para maibalik ako sa kanila. Pero ayokong magkaroon ng sama ng loob sa kanila ni Tito dahil wala naman akong masusumbat sa kanila.

Lahat ng ginawa nila para sa akin ay sa ikakabuti ko lang. At hindi ko rin naman alam kung may pinaplano na sila para sa akin o wala kaya mas mabuting maghintay na lang ako mag-isip ng araan kung paano ako makakalabas ng buhay sa tirahan ng mga Guttierez.

"Why don't you go to your room, sweet pea? May paguusapan lang kami ng Mommy mo." Malambing na sabi sa akin ni Daddy.

At dahil musmos pa lang ako, at mahal na mahal ko ang Daddy ko ay sumunod agad ako sa kanya.

What can a 10 year old little girl do?

Pumunta ako sa kwarto ko pero iniwan kong bahagyang nakabukas ang pinto para mapakinggan ko pa rin ang usapan nila Mommy kahit na wala namana kong maiintindihan dahil uasapang pang matatanda lang daw iyon sabi niya sa akin.

Still, little Erika poked her head outside the door and peaked outside her room.

"Hindi!" Sigaw ni Mommy kay Daddy na agad nagpakunot ng noo ko at nagpasimangot sa akin. Nagulat ako.

"Keep your voice down, love. Hayaan na nating matulog si Erika." Mahinahong alo ni Daddy kay Mommy at sumenyas sa kwerto ko gamit ang nguso niya.

Doon lang kumalma si Mommy at humawak ng bahagya sa braso ni Daddy.

"Hindi ako papayag...you will not risk...lives...for money...Don Padre. Naiintindihan mo, Paulo?" Sabi ni Mommy pero halata sa boses niya na malungkot siya.

Hindi ko pa naiintindihan ang sinasabi niya noon dahil bata pa ako. Ngayon gusto kong malaman kung tungkol ba talaga saan ang pinauusapan nila ni Daddy noong bata pa ako. I want to know why they are fighting. Kung bakit nabanggit nila ang pera, ang Don Padre na tawag sa Papa nila Dennis, Dylan at Destiny.

What does their family have to do with mine?

Matagal na rin kaming nakasakay sa Ducati ni Dylan papunta sa sinasabi niyang dinner party kasama ang mga taong kakausapin niya. Hindi naman niya masabi kung sino ang mga ito kaya hinayaan ko na lang. Every time I attempt to argue with Dennis and Dylan, we always end up fighting. Ayoko na lang silang mainis sa akin ngayong nalaman ko na kapag sumusunod ako sa kanila, hindi nila ako masyadong pinapansin.

"Five more minutes na hawak mo ako, iisipin ko na may gusto ka na sa akin. Are you enjoying hugging me from behind, ma fleur? Nandito na tayo." Sabi ni Dylan na nakapagpawala sa akin sa mga iniisip ko.

Agad kong tinanggal ang higpit ng pagkakaakap ko sa kanya. Bumaba na din ako sa motorsiklo at pilit na tinutuon ang atensyon ko sa ibang bagay.

Ang bilis niya kasi magpatakbo, kaya hindi ko napansin na nakaakap na pala ako ng mahigpit.

Napatawa naman siya sa ginawa ko. "Come on now, love. Okay lang, I won't be mad kung gagawin mo 'yon sa akin." He offered his arms for me to hold on to, agad naman akong sumunod at sabay kaming naglakad papasok sa loob ng isang magarbo at mamahaling restaurant.

Hindi ko mapigilang mapalingon sa buong lugar. Alam ko namang mayaman ang pamilyang Guttierez lalo pa't sangkot sila sa masamang gawain, pero minsan nakakagulat pa rin. They have too many connections, at marami silang pwedeng magawa sa dami ng pera nila.

Tahimik lang ako habang palakad kami papunta sa entrance. Isang babae na mukhang ang taga-accommodate ang lumapit sa amin at agad na bumati.

"Good evening, Mr. Guttierez. The booth where you will be staying tonight was already prepared for you," at saglit siyang lumingon sa direksyon ko at tumuloy sa pagsasalita, "and your company."

Muntikan ko nang irapan ang babaeng 'to kung hindi lang pinisil ni Dylan ang kamay ko at bumulong sa tainga ko. "Don't forget your level, love. Let her be." He whispered.

Kinilabutan ako sa lalim at garalgal mula sa boses ni Dylan. Kahit ayaw ko man aminin alam kong alam niyang may epekto ang ginawa niya sa akin.

Tama si Dylan. Ako naman ang kasama niya ngayong gabi at hindi ang babaeng ito. Hinayaan ko na lang ang tumuloy na kami sa loob kung saan kami dapat umupo. Nakarating kami sa may bandang likuran na ng reastaurant. Sa loob ng isang booth kung saan may upuan at lamesa kami pinaupo. Isang babae ang pumalit sa receptionist na agad ngumiti sa direksyon naming dalawa ni Dylan.

"Good evening po, Ma'm and Sir. I am Kelsey, I will be your server tonight. Here are your menus. I shall be back after five minutes." Pakilala ng babae sa amin. Maganda din siya kagaya ng receptionist.

Bigla tuloy akong napaisip kung may hindi ba gaanong kagandahan dito sa loob at bakit halos lahat ay may itsura.

"What do you want for dinner, Erika?" Tanong ni Dylan sa akin nang magsimula na siyang maghanap ng pagkain sa menu.

Naghanap na rin ako simula sa appetizer hanggang sa umabot sa dessert at drinks pero hindi ko alam kung anong dapat na piliin ko. Bukod sa unang beses ko lang makaita ng ganoong mga cuisine at dishes, hindi ko alam kung anong masarap na piliin kaya napagpasyahan kong papilin na lang si Dylan.

"Uhm, anything that you'll be having I guess. Hindi kasi ako sanay sa ganitong exclusive restaurant." Nahihiyang sagot ko sa kanya.

Napangisi siya at tumawa, "Okay, Erika. I understand." Sagot niya sabay tingin ulit sa menu.

Pagkatapos iya makapamili, tinawag na rin niy ang waitress pabalik sa table namin at umorder na. Agad din naman itong umalis at pagkatapos ng labin-limang minuto ay dumating na rin ang mga pagkain namin. Sanay ako na may nauunang appetizer, but I am guessing Dylan doesn't like waiting that much.

"Hindi ako sanay na tahimik ka, Erika. Are we getting into you that much? Pwede kang magsalita, wala naman tayo sa bahay." Ani niya.

Tiningnan ko siya. I am looking at him with pleading eyes, not evn knowing what I am pleading for. 

"Gusto kong maintindihan kung anong papel ko sa buhay niyo. I've been with yuo for a month, hindi pa ba sapat iyon para malaman ko kung anong atraso ko sa pamilya niyo?" Saad ko sa kanya.

Nagigting ang panga niya, para bang nahihirapang sabihin ang mga salita sa akin. Perohinintay ko pa rin ang sagot niya. Maybe Dylan would say something else other than what Dennis kept on telling me.

""When we were little boys and girls, Mom and Dad used to tell us that we should not trust people we just met, especially the strangers." Panimula niya.  "But what if our parents became the strangers, and everything that we thought we knew were all lies?"

Napakunot ang noo ko, "Anong ibig mong sabihin? Stop with all those quotations or riddles." Naiinis anang sagot ko sa kanya.

"I meant exactly what I said. Think about it, ma fleur. Did your parents portray a clean and flawless life in front of you? Lahat ba ng mga sinasabi nila sayo ay puro magaganda lang? May naalala ka bang pagkakataon na may kinwato sila sayo na may kinalaman sa pangalang Guttierez?" He teased, "Or...about a certain Don Padre and money?"

Napatigil ako doon.

Don Padre.

Ang dalawang salitang minsan ko nang narinig sa mga magulang ko noong bata pa ako. Who exactly is Don Padre, and what does he have to do with my parents?

Gentleman's Club [Original Draft]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon