Pahina 4

5.9K 219 21
                                    

4: Unang Pag-uusap,

Alam nina Claire at Alyana na ilang ako sa tao, dahil iyon nga daw ang napapansin nila sa akin. Masyadong tahimik, hindi nakikihalubilo madalas, at masyadong mapagmasid lalong lalo na sa paligid. Batid din nila na kahit ang hitsurang binibigay ko ay tila walang paki-alam ay nakatuon naman talaga ang pansin ko sa mga pangyayari o bagay na iyon.

Iniintindi nila ang mahirap intindihin na ugali ko. Nakakausap nila ako ng malaya, at ganoon din ako sa kanila. Kahit papaano ay nawawala na iyong pagkamailap ko sa kanila. Natututo na akong pakisamahan sila, dahil nakaaligid silang dalawa parati sa akin.

Mabilis nilang nakuha ang loob ko, at masaya naman ako sa ipinapakita nilang kabaitan sa akin. Hanggang sa paglipas ng mga araw ay mas nagiging malapit na kami sa isa't-isa. Ngunit, ikaw na kahit malapit kay Yana ay hindi ko pa din nakakausap.

Parang may mataas na pader sa pag-itan nating dalawa, si Yana lamang ang pinapansin mo kapag kasama nila ako, gayunpaman, paminsan minsan ay nagsasalita ka din kay Claire. Samantalang ako ay parang isang multo lamang sa iyo, kapag magkakasama tayo.

Pwede pala iyon? Magkakaibigan tayo, subalit hindi mo napapansin ang isa sa mga kasamahan mo? Sabagay, hindi naman kasi ako iyong tipo na kakausapin ka na lang basta basta, dahil hindi ako kumportable sa iyo, at higit sa lahat hindi naman ako para magsimula ng isang konbersasyon sa iyo.

Minsan ay napapatingin sa akin iyong mga kaklase ko kapag kasama ko iyong dalawa. Batid ko na agad na hinuhusgahan at nagtatakha sila kung bakit ako mapasama sa grupo nilang magaganda at sikat. Pinagsawalang bahala ko na lamang iyon, hindi naman kasi ako nabubuhay upang bigyan sila nang ikalulugod nila.

Sa paglipas ng panahon, nakakapag-labas na din ako ng damdamin sa kanilang dalawa. Sila na siguro iyong itinuring kong pinaka-kaibigan ko dito sa paaralan at sa buhay ko. Natutuwa din ako kasi nasasabayan nila ang takbo ng wirdo kong ugali.

Paminsan minsan nagsasalita ka sa akin, ngunit parang isa o dalawang salita lamang iyon, at wala nang kasunod pa. Minsan ay nahihiwagaan talaga ako sa iyo, kung bakit tila wala kang lakas ng loob kapag ako ang kaharap mo.

Anong bang mayroon sa iyo at ganito ang pakikitungo mo sa akin? Gusto kitang makilala pa nang lubusan subalit ang pagiging ilang mo sa akin ay isang napakalaking balakid. Gusto kitang tanungin kung naiintimida ka sa akin, ngunit paanong tatanungin kita? Makatingin sa mata ko ng diretso ay hindi mo magawa?

Akala ko ay magpapatuloy tayong ganoon, at maayos lang naman sa akin iyon. Ayoko naman kasi na kilalanin ka nang lubusan kung labag ito sa loob mo. Alam ko naman na tila ayaw mo ng ganoon dahil iyon ang ipinapahiwatig mo.

Ngunit... nagulat na lamang ako isang araw, dahil bigla kang lumapit sa akin.

Lumapit ka kahit hindi ko kasama si Yana at Claire. Lumapit ka kahit ako lamang mag-isa. Kunot noo kitang pinagmasdan noon. Winawari kung kaya kong basahin ang mga nasa utak mo, hinihiling na titigan mo ang mga itim na mata ko.

Hindi ako nabigo sa lihim na iniisip ko. Ginamit mo ang kulay kape mong mga mata upang ako'y matyagan mo nang masinsinan, at saka mo binitiwan ang mga katangang:

"Ikaw pala iyon."

Ang mga salitang binggit mo sa akin na higit kong ipinagtakha, at higit kong ikinatuwa, dahil kinausap mo ako, kahit walang Alyana o Claire at ikaw pa mismo ang unang lumapit at nagsimula ng pag-uusap.

Puno ng pagtatakha ang aking isipan sa iyong winika. Magtatanong sana ako ng sundan mo pa ang mga katagang iyong binitiwan. "Ikaw pala iyon," tandang tanda ko pa na inulit mo iyon. Ang sabi mo pa, hindi mo inalaka na kakausapin kita. Ngunit mas lalo ata akong naligaw sa sinasabi mo.

Ako? Kakausapin ka? Hindi kita kakausapin kung hindi ikaw ang unang kakausap sa akin.

Naguguluhan akong umiling noon sa iyo, at noong gawin ko iyon, napawi ang ngiti sa mukha mo habang sinasabi mo sa akin na 'ikaw pala iyon'. Kahit ganoon ang naging reaksyon mo ay pinagsa walang bahala ko na lamang at tingnan ka sa mga mata. Tinanong kita kung anong meron sa sinasabi mong 'ikaw pala iyon'.

Kunot noo at bagsak ang balikat mo akong pinagmasdan at saka muling nagsalita. Sinabi mo sa akin na may kausap ka gamit ang telepono, at ako iyon. Mahinahon kitang tinitigan at sinabing, hindi ako iyon, dahil wala namang akong kausap sa teksto kagabi at wala din naman akong numero mo.

Kitang kita ko sa mukha mo noon ang panghihinayang, at sinabi mo na lamang na huwag ko na lamang intindihin ang mga sinabi mo. Kibit balikat akong sumang-ayon noon sa iyo. Akala ko doon na matatapos ang pag-uusap natin, ngunit laking gulat ko na lamang noong magsalita ka pa.

Ang sabi mo, sana ako na lamang talaga iyong kausap mo kagabi, nang sagayon ay mas makilala mo pa ako.

Noong banggitin mo iyon ay sobra akong natigilan. Doon ko napagtanto na hindi lamang ako ang may nais na makilala ka, dahil ikaw ay ganoon din sa akin.

Kahit na sa panghihinayang natapos ang ating usapan. Naging simula naman iyon upang mabuksan ang pintuan kung saan mas makikilala kita ng lubusan.

***

Reminiscence: From Me To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon