12: The Ladies of the Cosa Nostra

1K 37 7
                                    

A/N: From now on, I'll leave information on the author's note to keep it exciting. Any note coming from me will be placed after the chapter. Salamat!

"When asked for any information, the answer must be the truth." - 8, The Mafia's Ten Commandments

Cosa Nostra - 'This thing of ours' or simply 'Mafia'

~~

Bumaba kami ni Dennis sa may sala kung nasaan ang mga tao. Mukhang malapit na magsimula ang party nila. Marami na ring taong dumating at may iba pang dumarating. Lahat sila nilingon ang pagdating namin ni Dennis. Ang iba bumati pa sa kanya pero tanging mga titig lang ang natanggap ko. Mas lalo tuloy akong napaisip kung may mali ba sa suot ko ngayon. 

I felt Dennis squeeze my hand. Agad ko siyang tiningnan.

"Stop thinking about how they look at you. You are stunning, okay?" Sabi niya sa akin.

"Naiilang kasi ako."

"They're wondering about me. Wala naman kasi akong madalas na kasama sa mga party na ito."

"They're probably thinking why you're with a trash."

Pero bago pa siyang kumontra sa akin, isang lalaki ang lumingkis sa kabilang braso ko. Si Dylan pala ang umakbay sa akin. Suot niya ang suit na kinuha niya kaninang umaga na kasama ako. Mas lalong bumagay sa kanya dahil pati buhok niya ang nakaayos na rin. Ang mas nakakapagpainis sa akin ay parehas pa silang mabango.

Wala ba akong mapipintas sa magkapatid na ito?

"You're not a trash, ma fleur. I am betting na halos lahat ng mga babae dito hihilingin na maging ikaw ngayon. Look at you strutting around our house with us." Nakangising sabi ni Dylan.

"Wala ka bang kasama para sa party, Dylan?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi pa kasi siya dumarating. I'll let you meet her later, Erika." Ani nito.

Bigla akong nalungkot, akala ko pa naman sialng dalawa ang kasama ko. Pero napagtanto ko na sobra na nga na ang kasama ko ay si Dennis. Masyado na yata akong nagiging kumportable sa kanilang dalawa. Nakakalimutan ko na yatang sila ang dahilan kung bakit hindi ko kasama ang pamilya ko.

Sinalubong kami ng Papa nila Dennis. Agad akong napayuko nang makita ko siya. I could still feel his hand on my cheeks. Pakiramdam ko kanina lang ako sinampal. Napahiya ako nang gawin niya iyo sa harap ng maraming tao at sa harap ng dalawang anak niya. Nakita ko ang pagngiti niya bago ak yumuko.

"Papa." Sabay na bati ni Dennis at Dylan bago halikan ang singsing na nasa daliri nito.

"Benedire il cosa nostra." Sagot nito sabay tinapik ang ulo ng dalawa niyang anak. Hindi ko naman alam kung anong ibig niyang sabihin kaya hindi na lang ako gumawa ng reaksyon.

"Ah, Erika. Bakit ka nakayuko, iha? Look at me, hindi naman ako nangangain." Tawa pa nito.

Inangat ko ang tingin ko sa kanya at nakita ko siyang nakatingin sa akin habang nakangiti. Ibang-iba sa pinakita niya sa akin noon. Pero ang sabi nila, kung kaya kang saktan ng isang tao, may tyansa na ulitin niya ito. I still have to keep my guard up.

"Good evening po, Sir." Bulong ko.

"How are my sons treating you? I hope that they have been on their best behaviors." Ani pa nito na agad kong tinanguan.

"Nasaan na sila, Papa? Malapit na ba sila Mama at Destiny?" Tanong ni Dennis sa Papa niya.

Destiny? Ngayon ko lang yata narinig ang pangalan na iyon. Bigla tuloy akong nakaramdam ng kung ano sa tiyan ko. Masyado lang akong nagiisip kaya mas lalo lang akong naguguluhan. Gusto kong itanong kay Dennis at Dylan kung sino ang Destiny na tinutukoy nila. Girlfriend ba ni Dennis ang babaeng iyon o ni Dylan?

Gentleman's Club [Original Draft]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon